ANG INGAY mula sa kanyang alarm clock ang nagpagising sa kanya. Kinapa niya ang bedside table habang nanatiling nakatalukbong ng kumot.
Nang mapatay niya ang alarm ay hinawi niya ang kumot paalis sa kanyang katawan at tumihaya ng higa sa kanyang kama.
Ilang sandali siyang nakipag-titigan sa kanyang kisame at ninamnam ang katahimikan sa paligid. Maliban sa kanyang paghinga ay wala na siyang iba pang naririnig.
She doesn't want to get off of her bed and come to work, but she had to, she had no choice. No one knew how much patience and effort she needed every day to go to work. She doesn't like her work, she doesn't like the people around her. She doesn't have friends but she's fine with it.
She's fine being alone, she's used to it. Sabrina had been living alone for almost nine years now.
Pahinamad siyang umalis ng kama at hinagilap ang kanyang sapin sa mga paa. Nag-inat siya ng mga braso habang naglalakad patungo sa salaming dingding at hinawi ang makapal na kurtinang nakatabing doon.
Nang masilaw sa araw na pumapasok mula sa labas ay naipikit niya ang mga mata at pinuno ng hangin ang kanyang mga baga. Pagkatapos ng ilang sandali ay pumasok siya sa loob ng banyo at naghanda para sa araw na iyon.
Paglabas ni Sabrina ng kanyang silid ay agad niyang narinig ang mga tinig mula sa kanyang kapitbahay. Isang pamilya ang nakatira sa katabi niyang bahay, sa pagkakaalam niya ay tatlo ang anak ng mag-asawang nakatira roon at triplets. Naririnig niya ang pagtatawanan ng mga bata at ang pagsuway ng mga magulang ng mga ito, hindi niya narinig ang mga iyon kanina dahil soundproof ang kanyang silid.
Isang pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina upang magkape. Hindi siya kumakain ng kanin sa umaga, kape lang ang karaniwang laman ng kanyang tiyan sa mga ganoong oras.
Pagkaubos ng laman ng kanyang baso ay hinugasan niya iyon at lumabas na ng kanyang bahay.
Akmang bubuksan ni Sabrina ang kanyang kotse nang lumabas ang kanyang mga kapitbahay. Napatingin siya sa mga ito habang tumatakbo ang isang batang lalaki na walang suot na damit at hinahabol naman ang bata ng ina nito.
Patungo sa direksiyon ni Sabrina ang dalawa dahil walang bakod ang mga bahay na naroon.
"Brandy, come back here! You need to take a shower!" sigaw ng ina habang hinahabol ang anak. Tumatawa lang ang bata habang tumatakbo.
Hindi nagbago ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Sabrina kahit na nang makitang madapa ang bata malapit sa kanya. Hindi siya nag-abalang tulungan ito, lumapit naman agad ang babae upang alalayan ang bata. Sa tantiya ay ilang taon lang ang tanda ng babae sa kanya.
"I told you not to run around, you can't have ice cream for one week... And where's Martini? It's too early to play hide and seek," sita ng ina sa anak habang pinagpagan ang dumi sa katawan ng bata. Bukod sa pamumula ng balat ay wala itong pasang natamo dahil bermuda grass ang binagsakan nito
The kid groaned and stomped his feet. "Mommy, just two days. One week is unfair, so unfair."
Biglang nanikip ang lalamunan ni Sabrina habang nakatingin sa dalawa kaya iniwas niya ang tingin. Nabuksan na niya ang pinto ng kanyang kotse nang maramdaman ang kiliti sa kanyang paa. Imbes na pumasok ay nanatili siyang nakatayo roon at tumingin sa ibaba. Hanggang sa mahuli niya ang taong kumikiliti sa kanya gamit ang isang feather duster. Narinig pa niya ang hagikhik ng kung sinuman.
Tumalungko siya at hinuli ang feather duster at hinila. Doon lumitaw ang isa pang batang lalaki na kamukha ng batang nadapa. Nakalitaw ang ulo nito mula sa ilalim ng kanyang sasakyan at nakangisi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]
General FictionSabrina Clementine Salvador is cold and distant. She had poured her heart once but ended up getting hurt, badly. She caged herself in freezing thick ice to save her from the pain she had once experienced. Apollo Sanford is serious and proud. He had...