CHAPTER 21

1.7K 80 1
                                    

PINAPANOOD NI Apollo si Sabrina habang nakahiga ito sa ibabaw ng kama. Nakakunot ang noo ng dalaga, tagaktak ng pawis ang noo at balisa. Pinunasan niya ang pawis nito at ang mga braso't binti upang maibsan ang lagnat.

Nakatulog ito sa kanyang mga bisig sa kakaiyak kagabi. Dinala niya ito sa cottage nito at doon nga nagsimulang uminit ang katawan nito dahil sa lagnat. He stayed there the whole night to take care of her.

Hinawi niya ag buhok nito na nakatabing sa mukha at masuyong hinaplos ang namumula nitong pisngi. Hearing the whole story from her about what happened in the past doubled his regrets. He was angry with himself. If only he could turn back time.

Sabrina did not deserve everything that she had been through. She lost her child, their child, and he left her. He had his reasons why he left without talking to her after that night when they had an argument. But his reasons were not enough.

Siyam na taon, siyam na taon nitong tiniis ang pag-iisa, ang mga pasakit dahil sa pagkawala ng kanilang anak. Hindi naman niya ito masisisi sa hindi pagsabi sa kanya sa kalagayan nito at sa mga nangyari.

Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil wala siyang nagawa. The baby could've made it if he was there when she went to his house. Their poor baby. He didn't even get the chance to see the world.

Nanikip ang lalamunan ni Apollo at bago pa tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Isang huling sulyap ang ginawa niya sa direksiyon ni Sabrina bago lumabas at tumungo sa sarili niyang cottage upang makaligo at makapagbihis ng bagong damit. Ang suot niya ay kahapon pa at natuyo na mula sa pagkakabasa kagabi nang sumulong siya sa dagat.

Napaupo si Apollo sa ibabaw ng kanyang kama sa inuokopang cottage at napasabunot sa buhok. Tiningnan niya ang mga butil ng luha na sunod sunod sa pagpatak sa kawayang sahig.

Who says men don't cry?

IINOT-INOT na bumangon si Sabrina sa pagkakahiga at umupo sa ibabaw ng kama. Her head throbbed but she can managed the pain. Mainit ang kanyang pakiramdam ay marahil ay nadapuan ng lagnat, masakit din ang kanyang lalamunan at may sipon siya.

Nang madako ang paningin sa maliit na palanggana sa mesitang gawa sa kawayan ay agad niyang nahulaan kung sino ang naglagay niyon doon kasama ang isang bimpo na marahil ay siyang ipinampahid sa kanya. Si Apollo lang naman ang huli niyang kasama bago siya nawalan ng malay.

Bumalik ang kirot sa kanyang dibdib nang maalala ang pagsasabi rito ng mga nangyari sa nakaraan. Hindi niya alam kung pagsisisihan niya ang ginawang pagtatapat o mapapabuntung-hininga sa relief dahil sa wakas, may karamay na siya sa paghihirap na nararamdam. The guilt and the pain.

Hindi lang ang pagkawala ng sanggol sa kanyang sinapupunan ang isinisi niya sa sarili, maging ang kamatayan ni Yaya Melly ay kinakargo niya sa kanyang konsesya. Kung hindi siya nagpumilit na umalis ng araw na iyon ay buhay pa sana ang matanda. Ito at ang driver ng sinakyan nilang taxi ay parehong namatay habang siya ay bukod sa nabaling braso at balikat ay wala nang ibang malalang tinamo sa katawan dahil sinangga ni Yaya Melly lahat para sa kanya. She protected her up to her last breath.

Habang buhay niyang dadalhin sa dibdib ang masasakit na ala-alang iyon. Kaya hindi niya magawang magpakamatay dahil kailangan niyang maghirap upang mapagbayaran ang kapabayaan niya. She deserved to be alive and be miserable. Iyon ang kanyang paniniwala. Makailang beses na niya noong sinubukang magpakamatay dahil sa hirap na pinagdadaanan ngunit sa huli ay hindi niya magawa.

Hindi siya nagbukas ng mga mata mula sa pagkakapikit at pagkakasandig sa headboard ng kama nang marinig ang mga pamilyar na tinig na nag-uusap sa labas. Tinig ni Maymay at ni Apollo. Nang magpaalam si Maymay kay Apollo ay siya namang pagbukas ng pinto at ang tunog ng mga yabag papasok.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon