"KANINA PA 'yang lalaki mo naghihintay sa 'yo sa labas." Michelle nudged Sabrina's shoulder who was washing the dishes in the kitchen. "So, okay na kayo?" tanong nito at tinulungan si Sabrina.
May alam si Michelle sa nangyari sa kanila ni Apollo dahil pahapyaw niyang sinabi rito. Sa halos apat na buwan na pagkakilala ni Sabrina rito ay natutunan niyang magtiwala rito at sa ibang tao sa paligid niya. Wala naman siyang ibang mapagsasabihan upang mailabas ang mga nasa dibdib kung 'di ito lang.
For the first time after her mother died, she asked someone an advice to what she should do with her situation. Lalo na't naging masigasing si Apollo sa pagdaan ng mga araw. Araw-araw niya itong nakakasama ng malapitan, nakikita, bagaman ay hindi niya ito gaanong kinakausap. But it seems liked it was okay with him. Wala siyang reklamo na natatanggap dito.
She admits that the defenses she built for a long time were slowly melting. Halos hindi na rin niya makapas sa dibdib ang galit niya kay Apollo, subalit naroon pa rin ang sakit sa ginawa nito. Pakiramdam niya ay muling nabubuksan ang yugto ng kanyang buhay na kasama ito at matagal na niyang isinarado.
"Hoy, hindi ka na sumagot."
Iniling ni Sabrina ang ulo, hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya alam kung okay ba sila ni Apollo, bagaman ay nararamdaman niyang unti-unting gumagaan ang hangin sa pagitan nila sa paglipas ng mga araw.
"Magiging okay rin kayo, nasisigurado ko. Sa tiyaga ba naman niya, at tsak, Day, ang guwapo ni Apollo, no! Halos lahat ng nagiging guests natin ay humahanga sa kanya, baka maagaw pa," ani ni Michelle sa magaang tinig kapagkuwan ay sumeryoso rin nang bumuntung-hininga si Sabrina. "Hindi mo naman kailangang madaliin ang lahat. Kung sincere talaga siya sa damdamin niya, hindi siya aalis kahit anong taboy mo sa kanya. Mapapagod 'yon at magpapahinga pero hindi siya titigil kung mahal ka talaga niya... Sige na, ako nang tatapos dito, labasin mo na 'yon sa dining hall at baka malasing na naman ng lambanog ni Cecelio," taboy ni Michelle kay Sabrina sabay hagikhik. Noong nakaraang gabi ay uminom sina sina Cecelio kasama si Apollo ng lambanog at nalasing ang huli. Alam na tuloy ng lahat ang pagtingin nito kay Sabrina dahil sa mga pinagsasabi nito nang malasing.
Napailing-iling na lang si Michelle nang makitang sa likuran dumaan si Sabrina at hindi sa dining hall kung saan naghihintay ang manliligaw nito.
Naglakad si Sabrina sa buhangin at tinungo ang pinakagilid ng beach resort kung saan may mga naglalakihang bato ang ipinatag at ipinantay na siya na ring nagsisilbing bakod ng beach resort at ng private summerhouse na katabi niyon. Sumampa siya roon at naglakad sa ibabaw patungo sa pinakadulo kung saan maaaring mag-dive na siyang ginagawa ng mga guests na nagtutungo roon. Malalim ang parting iyon ng dagat kung saan tumatama ang alon sa batong tinutungtungan niya.
Umupo siya at nanatili roon upang makapag-isip at makalanghap ng hangin. Hindi siya makapag-isip ng tama kapag nasa paligid si Apollo.
Mahigit tatlong buwan na siyang naroon sa isla at simula naman nang dumating si Apollo ay hindi pa ito umaalis. Pagkagising niya sa umaga ay naroon na ito sa labas ng kanyang cottage kasama ang ngiti sa mga labi na nagpapaalala sa kanya ng dating Apollo na minahal niya. Sa gabi ay ito rin ang huling tao na nakikita niya bago matulog. Paanong hindi matitibag ang kanyang depensa kung ganoon ito.
"What are you doing here?"
Hindi nagtaas ng tingin si Sabrina dahil kilala niya ang may-ari ng boses na iyon na siyang pumutol sa kanyang pag-iisip. "Kailan ka titigil?" tanong niya sa pormal na tono nang makaupo si Apollo sa kanyang tabi habang parehong nakabitay ang kanyang paa sa gilid ng bato.
"Hanggang sa hindi ko na kaya," sagot ni Apollo nang maunawaan ang gustong tukuyin ni Sabrina sa itinanong. "And I'm telling you now, Sab, kayang-kaya ko pa, hindi pa ako nagsisimula."
BINABASA MO ANG
Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]
General FictionSabrina Clementine Salvador is cold and distant. She had poured her heart once but ended up getting hurt, badly. She caged herself in freezing thick ice to save her from the pain she had once experienced. Apollo Sanford is serious and proud. He had...