"SO THIS is where you eat your lunch."
Marahas na napatingin si Sabrina sa may-ari ng pamilyar na boses na iyon. Susubo na sana siya ng pagkain nang bigla itong dumating. "What are you doing here?!"
"I'm eating here with you." Apollo smiled at her and sat beside her behind the tree.
Mabilis na isinarado ni Sabrina ang kanyang baunan kapagkuwan ay ipinasok sa bag at akmang tatayo upang umalis sa lugar na iyon nang pigilan siya ni Apollo sa braso at muling hinila paupo.
"I want peace of mind!" sita ni Sabrina kay Apollo na sinabayan pa ng panlalaki ng mga mata na tila nagbabanta. Ngunit hindi man lang ito naapektuhan, tumawa lang si Apollo at pinisil ang ilong ng dalagita. "Ano ba!"Sinamaan ito ng tingin ni Sabrina at hinimas ang ilong na namumula.
"I don't want to eat alone," saad Apollo sabay labas ng kanyang baunan mula sa loob ng kanyang bag. Nanatiling nakatingin si Sabrina rito at hindi makapaniwala na nagbabaon ng pagkain ang kagaya nito. Ang mga estudyante roon ay bumibili ng pagkain sa cafeteria tuwing tanghalian o 'di kaya'y sa labas kumakain. The typical rich kids.
Isang buntung-hininga ang pinakawalan ni Sabrina bago muling nilabas ang baunan mula sa loob ng kanyang bag. Wala siyang magagawa dahil naroon na ito, alam niyang hindi rin naman ito magpapataboy. Halos isang buwan na nang lumipat siya sa paaralang iyon at kahit na hindi niya masyadong pinapansin si Apollo ay hindi ito tumitigil sa pakikipag-usap sa kanya.
Simula nang iligtas siya nito at ang aso ay lalo itong naging determinadong makipag-usap sa kanya. Hindi naman ito masamang tao kaya minsan ay pinagbibigyan ito ni Sabrina at sinasagot ang mga tanong nito. Minsan naman ay tahimik lang ito sa kanyang tabi habang nakaupo sila sa loob ng classroom o kaya'y naglalakad sa loob ng school.
Aaminin niyang sa pagdaan ng araw ay naging mas accommodating siya rito. Kung ang iba niyang kaklase ay nangingiming lapitan siya, si Apollo ay hindi man lang naapektuhan sa kanyang ugaling pinapakita. She was cold and she doesn't smile often, kaya marahil tingin ng iba ay mataray siya at unapproachable. That's somehow true though.
Wala sa loob na napasinghap si Sabrina nang makita ang ulam ni Apollo. Daing na tuyo bagaman may kasama iyong egg omelette at sausages.
"Mas gusto ko ang luto ni Yaya Nelly kaysa sa luto ng cook sa cafeteria," si Apollo na napangisi nang makita ang reaksiyon ni Sabrina. Kapagkuwan ay nagsimula nang sumubo ng pagkain.
"Are you for real?" Sabrina blurted as she watched him eating enthusiastically.
"You're overreacting. 'Di ka pa ba nakakita ng gwapong lalaki na nagbabaon at kumakain ng daing na tuyo?" Apollo said lightly and grinned at her. "Eat your food, baka ma-late tayo sa klase ni Sir Sallas."
"Whatever!" Itinuon ni Sabrina ang buong pansin sa pagkain ngunit hindi talaga siya komportable na may kasama roon kaya hindi siya maayos na nakakain.
"Do you want to see Archie?" Apollo asked her when they were already walking towards their room.
"Archie?" nakakunot noong tanong ni Sabrina. Hindi siya nag-abalang sulyapan ito sa kanyang tabi at nakatutok lang ang mga mata sa daang tinatahak.
"The dog, I named him Archie means truly brave, it fits him. So, do you want to see him?"
"Where is he now?"
"Home. I brought him home after she was treated at the vet clinic."
Sinulyapan ni Sabrina ang binatilyo upang tingnan kung nagsasabi ito ng totoo. "No," sagot niya nang makompirmang seryoso ito. She did not expect that he would take the dog home with him. She thought that he brought the dog to an animal center or just leave him in the street.
BINABASA MO ANG
Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]
General FictionSabrina Clementine Salvador is cold and distant. She had poured her heart once but ended up getting hurt, badly. She caged herself in freezing thick ice to save her from the pain she had once experienced. Apollo Sanford is serious and proud. He had...