PAGKAPASOK ni Sabrina sa loob ng kanyang silid ay binuksan niya ang drawer kung saan nakalagay ang kamerang ibinigay ni Stacy. Binuksan niya iyon at pinanood ang video ng nangyaring laro sa loob ng bahay na pinuntuhan niya noong party. Hanggang sa si Apollo ang tanungin. He chose dare.
"I dare you to make your friend your girlfriend! I'm sure mahihirapan ka, she's frigid, dre." Sabay halakhak kasama ang iba, si Apollo lang ang hindi tumawa.
"Yeah, and take her to bed." Panggagatong naman ng isa pang kasamahan ni Apollo.
"Or make her pregnant." Boses iyon ni Stacy na siyang marahil ang may hawak ng camera. Halatang sarkastiko ito sa sinabi subalit sinang-ayunan naman ng iba.
"Okay!" sagot ni Apollo sa tonong hindi sigurado kung tatawa o maiinis. "I will have her," he said in full of determination.
Naghiyawan naman ang iba sa narinig at doon nagtapos ang clip. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Kung tutuusin ay napakababaw lang na dahilan ng video na napanood niya upang magtapos ang lahat sa kanila ni Apollo. Ang mga ipinakita nito sa kanya, ang paglalaan nito ng oras sa kanya, ang pag-aasikaso. Hindi naman parte ng dare iyon, and she can feel that it was all genuine.
Galit siya kay Apollo hindi dahil sa mga nalaman kung 'di dahil sa isinumbat nito kanina sa kanya. Pinagsisisihan niya ang mga sinabi rito ngunit galit pa rin siya, kay Apollo, sa kanyang sarili.
Inihagis niya ang digital camera sa sahig na nawasak dahil sa kanyang ginawa. Pumasok siya sa loob ng comforter, humiga at niyakap ang isang malaking unan. Bahagya nang humupa ang kanyang luha ngunit hindi pa rin iyon tumitigil.
KINABUKASAN AY nanatili siyang nakahiga at hindi na pumasok sa university. Mabigat ang kanyang pakiramdam at tingin niya'y hindi niya kakayaning tumayo.
Naririnig ni Sabrina ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid at ang mga yabag papasok. "Dinalhan kita ng pagkain, Sabrina. Kumain ka, sigurado akong nagugutom ka dahil hindi ka kumain man lang kagabi." Boses iyon ni Yaya Melly, ang mayordoma sa bahay na iyon. Mabait ang matanda sa kanya at ramdam niyang tuna yang ipinapakita nitong pag-aalala.
Ang alam niya'y dalawang taon din siyang inalagaan ni Yaya Melly noon nang isilang siya ng kanyang ina. Dalawang taon na siya ng maghiwalay ang kanyang mga magulang, sobrang bata pa kaya hindi na niya ito maalala. Nang mamatay ang kanyang ina at tumira sa bahay ni Bernardo ay naalala pa rin siya ng matanda. Ipinagpapasalamat niya ang presensiya ng matanda sa bahay na iyon dahil pakiramdam niya'y may kakampi siya.
Hinawi ni Yaya Melly ang nakatabing na comforter sa katawan ni Sabrina. "'Yan na nga ba sinasabi ko, ikaw na'y nilalagnat dahil hindi ka kumakain ng tama. Hala, umupo ka at kumain para makainom ng gamot."
Tumalima si Sabrina nang tulungan siya nito sa pag-upo at idinandig sa dingding. "Ako na po," she said weakly when Yaya Melly was about to feed her. Kinuha niya rito ang pagkain at sumubo kahit na wala siyang panlasa. Bumaba naman ulit si Yaya Melly upang kumuha ng gamot.
Nang masulyapan ni Sabrina ang cellphone sa may bedside table ay agad niya iyong dinampot. Sa pagkadismaya niya ay wala siyang natanggap na tawag o text man lang galing sa kasintahan. Galit pa rin ba ito?
Siguro kailangan niya itong bigyan ng oras na makapag-isip? Kasi kung babaliktarin ang pagkakataon at siya ang makakita rito na may kahalikang iba ay magagalit din siya. Lalo pa't nalaman nitong fiancée niya si Joshua.
Pagkatapos niyang kumain ay ininom niya ang gamot na ibinigay ni Yaya Melly at muli ring natulog.
Buong araw na nasa loob lang ng silid si Sabrina at nilalagnat. Pinalipas niya ang buong araw sa pagpapahinga at nang magising kinabukasan ng tanghali ay mabuti-buti na ang kanyang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]
General FictionSabrina Clementine Salvador is cold and distant. She had poured her heart once but ended up getting hurt, badly. She caged herself in freezing thick ice to save her from the pain she had once experienced. Apollo Sanford is serious and proud. He had...