CHAPTER 16

1.7K 77 0
                                    

MABILIS NA tumayo si Sabrina nang makita ang taong papalapit sa kanyang direksiyon.

"'Di na ka mukaon, 'Te?"

"Hindi na, Maymay, busog na ako. Puwede bang ikaw na muna ang maglinis dito. Magpapahinga na ako."

"Sakit pa gihapon imong ulo, 'Te?" Tumango si Sabrina bilang tugon sa tanong ni Maymay kung masakit pa rin baa ng kanyang ulo. Kanina, mula nang makita niya si Apollo nang hatiran niya ito ng pagkain ay idinahilan niya ang pagsakit ng kanyang ulo at hindi makakatulong sa kusina. Agad naman siyang pinayagan ni Michelle na lumiban at magpagaling. Hindi siya lumabas ng cottage niya kanina dahil sa pag-iwas kay Apollo. Pagsapit ng gabi ay hindi niya nakayanan ang gutom at nagtungo sa dining hall upang kumain. Hindi naman niya gustong abalahin ang iba upang magpahatid ng pagkain. "Sige, 'Te."

Mabilis na lumakad si Sabrina palabas. Nakasalubong pa niya ni Apollo na siya namang pagpasok sa loob. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito at nagtuloy-tuloy sa mabilis na paglakad.

"You can avoid me all you want but that can't stop me!" Sigaw ni Apollo na nakasunod sa dalaga. Hindi niya pinansin ang mga taong naroon pa sa dalampasigan na napapatingin sa kanya.

Tanging likod lang ni Sabrina ang nakikita ni Apollo ngunit ramdam niya ang inis nito sa kanya. Kahit na alam niyang wala itong balak na kausapin siya ay may kasiyahan pa rin sa kanyang dibdib dahil nakikita niya ito. Abot kamay na niya, hindi kagaya ng nakaraang buwan ay hindi niya ito mahanap at wala siyang kaide-ideya kung nasaang panig ito ng bansa. He just need to be careful not to let her off his sight. Baka malingat lang siya ay umalis na naman ito at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya mahanap. Siguradong ikababaliw niya iyon.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Apollo habang nanatiling nakasunod dito at naglalakad sa buhangin. Sandali niyang inalis ang mga mata kay Sabrina at sinulyapan ang dagat na payapa na sa dilim. May mga nangna-night swimming pa pero kaunti lang. Kaninang maliwanag ay malinaw niyang nakita ang kagandahan ng paligid. Tahimik at mapayapa. Hindi ganoon dagsa ang guests doon, marahil ay dahil malayo sa sentro ng isla at napakaraming mga bukas na beach resort doon.

Nauunawaan niya kung bakit mas pinili ni Sabrina na manatili sa lugar na iyon kaysa bumalik sa dati nitong buhay. Perhaps she really had no intention of going back. Kahit hindi pa ito bumalik sa dati nitong buhay ay wala siyang pakialam. Susundan niya ito kahit saang planeta pa ito magtungo. Ilang taon ang sinayang nila, panahon naman siguro upang maging masaya sila. He hadn't felt satisfied with the life that he had for the past nine years of his life. There's always an empty space inside him, like a part of him was departed from her body and he needed it back to feel complete.

Only she can fill the void inside, he realized that after having her in his arms again. Kailanman ay hindi nawala ang damdamin niya para kay Sabrina. Dapat nga ay noon pa niya ginagawa ito. Subalit pagbalik niya ng bansa noon ay nagbago na ang dating Sabrina na siyang kilala niya. She became cold and distant. Ang pakikipag-usap pa lang dito ay pahirapan na. Having her back was close to being impossible. She hated him.

Napabilis ang paglalakad ni Apollo nang pagbalik niya ng tingin kay Sabrina ay nakita niya itong nakaupo na sa buhangin at nakatingin sa paa.

"Shit!"

Napatakbo na si Apollo nang marinig ang pagmumura nito at pagtatagis ng mga ngipin.

"What happened?" tanong agad ni Apollo nang makalapit. Hindi ito sumagot o nag-angat man lang ng tingin sa kanya. It was very typical of Sabrina to ignore him, if it's not related to work, she won't heed him any attention.

Apollo squatted. Sinubukan niyang hawakan si Sabrina ngunit marahas nitong itinulak ang kanyang kamay. "It's bleeding." Marahil ay hindi nito nakita ang nakausling matulis na bato at napatid doon. Gusto niya itong hawakang muli subalit sinamaan lang siya nito ng tingin at dahan-dahang tumayo.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon