DIRETSO ang tingin habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Hindi pinansin ni Sabrina ang taong umagapay sa kanya sa paglalakad pagkalabas na pagkalabas niya kanina sa opisina ng head ng legal department. Para bang inabangan talaga nito ang kanyang paglabas.
"You do have a name for her already? You like her?" Apollo asked referring to the dog he gave her for Christmas. She did not return the gift he gave her so he assumed that maybe she liked it. He can still remember how Sabrina loved dogs before, and she still loves them now. Hindi naman madaling mawala ang pagmamahal. He knew by experience.
Napangiti si Apollo nang maalala ang araw na ipinagtanggol ng dalaga ang aso mula sa mga nananakit dito.
Hindi sumagot si Sabrina sa tanong na iyon ni Apollo kahit malinaw niyang narinig at naintindihan niya ang ibig nitong ipahiwatig hanggang sa makarating sila sa harapan ng elevator at naghintay roon.
Of course, she gave the dog a name, more like Whiskey gave her a name. After she bonded with Snow for two days during holidays, the dog grew on her. Dalawang araw pa lang silang magkasama pero pakiramdam niya'y hindi niya ito gustong mapawalay sa kanya. Muli ipinaparamdam ni Snow sa kanya ang mga damdaming estranghero na sa kanya ngayon kahit na nakatitig lang siya rito buong araw habang natutulog ito o hinihimas ang malalambot nitong balahibo. Gaya ng kasiyahan at kakontentuhan.
Hindi na niya naisip na ibalik si Snow kay Apollo. Kanina, bago pumasok sa trabaho ay dinala niya ang cage ni Snow sa kanyang kapitbahay upang may tumingin dito at magpakain habang wala siya. Her friendly neighbor took the dog in wholeheartedly and promised to take care of her.
Kamuntikan niyang mairapan ang dalawang empleyadong nasa loob ng elevator nang sumakay sila roon ni Apollo. Napakalapad ng mga ngiti ng mga ito habang nakatingin sa binata. Pakiramdam niya ay gusto si Apollo ng lahat at siya lang ang natatanging tao sa buong mundo na kinamumuhian ito at wala siyang pakialam doon.
"Pupunta ka sa year end party?"
Kagaya kanina ay tila walang narinig si Sabrina sa tanong na iyon ni Apollo. Hindi siya pumupunta sa mga pagtitipon kung hindi naman required. Tuwing magtatapos ang taon ay nagseselebra ang kompanya, productive man o hindi ang taon na iyon. Tradisyon na iyon ng kompanya at wala siyang natatandaan na dumalo siya sa mga nakalipas na taon.
Lihim na nagdiwang si Sabrina nang marinig ang pagbuntung-hininga ni Apollo na marahil ay nadismaya sa kanyang pambabalewala. Siguro naman ay titigilan na siya nito sa lagay na iyon.
Nang tumigil ang elevator sa kanyang palapag ay walang lingong-likod na lumakad siya palabas patungo sa kanyang opisina.
She went inside her office and smirked in triumph after she closed the door.
But Apollo had his way of ruining her day. Around lunch, she received food delivery and a bunch of flowers which she knew was from him. It was his penmanship in the card attached to it.
"Put that in the trash bin and eat that food or give it to whoever who want it," aniya sa sekretarya na akmang lalabas pasunod sa kakalabas lang na delivery man. Sabay turo sa bulaklak at pagkain sa lamesa. Kahit na hindi niya tatangkilikin ang anumang bagay na bigay ni Apollo, bukod kay Snow, ay hindi pa rin niya kayang ipatapon ang pagkain. Alam niyang maraming taong nagugutom sa buong mundo, bahala na ang kanyang sekretarya kung anuman ang gusto nitong gawin do'n.
"Po?" ang nagulat na tanong ni Emma.
"You heard me." Tumayo si Sabrina mula sa kanyang swivel chair at naglakad palabas ng kanyang opisina upang doon kumain sa cafeteria nila.
Nanghinayang si Emma habang nakatingin sa pumpon ng bulaklak. Dinampot niya iyon kasama ang pagkain na galing pa mula sa isang kilalang restaurant. Kapagkuwan ay itinapon ang bulaklak sa pinakamalapit na basurahan gaya ng sinabi ng kanyang boss.
BINABASA MO ANG
Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]
General FictionSabrina Clementine Salvador is cold and distant. She had poured her heart once but ended up getting hurt, badly. She caged herself in freezing thick ice to save her from the pain she had once experienced. Apollo Sanford is serious and proud. He had...