" Haaay... " i sighed.
Katatapos lang namin maglaro. Naghabulan, Nagslide, Nagswing, Nagtaguan, Nakipagtawanan at Nakipagkwentuhan kasama ang mga bata sa playground.
Sa sobrang enjoyment nga namin, halos magpaiwan na ang ibang bata noong malapit nang gumabi.
Nakaupo na kami sa grass at nagpapahinga. Buti na lang kinulit ko si JP kanina na magpalit muna into civilian clothes bago gumala. Yun nga lang, sablay ang white shorts at yellow shirt ko sa date na ito! >3<
Naghagisan kasi kami ng paintballs na ginawa namin kanina. Nakakatuwa na natalo pa kami ng mga bata kaya heto kami ngayon, splattered with paint in matching rainbow colors!
" Anong iniisip mo? " pagbasag niya sa nakakabinging katahimikan.
" Ah, eh... " wala akong maisip na sagot sa tanong nyang iyon. Parang naman kasi ang akward kung sasabihin ko sa kanya ang totoo.
" Naisip ko lang bigla na... Hinating gabi na pala tayo. " pagdadahilan ko. Pero ang totoo, ay iniisip ko ang pwede kong idahilan kay JP.
Muntik na kasing sumabog ang inbox ko ng buksan kong muli ang cellphone ko. Nakakagulat lang na umabot pa sa 50+ unread texts ang nagmula sa kanya. Buti na lang talaga pinatay ko iyon bago kame naglaro ni Caiz at ng mga bata. Kundi, piyadong sandamakmak na tawag na ang naghihintay na mapansin ko kung ndi lang talaga nakapatay.
Tumayo siya sa damuhan at pinagpag ang kanyang damit. Ginaya ko siya at nag unat-unat na din.
" Ihahatid na kita.. " sabi niya sakin ng nakatungo abot-abot ang kanyang kanang kamay na tila parang prinsepeng nagaaya sumayaw.
" Pfffft! Hahahahahaha" tawa ko na lamang ng makita ang itsura niya. Paano ba naman kasi? Pulang-pula na siya! Marahil nahihiya na din ng mapagtanto ang pinag gagawa niya.
Napakamot na lamang ito sa ulo at nauna ng lumakad. Sus! Napakamatampuhin naman! I linked my arms with his na siyang lalong ikinapula nito.
" Wag ka na mahiya prince charming! Wala kasing tugtog kanina kaya hindi ko inabot ang kamay mo. Hindi mo naman yun kasalanan! Kasalanan yun nung tugtog! " Sabi ko habang nakaway-kaway pa sa hangin na kala mo nahahawakan nga ang mga imaginary tugtog.
Napatawa na lang kami sa kabaliwan ko at ginulo niya ang buhok ko na parang asong pina-pat ang ulo.
" What the hell, men! Not the hair! Not the hair! " sigaw ko while acting na parang conyo.
Hinatid na niya ako sa bahay nila JP dahil nga sa pagkwento ko noong nasa playground kame tungkol sa pag-alis nila lola.
Noong una nga naghehesitate pa siya sa di malamang dahilan. But still, dahil no choice siya, hinatid na rin niya ako doon.
Malapit na kami sa gate ng mapansin kong may taong nakahoodie na itim at shorts na grey ang nakasakay sa bike sa tapat nito.
" Shoot! " 0.0
Na alala ko nga palang hindi ko pa narereplayan ang mga texts ni JP kahit isa!
Dahan-dahan kaming huminto sa gilid that caught JP's attention. Bumaba agad siya sa kanyang bike kaya lumingon na agad ako kay Caizer upang magpaalam.
" Ahm ano Caizer.. Salamat sa araw na to ha? Sa susunod na lang u--- "
" Wala nang susunod ulit. " cutting me off tangay-tangay ako palabas ng sasakyan. JP's cold tone made me involuntarily shiver.
Galit talaga siya sakin. I'm doomed! T^T
Malakas niyang binagsak ang pinto pagkatapos. With a nod, nagpaalam na si Caizer sa akin at matipid na ngumiti. I smiled at magw-wave sana kung hindi lang pinigilan ni JP ang aking kamay. With that final act, nagdrive na ulit si Caizer paalis.
Without a word, hinila niya ako sa tapat ng bike niya.
" Sakay. " walang emosyon nitong sabi, pertaining to the other half of the seat he's currently occupying. No choice, galit pa siya.
=3= sumakay na lang ako para di na siya magalit pa lalo.
Dahan-dahan niyang pinaandar ang bike. Pero kahit mabagal ang takbo, malamig pa din ang dampi ng hangin sa aking balat kaya hindi ko napigilang magshiver. Huminto siya saglit at hinubad ang jacket niyang suot. Only to reveal his white sando underneath.
" Suot. " Sabi niya na parang mas tamang sabihin kung utos niya iyon dahil sa tono ng kanyang pananalita.
" P-Pero--- " pagdadahilan ko. Nakasando lang kasi siya, kaya piyadong mas lalamigin siya sa akin. Besides, tanaw ko na ang front door kaya alam kong malapit na kami. Wala lang tong konting tiis sa lamig.
" Walang pero-pero. Sumunod ka na lang. " pagmamatigas nito. At dahil makulit siya, sinuot ko na nga lang ang jacket. Pasimple ko itong inamoy at napangiti.
Ang bango! Ang bango nung jacket! Eh siya kaya?
Sumiple akong amuyin ang likod niya.
Mmmm~ amoy bagong ligo.
Nagulat ako sa mahina niyang pagtawa.
Napakunot ako ng noo ng mapansing nakaplaster na sa mukha niya ang nakakalokong ngiti.
Jeez men! He's creeping me out!
Kanina lang nakasalubog ang mga kilay niyang parang tinahi upang mapagtagpi noong makita niya kami ni Caizer , then this?
" Bakit ka natawa? " kunot-noo kong tanong rito.
" Mabango ba? " tanong nito sa akin.
Huh? Ang alin? Ang bahay? 0.o
" Ahm.. 0o? Bakit, nagluto ka ba ng dinner? " tanong ko rin sa kanya. Pero ang totoo, wala naman talaga akong na aamoy eh. Gusto ko lang talaga malaman kung may pagkain.
>:D
" Hindi .. " iiling-iling niyang sabi bago lumapit sa akin. So close na konting konti na lang mahahalikan na niya ako.
" Ang sabi ko... Kung mabango... Ako "
Napatulala na lamang ako sa tanong niya. Kasi naman eh! Alam pala niyang inamoy ko siya kanina!
I blushed then looked anywhere but him. Nakakahiya! Argh!
" H-Hindi ah! Euw! Ang baho mo kaya! " sabi ko na lamang bago tumaas at pumasok sa kwarto ko. Even with the door closed, rinig na rinig ko ang pagtawa niya.
God! That was so embarassing! >////<