" H-hoy! Akin na yan! " nag aalangan kong sabi sa kanya habang pilit kong inaabot ang mangkok ng ice cream.
Isang subo na lang niya at mauubos na ung laman. T^T
Nakatingin ako ng nakanganga sa kutsarang malapit na kuhanin ang kahuli-hulihang subo nito at wala sa wisyong napadasal.
Oh juice ko po Lord! Magpapakabait na po talaga ako! Hindi ko na po ima-max limit ang usage ng creadit card ko kapag nag sho-shopping! Hindi ko na din po tatawaging ipis ang gunggong na ito dahil alam ko naman pong mas may itsura pa po ang ipis kaysa sa panget na ito! Oh Lord! Kuhanin niyo na po siya! Parang awa niyo na po sa mundong ito! Kuhanin niyo na po--
Napatigil ako sa pag dadasal ng bigla niyang isubo sa akin ang kutsara.
Dahan dahan ko itong nginuya na wari'y ine enjoy ang kasarapan ng aking inaasam.
Naririnig ko na ang choir sa simbahan na kumakanta ng alleluja.
Nasisilayan ko na ang pag ilaw ng isang sulok ng silid na tila parang ako'y sinusundo na!
Oh my God! This is it! This is really is --
" Dahil binigay ko sayo ang huling subo, Quits na tayo. " sabi ni JP bago tumayo sa kinauupuan.
What?!
" A-aba't! " hindi makapaniwala kong bulalas. Nawiwindang talaga ako sa pagkabipolar ng ipis-- este unggoy na ito!
Walang lingon-lingon ay nagpatuloy lamang siya sa paglabas ng shop. Agad-agad kong iniligpit ang aking mga gamit at kumaripas ng takbo palabas para sundan siya.
Takteng buhay naman oh! Pahabol pa si unggoy!
Nahagip ng aking mata ang itim nitong buhok na palapit sa kanyang itim na sasakyan sa di kalayuan. Kailangan ko lang tumawid ng highway.
Agad akong tumakbo upang makahabol sa kanya. Narinig ko na ang tunog ng pagbukas ng kanyang sasakyan.
* beeeep! Beeeep! Beep beeeep! *
tunog ng mga busina sa aking pagdaan.
Nakalimutan ko nga palang tumingin sa aking kaliwa't kanan kamamadali!
" aaaaaaaaahhhh! " hiyaw ko na lamang ng mabilisan akong tumakbo papalapit sa kotse ni JP upang hindi masagasaan ng malalaking truck ng bigas.
Sa sobrang kaba ko, hindi ko na napansing dire-diretso ako sa pagbukas ng pinto at pagupo sa passenger's seat ng hindi manlang namamalayan ang presensya ni JP.
Masyado atang napabilis ang takbo ko!
Hinanap siya ng aking mga mata at natagpuang nakanganga ito sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay bago ipagkrus ang aking mga braso sa aking dibdib.
Napailing ito habang itinitikom ang bibig. Sumulyap ito sa highway saglit papunta sa akin bago naglakad papunta sa sasakyan. Nakangisi niyang binuksan ang engine bago paandarin ang kotse.
oooooooooooooooooooooo
VOTE
COMMENT($)
FOLLOW
SHARE
Befriend moí ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/23776643-288-k375302.jpg)