The Zone

13 1 0
                                        

With him also gone, i don't know what to do. Ang dami masyadong nangyari hindi pa ko nakakarecover sa shock.

This has been the longest day i ever had. All i ever wanted was to chill my head at least. :(

As i was thinking of places to go, my feet brought me to the one and only place i could think of left.

The Zone

" Hi kuya .. " i greeted to the man behind the counter.

" Hello mam! Poging Christian at your service! " he greeted back with a smile.

-----------------------------------------

" Love problems? " he playfully asked habang nilalapag ang choco chip mint ice cream ko sa lamesa.

I looked at him and smiled. Ever since talaga i graduated from highschool lage na niya ako kinukulit tungkol don. :3 kesyo hindi daw bagay sa mga magaganda maging single.

I met Kuya Christian way back from 4th year. May times kasing dito ako uumuwi first bago sa bahay. Dakilang tambay talaga ako dito. :) One week pa lang sila open noon when i came here. Pero sikat na ito noon. Fresh grad siya from LPU pero sumabak agad sa business world. Now, he has his own car, own mala-mansyong house, and a shop to die for called "The Zone". He's in his early 20's, Gwapo siya kaya madalas mga babae ang tumatambay dito sa shop niya para lang masilayan siya.

" Kuya christian talaga! " napailing ako.

" Eh bakit ba kasi ganyan mukha mo? Kay lungkot lungkot. Tsk. Mahawa mo pa mga costumer ko sa nakakahawa mong kalungkutan! " pagbibiro niya.

" Ang sama mo. :( Namomroblema na nga ako, hindi mo pa ako madamayan. Tch. "

" Eh ano ba kasi problema mo? " tanong niya sakin .

" Madami kuya .. Kung alam mo lang .. " mahina kong sambit bago sumubo ulit ng ice cream. Favorite ko ito, kaso mapapasobra ata ako ng kain. Si kuya kasi e, medium lang inorder ko, ginawa pang large. :3

" Eh di ikwento mo na, madami naman akong-- "

" Sir Enrico, may tawag po kayo " the crew told him abot abot ang wireless telephone.

" Hello, this is Christian Enrico speaking. " sabi niya sa caller. Ilang minuto din silang magkausap nung nasa tawag kaya inatupag ko nalang ang ice cream ko.

As he ended the call, lumingon siya sa akin.

" I need to go, i'm sorry. But that is on the house " turo-turong utos ni kuya christian sa crew doon sa ice cream ko.

Tumango ang crew at umalis dala dala ang telephone na dala.

" Salamaaat~ damang dama ko na ang pagdamay mo kuya! " bati ko dito at kumaway dahil pa alis na siya ng upuan sa tapat ko.

"No worries. Pambawi ko yan kasi mami-miss ko yata ang first session natin tungkol sa love problems mo. "

Sabi niya finger quoting ' love problems' bago umalis. Tsk, love problems my ass. :p

Minutes came by at malapit ko na din maubos yung ice cream ko.

Ng may narinig kaming nagwawala sa counter.

" Ano?! Ubos na agad?! Pero pinag intay niyo ako ng dalwang linggo para makaorder ulit! " sigaw pa nito.

" S-sorry p-po sir.. Naserve na po ng may ari yung last i-ice cream doon sa c-costumer na nasa l-likod. " pag papaliwanag nito while stuttering. Gosh! E kung ganyan nga naman ang costumer ko e matatakot din ako. Kawawa naman yung crew.

Napatingin ako sa paligid ko. Ako lang pala ang nandito sa back corner. Ako yata tinutukoy nung crew!

I heard heavy stomping na paparating dito kaya i immediately pulled out my ipad at kinalikot ito.

Oh my God! Malapit na siya!

My insides were panicking ng tumigil ito sa harap kong upuan at walang pakundangang umupo.

I can't look at him in fear of being in trouble pero napilitan ako ng basta na lang niya kuhanin ang ice cream ko at kainin ito using my spoon!

Napasinghap ako sa gulat ng makitang halos ubusin na niya ang ice cream ko!

What's worst is yung hinayupak na lalake pa ang umuubos nito!

oooooooooooooooooooooo

VOTE

COMMENT($)

FOLLOW

SHARE

Befriend moí ;)

The Bittersweet FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon