Tulala akong nakalabas ng University. Nagpadala na lamang ako sa aking mga paa at nakitang sa malapit na park ako dinala ng mga ito.
Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. I never saw him cry until now. I don't know if it's real or not. But from what i saw in his eyes as he said those words ..
" Kasi sa harap nating lahat, binasted ako ng babaeng minahal ko mula bata pa lang ng hindi manlang binibigyan ng pagkakataon .. Ito .. " sabay turo sa kanyang puso " na lumigaya kahit saglit lang. "
I sure as hell cannot be mistaken, when I tell you i saw pain in his eyes..
" S-sorry po. Hindi po ako nakatingin. Sorry po talaga.. " sabi ko ng mabunggo ko ang mga papel na hawak nang isang matandang nurse na nakasalubong ko.
Pinulot ko itong lahat at inayos. Tumayo ako at iniabot sa kanya ang mga iyon.
" Ikaw nga! Ikaw nga iyan Ami! Hindi lamang kita namukhaan dahil sa iyong pananamit, " bago pasadahan ng tingin ang aking suot " pero Ami! Kay ganda mo na lalo. Dalagang-dalaga ka na! Ako ito si Nurse Rita! Hindi mo ba ako namumukhaan? " sunod-sunod nitong sabi.
Ami?
" Ah .. Eh .. Pasensya na po. Nagkakamali po kayo Miss. " sabi ko tska siya binigyan ng matamis na ngiti. " Ang pangalan ku po ay Akiko, hindi po Ami. "
Naguguluhan itong tumingin sa akin at tska nagitla na parang may na alala.
" Ay sus ginoo! Oo nga pala at ika'y nagkasakit! " aniya bago suklayin ng kanyang kamay ang buhok kong naka lugay. " Ami noon ang iyong palayaw na ginagamit mo Akiko. Pero di bale, kung iyon lamang ang iyong na aalala ay okay lamang sa akin. Basta ika'y mag ingat palage iha. " sabi nito paalis..
Ngunit hindi nakaligtas sa aking pandinig ang huli niyang sinabi.
"Nawa'y bumalik na ang iyong ala-ala..."
Bumalik ang aking mga ala-ala? Bakit, nawala ba ito? At anong sakit?
Naguguluhan ako sa kanyang mga sinabi kaya naman minarapat ko itong harapin upang makapagtanong.
" Nurse! Nurse Rita! " pagtawag ko rito. Ngunit hindi ko na siya nahabol pa ng may biglang nagsilabasan na kumpol ng mga estudyante mula sa eskwelahan. Lalo pa't may humarang sa akin na magtitinda ng cotton candy.
Bawat paglingon ko ay siyang pag lingon din ng Manong, ngunit dahil may hinahanap ako, ay di ko iyon pinag tuunan ng pansin.
Kelangan ko siyang makita. Kelangan kong masagot ang mga tanong na ngayo'y gumugulo sa aking isipan.
" Miss! Miss, gusto mo ba ng cotton candy? " tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. At sa pagtingin ko, ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kabuuang kagwapuhan niya. Mukhang medyo bata pa ito pero mas matanda naman kung titingan kung ikukumpara naman sa akin.
Kung tutuusin, mas mukha pa itong modelo kesa sa magtitinda sa kinis at puti ng kanyang balat. Maganda ang lago ng buhok niya na pwedeng ibida sa shampoo commercial. Pati na rin ang kangyang mapupulang labi na--
" Miss, cotton candy ang inaalok ko, hindi ang aking mukha. " pagputol niya sa aking pag mumuni muni.
Hindi ko tuloy naiwasang hindi mapataas ng kilay upang itago ang aking kahihiyan. Napatagal na pala ako sa aking pagtitig ng kanyang mukha.
" Hindi mo ba ako namumukhaan? " tanong niya sa akin.
Mula sa pagkataas ng aking kilay ay umarko ito upang kumunot ang aking noo.
Ano naman bang pinagsasabi ng baliw na ito?
"A--" naputol ang aking sasabihin ng ilagay niya sa aking kamay ang cotton candy in a stick na kanyang tinda.
"Libre na yan Miss, ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Ma aalala mo rin naman ako eh. Hindi pa lamang ito ang tamang panahon. " sabi nito ng nakangiti bago ako layasan sa aking kinatatayuan.
Gulong-gulo na nga ang utak ko, dinagdagan niya pa! Argh!
Naisipan kong habulin siya ng may humigit sa aking braso ng malakas.
" Grabe Caizer ha. Hindi masakit ang paghila mo. -_- " reklamo ko habang hinihimas ang masakit na braso.
Nakatingin lang ito sa dinaanan nung manong na magtitinda bago sumulyap sa akin.
"Anong sabi niya sayo? " malamig niyang tanong sa akin.
Nino? Nung magtitinda kanina?
" Uhh... Kung bibili daw ako? " patanong kong sabi.
" Tsk. Tara, " aya ni sa akin. Bago niya tapikin ang noo kong walang kamuang muang.
" Saan naman? "
" Kakain ng lunch. Malamang, " masungit nitong sabi.
Napataas ako ng kilay sa kanyang sinabi. 0.o
Aba't nagsusungit!
Hindi na niya ako hinintay na pumayag at dirediretso na akong hinila para makapunta sa mall.
oooooooooooooooooooooo
VOTE
COMMENT($)
FOLLOW
SHARE
Befriend moí ;)
