Mmmmm....
Ang bango naman...
Mmmmm....
Ang sarap naman yakapin nitong unan ko...
Ang bango ng bago naming detergent a...
" Mmmm... " sabay yakap ko pa ng mas mahigpit sa unan ko
* click! *
teka, tunog 'yun ng camera ah?
I slowly opened my left eye to see kung saan nanggaling yung tunog.
" Buti naman gising ka na, akala ko madudurog mo na ako sa higpit ng yakap mo e "
At first i was confused. Then it hit me.
Nakayakap ako kay JP.
Nakahiga kame sa kama.
At nasa kwarto niya kami.
" Aaaaaaaaaah! " tili ko pagkatayo saka takip takip ang aking katawan.
" Makatili ka naman. Bakit ka bumangon? Sawa ka na agad sa yakap ko? " at ngumuso pa ito.
Leche ka.
Wag ka ngang magpakyut. (-_-")
" A-anong ginawa mo s-saken?! At bakit ako nasa k-kwarto mo! Manyak!"
" Ahhhh ... Actually, i had a great time last night... Ang sarap nga eh .. And you were asking for more " sabi nito sabay haplos ng kanyang mga labi na parang ina-alala pa talaga ang mga nangyari.
Ano teh? Reminisce ba kamo?
Binato ko siya ng sapatos niyang naka kalat. Nakaka inis siya. Alam mo kung bakit? Kasi imbis na mainis ako, bakit parang na akit pa ata?
Euw. Euw. Euw. Hindi ako papatol sa mga katulad niyang arrogant playboy noh!
" Hayop ka! Binaboy mo ako! " at pinag babato ng mga gamit
" A-aray! T-teka nga! " saktong hagis ko sa ulo niya ng tabo.
Teka, paano nagkaroon nun dito?
" Hold still. " utos niya ng makorner ako at hawak hawak ang aking mga kamay.
Oh em gee! 'wag mo sabihing mauulit ang kagabi?
Unti-unti na niyang nilapit ang kanyang mukha.
Oh my! This is it Pancit! Sige na nga, no choice na eh, wala nang urungan. Pumikit na lamang ako.
* smack *
psh. Ambilis naman T.T
" oh ba't ganyan mukha mo? " rinig ko nalang na sabi niya kaya napamulat na ulit ako.
Takte. Nasa pinto na agad siya? Napatingin tuloy ako sa itsura ko.
Shit. Nakakahiya. 0///0
Nagmukha tuloy akong willing victim!
" And by the way, walang nangyari. Huwag kang assuming. As you can see, may damit ka pa. Don't worry dahil hindi kita type. Kasi ayoko sa mga .
.." pagbibitin nito. "...
pader. " he said ng tinapunan niya muna ng tingin ang aking hinaharap bago umalis.
