Not Just Asthma

60 0 0
                                        

I woke up with a smile at 6:35 am. :) Though pinagalitan ako ni lola last night for my "absurd" behavior, i still felt good.

Paano ba naman kasi? Nakaganti din ako sa kanya at last. :") Haha. Buti 'yon nang matuto siya, he doesn't know who he's messing with. ;)

I stood up to stretch and prepare for my morning rituals. Sayang nga lang e, lately kasi lagi akong late nagigising. Kundi sana ako late katulad ngaun, i'd be probably playing Xbox right now. :3

I was done by 7:10, good thing talaga mabilis ako kumilos.

Nang palabas na ako ng mansion to go to school, hinabol ako ni Tay Eddy.

Matagal na namin siyang driver, almost 20 years ata. I dunno, got lost track e.

" Tay Ed, Bakit po? " tanong ko rito. He's in his early 60's. Walang anak, Walang asawa. Sad noh? Kaya naman parang tatay na rin ang tinuring ko dito.

" Eh iha, bilin ni Senyora, huwag daw ipagamit ang kotse sa iyo mula ngayon hanggang biyernes. Grounded ka daw e "

I turn around para hindi niya makita ung expression ko. Nakita mo na ba si Medusa pag nagalit? Oo. Ganun nga, minus the hair and sounds nga lang. First time kasi niyang ginawa sa akin to!

What's the use of giving me a car kung hindi niya din ipapagamit?!?

I need to talk to her later. Later na lang para hindi muna masira ang araw ko. I was about to walk away ng magsalita ulit siya

" Pero senyorita ! May magsusundo daw sa iyo, para na rin daw sana makapag usap na rin daw kayo. Balita ko nag away daw kayo? Naku! Kay gwapo namang bata. Nobyo mo ba iha? Ayun siya oh " sabay turo sa black racercar na parating.

Napasimangut ako. Wow. Ang ganda na ng gising ko eh!

Salamat lola ha? Parang may galit ka sakin e.

I bid goodbye to Tay Ed then went to the driver's window ni asungot and knocked.

Binaba niya ang window at tinapunan ako ng tingin. Head to toe drama ang peg niya ngayon.

" Alam kong maganda ako, so stop staring " sabi ko dito bago pumunta sa passenger's seat.

I had hoped na sana hindi talaga siya, pero binigo ako ni tadhana.

Pagkasara ko ng pinto, pinaharurut niya agad ang takbo. Na siyang dahilan para mapakapit ako sa braso nito.

" Fuck! Are you trying to kill me?! Slow down! " sigaw ko. Pero lalo niya lang binilisan ang takbo ng kotse hanggang sa makarating na kami.

My knees were wobbling pagkababa ko ng kotse.

Oh my God. Naiwan ata ang mga buto ko sa kalsada.

Buti nalang no traffic. Kundi baka nasa ospital na kami ngayon.

Ayoko na! Hinding hindi na talaga ako sasakay sa kotseng yan kahit kailan!

I heard him laughing at me nung kumapit ako sa isang poste to compose myself. At talagang tawa pa siya ng tawa ha? It was the worst ride kaya! And he was the worst driver too!

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Damn.

Parang inaatake pa ata ako ng hika. I was feeling dizzy na at muntik na matumba ng may sumalo sa akin.

" Bakit 'di mo sinabing may hika ka?! " pagalit nitong tanong sa akin habang buhat buhat ako ng bridal style.

Teka, 'bat ba siya nagagalit?

Hindi na ako nakasagot kasi nanghihina na talaga ako. He kept running papuntang clinic. And just when we're about to reach the door.

Everything went black.

---------------------------------------------------------

Na alimpungatan na lamang ako sa naririnig kong taasan ng boses sa labas. It think it was the nurse and another student. Wait. I recognize his voice, saan ko nga ulit narinig yung boses niya?

" Kailangan ko siyang bantayan Nurse Rita! Hindi ako pwede umalis sa tabi niya! " sabi nung lalake.

" She's safe here Mr.Smith, you have nothing to worry about. You just need to proceed to your class. Malilintikan kasi talaga ako kapag andito ka! " tumataas na ang boses nito. Maybe nakukulitan na talaga.

After a few more arguements, napalabas na rin siya. Grabe yung mukhang ipis na yun. Di manlang nahiya sa pinag gagawa niya. Nakakaabala kaya siya ng mga natutulog.

" Tsk. Mga kabataan nga naman. Masyado nang baliw sa pag ibig " bulong nito na parang kinakausap ang sarili.

Yung totoo?

Bulong ba talaga yun?

Rinig na rinig ko kasi (-.-)

I heard her footsteps na palapit sa akin kaya nagtulog-tulugan ako. I felt her sit beside me at hinawi ang ibang hibla ng aking buhok upang iipit sa aking kanang tenga.Bumuntong hininga ito pagkatapos.

Ano yan? Natitibo? Makatitig ha! Haba talaga ng hair ko. Haha.

Akala ko'y aalis na agad siya, ngunit may pahuling salita pa pala

" Kung alam mo lang ang tunay mong sakit iha, kung alam mo lang.. "

The Bittersweet FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon