**CHAPTER TWENTY-SEVEN I**
"Hey May, ano pala plano niyo ni Mark?" tanong sa'kin ni Cristy habang pumipila kami sa canteen.
"H-Ha? Anong plano?" Nagmamaang-maangan kong tanong sa kanya.
"Sus, e di sa anniversary niyo. Don't tell me nakalimutan mo ang tungkol dun? Hala ka!"
Pero syempre, alam ko naman yun no!
Di ko yun makakalimutan. Pero ayoko lang na binabanggit to sa'kin ng ibang tao.
Naiistress kasi ako kung ano ang gagawin kong surprise for him. Kung reregaluhan ko ba siya o ano.
Hay nako! Ang hirap pala pag-isipan ang mga ganitong bagay no? First time ko kasi magka-boyfriend nang ganito katagal.
At isa pa, hindi lang basta't basta monthsary 'to, anniversary kaya 'to! At first anniversary pa namin!
Two days na lang. As in dalawang araw na lang at anniversary na namin ng mahal kong mokong.
Ambilis lang ng panahon, parang kelan lang kami nagkakilala tapos dalawang araw na lang, mag-1one year na kami.
Akalain mo ba namang tatagal kami ng ganito?
Di naman sa ayaw ko, syempre gusto ko no! Ang saya-saya ko nga eh. Pero honestly, di ko naman talaga inexpect na seseryosohin namin tong relasyon namin nung simula pa lang eh.
Tsaka ang babata pa namin para sa mga ganitong bagay, pero infairness di ba? Umabot na kami ng one year, actually hindi pa.... pero malapit na!
Two days na lang! HUUUUWAAAAAA!
"Alam ko 'yun no! Ano ka ba! Pero di ko alam eh, wala akong maisip." sagot ko sa tanong ni Cristy habang pinapatong ang tray ng pagkain na inorder ko.
Oo, ganon katagal bago ko sagutin ang tanong ni Cristy kasi nga nalilito pa ako sa magiging plano ko for the next two days! *_*
"Um, choy! Nung pinag-uuchapan niyo?" tanong naman ni Via habang nginunguya-nguya niya pa ang french fries sa kanyang bibig.
"Eww Vi, ano ba! Lamunin mo nga muna 'yang french fries sa bibig mo bago ka magsalita. Umuulan na tuloy dito ng laway at pieces of food!" reklamo naman ni Cristy.
"Tch, ang a-arche mo naman! Nagchachanong lang eh!" sabi ni Via habang may mga french fries pa rin sa bibig niya.
"O, eh ano ba kasing pinag-uusapan niyo kanina?" biglang tanong ni Angie sa'min.
"E kasi po, the day after tomorrow is Mark and May's special day. Itong si May kasi, clueless pa hanggang ngayon kung ano ang gagawin niya for Mark sa kanilang anniversary."
Hinayaan ko na lang na si Cristy na lang ang sumagot ng tanong ni Angie.
"Asus, yun lang ba? Akala ko pa naman kung ano na eh, simple lang ang sagot diyan." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Chin.
Ibig sabihin may maganda siyang suggestion! Wow, sige sige, baka makatulong 'yan.
"Talaga?! Ano naman yun?" excited kong tanong sa kanya.
"Hmm, ano, simple lang. E di magbatian kayo."
PAAAAAAK!!!^&!$@*!%@!
"Aray naman! Ang sakit nun ah!"
Binatukan ko si Chin, e kasi naman nagawa niya pang mamilosopo sa mga ganitong sitwasyon. Tss.
"Hay naku Chin, nagpapatawa ka ba? Sige nga, kilitiin mo na ako. Dali, kilitiin mo na ako sa tagiliran ko para matawa na ako."
-____- Isa pa tong si Cristy.
"Tama na nga 'yan! Kitang naguguluhan na ako dito, nagbibiruan pa kayo diyan." sabi ko sa kanila.
"Bakit kasi ikaw 'yung nagpaplano para sa anniv niyo? Si Mark kaya ang lalaki, dapat siya yung magplano! Sus."
"Alam mo kasi Chin, mas maganda pa rin kung may surprise din ako para sa kanya."
"Oo nga. Tsaka si Mark lang ba ang nasa relasyon nila? Duh! Kaya nga magkasintahan sila kasi nasa iisa silang relationship, di ba? Kaya dapat dalawa sila ang mag-effort at maghanda para sa anniversary nila." wika naman ni Via.
"Oh? Ba't parang galit kayo sa'kin? Nagvo-voice out lang naman ako dito ng opinion ko. Tsaka based on practicality ang mga sinasabi ko."
"Hay naku Chin, mag-abogada ka na lang kaya? Masyado kang defensive eh." pang-aasar naman ni Cristy kay Chin.
Inirapan lang ni Chin si Cristy.
Ano ba ang mga 'to? Parang di na ata nakakatulong ang mga 'to sa problema ko ah.
"Sabing tama na eh. Hindi na kayo nakakatulong, promise!" bigla naman silang tumahimik nung sinabi ko 'yun. "Girls, tulungan niyo naman ako. Tsaka please, mamaya na 'yang asaran. Tama ang sinabi kanina ni Via, di ko dapat hayaang si Mark lang yung umeffort para sa anniversary namin. Dapat may gawin din ako." pagpapatuloy ko.
"Hmm, e paano kung wala rin namang sorpresa ang ugok na 'yun sa anniversary ninyo?" tanong sa'kin ni Chin.
"Ayan ka na naman Chin eh, napaka-nega mo talaga. Siguradong meron 'yung inihandang sorpresa para sa kaibigan natin. First girlfriend niya kaya si May, kaya imposibleng wala siyang gagawing special sa araw na 'yun, di ba?" pag-depensa naman ni Angie sa sinabi ni Chin.
"I was just saying. E paano kung wala?"
"Hindi na 'yun mahalaga kung may surprise man siya sa akin o wala. Yung mahalaga lang sa'kin ay mapasaya ko siya sa araw na yun." sagot ko sa tanong ni Chin.
Totoo naman 'yun, di ba? Hindi ako nag-eexpect nang kahit ano from him. Ni hindi ko nga iniisip na reregaluhan niya ako o may gagawin siyang special sa araw na 'yun.
For a year na naging kami, I've known him.
Yes, he's very sweet, but not that kind of person na sobrang romantic. With his simple gestures, kinikilig na ako. And he always has his simple ways to make me feel special.
Kaya no need for him to give me gifts and surprises.
Kontento na ako kung anuman ang maibigay niya sa'kin.
It's me whom I'm worried about.
I am not a very expressive type of person. Minsan nga he doubts my feelings for him kasi daw wala man lang daw akong sweet bones sa katawan ko.
But ganito talaga ako. Tinatry ko namang magpaka-sweet and caring sa kanya, but sadyang inborn suplada at expressionless ako. Although ganun ako, I love him so much.
Nabulabog na lang ang pag-iisip ko nang magsalita si Cristy.
"Hay susme! Napaka-martyr talaga ng kaibigan natin! Baka mamaya maging isa ka na sa GOMBURZA niya'n ha?" ani Cristy Baliw talaga.
(GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora - the three martyred priests.)
"Martyr ka diyan! Di pagpapaka-martyr ang di pag-expect ng sobra sa boyfriend mo no. Pagmamahal ang tawag dun." pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"Hayaan na natin si May, girls. Tutal, siya lang naman ang expert sa mga ganitong bagay."
"Via's right. Mabuhay ang mga single!" dagdag pa ni Chin na ikinatawa naman nila.
Habang nagkakatuwaan sila, ako naman 'tong naiinis. E kasi imbis na tulungan nila ako, sila pa 'tong nang-aasar.
"Girls! Ano ba? Pwede bang i-set aside niyo muna 'yang kalokohan niyo? Pwede bang maging seryoso muna kayo for just a sec?" I said.
"Oh sure..." sabi ni Angie, pero ilang sandali kang, "Ayan, one second has passed. Mag-ingay na ulit tayo!" sabi naman ni Cristy.
Di ko na natiis ang kapilyuhan nila kaya isa-isa ko silang binatukan.
PAAAK!!^*#
BOGSH!()!#&!!$!&(
POOOOOK!!@&#)!@$&*_
BAGAAAANG!!@(*
Tumahimik naman sila at hawak-hawak ang mga ulo nilang binatukan ko. Hay buti nga, kanina pa mga iyan eh.
"Para saan naman ang pambabatok mo sa'min ha?!" napipikong tanong ni Chin.
"O ano na? Tutulungan niyo ba ako o hindi?!"
"Syempre tutulungan! Basta 'wag mo na kaming batukan ha?!" sabi ni Angie.
"May naisip na ba kayo? Kasi ako, wala pa eh." sabi ko sa kanila.
Tumahimik sila ng ilang sandali. Para naman akong matatawa sa mga expression nila.
Akalain mo ba namang nag-iisip din pala ang mga to?
Hehehe! Panay ang pagmo-mock ko sa kanila, e ako naman 'tong hindi nag-iisip. Enebenemenyen. =__=
"Ugh! Wala talaga akong maisip eh! Ang hirap naman kasi pag-isipan ang mga bagay na ganyan. NBSB kaya ako! (No boyfriend since birth) Ano naman ang alam ko tungkol diyan?" reklamo ni Chin.
"Tama si Chin. Nakakapagod mag-isip. May, regaluhan mo na lang kaya si Mark?"
"Ha? E ano naman ang ireregalo ko sa kanya, Vi?"
"Aba, malay ko sa'yo. Ikaw lang 'tong nakakakilala ng husto kay Mark di ba? Kaya for sure, ikaw lang ang may ideya kung ano ang dapat mong iregalo sa kanya."
Ano bang alam ko tungkol sa mokong yun? Wala namang hilig ang isang iyon except sa matulog at mag-computer eh.
Regaluhan ko kaya siya ng unan?
Pero di eh, parang napaka-common ata yun.
E kung brand new computer na lang kaya? Tama! Computer na lang!
Pero sa 100th anniversary ko na lang namin ireregalo iyon sa kanya. Hindi pa kaya ng budget ko sa ngayon eh.
Argh! Mas mahirap pa pala to sa inaakala ko. Naku. T.T
"May naisip ka na ba?" pang-didistract ni Angie sa thoughts ko.
"Wala eh! Di ko talaga alam. HUWAAAA! Paano na to?!"
Napapraning na ako dito. Wala man lang akong maisip na pwedeng iregalo kay Mark.
"Alam mo May, siguradong mahihirapan kang mag-isip ng ireregalo kay Mark dahil wala ka naman ngayon sa mall eh."
"Ha? Anong ibig mong sabihin, Cris?"
"I mean, try mo kayang gumala sa mall before ng anniversary niyo para mas madami kang mapipiliang regalo na ibibigay sa kanya."
May point nga naman si Cristy. Ba't di ko 'yun naisip nung simula pa lang? Tss.
At dahil nga sa ideya ni Cristy, we all agreed to follow her suggestion.
Napag-isipan nilang samahan ako bukas sa mall para mamili ng gift for Mark.
Buti na lang at half day lang pasok namin bukas, may meeting daw ang buong faculty ng Grandville High.
--------------------
Kinabukasan naman, after ng last subject namin before lunch, aalis na sana ako ng classroom papunta ng Kasachi para sumabay sa mga kaibigan ko. Dun kasi sa tambayan ang meeting place namin before kami pumunta ng mall.
Kaya lang....
"Bheib! Uuwi ka na agad? 'Wag muna. Samahan mo muna ako sa Kasachi. Tambay tayo dun."
Paano ko ba malulusutan tong si Mark?
I'm sure, kanina pa ako hinihintay nina Via sa Kasachi. Nauna lang sila dun kasi may pinahatid lang sa'king folders yung English teacher namin sa faculty room.
Paano na to?
Gusto akong makasama ni Mark sa tambayan hanggang mamaya ng hapon, pero paano naman yung usapan namin ng mga kaibigan ko? I have to buy the gift this afternoon kasi bukas, anniversary na namin ni Mark!
Pero ayoko namang i-reject ang offer ni Mark. Minsan na nga lang kami makakapag-bonding outside ng school, hihindian ko pa?
At paano naman yung gift ko para sa kanya? Mas lalong ayoko naman sabihin ang plano ko sa kanya. E di hindi na surprise ang tawag dun, di ba?
"Uy, May! Nakikinig ka ba?" pambubulabog ni Mark sa pag-iisip ko.
"H-Ha?" nauutal kong sabi sa kanya. Nag-iisip pa kasi ako ng magandang palusot. HUUU Tulong!
"Sabi ko, tambay muna tayo dun sa Kasachi."
"Ngayon na?"
"Oo, alangan namang bukas di ba? Ngayon lang half day eh, tsaka sayang ang oras."
"Ha? E kasi ano eh..."
"May problema ba? Ayaw mo ba akong makasama?"
Naramdaman ko namang bigla na lang lumamig ang boses niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? He he he! Syempre, gusto kitang makasama." I just managed a fake laugh para di niya mapansing may tinatago ako.
"Yun naman pala eh, tara! Baka maubusan pa tayo dun ng upuan."
Di na ako naka-hindi sa kanya kasi bigla niya na lang akong hinila palabas ng classroom papuntang Kasachi.
Sumama na lang ako sa kanya, wala rin naman akong magagawa.
Tsaka nandun naman sina Via, hihingan ko na lang sila ng tulong para makawala kay Mark ngayon.
Huhu, sorry Mark ha? Gustuhin ko mang makasama ka ngayon, pero di pwede eh. T___T
"Ahh, eh t-teka lang bheib. Kakausapin ko lang sina Via sa labas." sabi ko sa kanya once nakahanap na siya ng vacant na seats sa loob ng Kasachi.
"Sige, bilisan mo ha. Gutom na ako eh."
Tumango na lang ako sa kanya tsaka lumabas ng tambayan.
"Girls, paano na 'to? Paano ko siya matatakasan?" nalilito kong tanong sa apat.
"Bruha! Sinomay sabing tatakasan mo siya, wala ka man lang manners." wika naman ni Via.
"E ano naman gagawin ko? Alangang sabihin ko sa kanya na, 'uy bheib! Di muna kita masasamahan kasi pupunta pa ako ng mall para bumuli ng anniversary gift ko para sa'yo.'" - napabuntong hininga ako tsaka ko tinapos ang sinasabi ko. "Alangan namang bukuhin ko yung sarili ko no!"
"Kumalma ka nga muna, May! Mag-isip na lang tayo ng magandang alibi para makaalis ka kasama namin." sabi naman ni Angie.
Nagkaroon ng silence between us.
Nag-iisip kaming lima ng magandang palusot kay Mark kaya lang biglang gumulantang ang mukha ni Mark sa pintuang nasa harap ng kinatatayuan namin.
"Hey bheib! Ba't ang tagal mo?" mukhang napatalon ata kaming lima nang narinig namin si Mark.
"Oh, magkakasama pala kayo? May meeting de abanse ba kayo? Anong meron?" nagbibirong tanong sa'min ni Mark habang nakangisi.
Wala ni isa samin ang umimik. Ang awkward. -____________-
Paano na ngayon to?! Sana naman may magsalita man lang sa'min, kasi wala talaga akong maisip na pwedeng sabihin sa kanya.
I feel like a statue, stuck staring awkwardly right at him. Huuuuu!
"Uh girls? You, ok?" nagtatakang tanong ni Mark.
"H-Ha? Oo naman bheib, ba't ka nandito?" nagpupumilit akong tumawa para di niya mapansin na siya ang pinag-uusapan naming lima.
"Ako nga ang dapat magtanong sa'yo niya'n eh. Anong ginagawa mo dito? Tara, lunch na tayo sa loob."
"Ha? Ano kasi bheib eh..." di niya na ako pinatapos, hinawakan niya na lang ako bigla sa pulso at ipinasok sa loob pero buti na lang at nagsalita si Cristy. "T-Teka lang!" she said.
"Hmm? Bakit Cris?" ani Mark.
"Ah Mark, pwede bang ano, pwede ba naming hiramin si May?"
Nakita ko namang biglang naguluhan ang mukha ni Mark kaya nagsalita na ako.
"K-Kasi bheib ano eh, may bibilhin lang kami. B-Bukas na kasi to, tapos a-ano urgent 'to. Dapat namin mabili to ngayon kasi ano..." Pft. Kaasar naman eh, ano bang pinagsasabi ko?!
Makakahalata na si Mark neto eh. Engot ko talaga! -___-
"Ang ibig sabihin ni May, we need to buy the stuff for our bulletin board later, kasi our adviser asked us to decorate it tomorrow. Kaya, pwede ba naming mahiram si May sa'yo, kahit two hours lang?"
Hay! Buti na lang at umakto agad si Chin. Phew! Bilis mag-isip ng isang 'to. Bilib!
"11:40am pa lang naman eh. We'll be back mga 2:00pm, kasi magcocommute lang kami. Will that be okay?" dagdag pang pagpapalusot ni Via.
"Ganun ba? Gusto niyong samahan ko kayo?" tanong naman sa'min ni Mark.
"NO!" -sabay-sabay naming sigaw sa kanya.
"Hahaha! At talagang sabay pa kayo ha? Sige na nga. Basta bumalik kayo agad."
At dahil nga magaling ang mga bruhang 'to mag-alibi at mag-acting, napapayag namin si Mark. Yay!
For two hours, we need to find the almost perfect gift for my Mark. I wonder kung ano 'yun? I'm so excited! (♥m♥)
BINABASA MO ANG
Opposites Attract (COMPLETED) Tagalog
Teen FictionThe best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time. Opposites Attract is based on a true story between two worlds apart High School students, who fell in love with each other despite their differences. They've...