Chapter 45: The Comeback

2.3K 27 1
                                    

**CHAPTER FORTY-FIVE**

MARK's POV

Anong ginagawa ni May dito?

Why is she in my class? When did she come back from the States? Bakit di man lang niya ako sinabihang uuwi siya?

Tanga.

Bakit naman siya magpapaalam sa'yo, eh halos limang taon kayong di nag-usap at nag-imikan.

Halos anim na taon kayong di nagkita.

Ano pa ba ang ini-expect ko?

Napakuom ako ng palad.

Hanggang ngayon, galit pa rin ako sa ginawa niyang pag-iwan sa'kin sa ere.

Ang bilis ng mga pangyayari.

Nagising na lang ako bigla na may message galing sa kanya, saying she's breaking up with me.

Walang ni kahit anong explanation galing sa kanya.

Since that day, I never heard a single word from her.

I honestly didn't know what happened.

Nagalit ba siya dahil nakatulog ako at di ko natupad ang pangako kong mag-uusap kami buong araw nung Christmas?

Hindi ba masyado atang mababaw 'yung rason niya para iwan ako ng biglaan?

Until now, naiwan akong clueless at gagong umaasang magkakabalikan pa rin kami.

Nung una, akala ko nakalimutan ko na siya.

Pero bigla na lang nagbago lahat ng makita ko siya kanina.

I wanted to go near her. I wanted to hug her.

Pero di ko magawa.

--

I was on my way to buy lunch at the University Cafeteria nang mahagilap ng paningin kong nag-uusap sina May at Jim.

Why are they together?

Bakit nandito si Jim?

Sila na ba?

I don't know but it seems like my feet have their own minds.

They brought me in front of them.

"Hi. Long time no see." Sabi ko sabay ngiti sa kanila.

--

MAY's POV

"OMG! Can you believe it?! Professor ko si Mark!" kanina ko pa kinukulit 'tong si Jim.

Oo, pinapunta ko siya dito since malapit naman 'yung office niya sa G.U.

Spoiled bestfriend talaga ako ng isang 'to. Weee.

Alam kong nth time ko nang sinasabi sa kanya na professor ko si Mark.

Siguradong nabibingi na 'to sa mga pinagsasabi ko.

"Wala ka namang ibang choice. Just bear with it."

"Bear ka diyan. Argh. Bakit kasi ang malas-malas ko! Paano na iyan? Don't tell me makikita ko ang pagmumukha ng isang iyon 5 times a week, two hours a day! Aahhhh! A-YO-KO!"

Tinawanan niya lang ako. Walangya.

"OA mo naman. Akala ko ba nakapag-move on ka na? Oh e ba't kung makareact ka, apektado ka pa rin pag nakikita mo siya?"

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon