Chapter 41: Popped Out

1.9K 13 1
                                    






**CHAPTER FORTY-ONE**



"Kamusta?" pambungad sa'kin ni Jim nang makita niya akong lumabas ng workplace ko.



Day off ko bukas and for the past five days, nakaugalian niyang puntahan ako sa trabaho at kausapin ako.



Hiyang-hiya na nga ako sa tita niyang walang patid ang paghatid-sundo sa kanya.



"Heto, pagod! Pero syempre, masaya kasi day off ko bukas! Woohooo!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya.




"Ibig bang sabihin niya'n, pwede tayong magsama ng matagal ngayong araw?"
he said sabay taas-baba ng kilay.




"Baliw." I commented 'tas tumawa na rin. "Okay. Pagbibigyan kita this time kasi you were there when I need someone to talk to."



Hinila ko siya sa kamay. "Let's go?" alok ko.




"Wait. Saan tayo pupunta?" tanong niya.





"I know a park nearby. Dun tayo mag-usap while the sun's still up."


Alas-4 pa naman eh.




Nang makarating na kami sa park, tuwang-tuwa siya sa nakikita niya.



"Wow! Ganda dito ah!" sabi niya.



Tinawanan ko lang siya. "Jologs mo talaga. Public park nga lang 'to eh, tuwang-tuwa ka na."




"Yabang." umupo kami sa bench malapit sa lake. "Eh ang ganda eh. Ang linis 'tas tignan mo yun oh!" sabi niya sabay turo sa mga ducks na malayang nagtatampisaw at naglalangoy sa lake.




"Kung nasa Pinas siguro tayo, malamang kanina pang kinatay ang mga 'yan." sabi niya.




"Hahaha! Sinabi mo pa. Maswerte sila kasi dito sila ipinanganak." ani ko.




"May..." bigla naman nag-shift ang mood niya from being kwela to being serious.




Bipolar ba 'to?




"Bakit?"




"Nag-usap na ba kayo?" tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa'kin.




"Nino?" kunwaring di ko alam ang pinagsasabi niya.




"Sino pa ba?" sabi niya.




Nginitian ko lang siya. "Wala eh. Deds na siguro 'yun."



Binatukan niya naman ako. "Aray! Sakit nun ah!" sabi ko.





"Boyfriend mo 'yung tao, pero pinapatay mo. Tss." aniya.





"Boyfriend ba ang tawag dun? E halos limang araw nang di nagpaparamdam sa'kin 'yun eh. Hahaha!"


I still managed to laugh kahit nasasaktan ako.

Ayokong isipin ni Jim na naaapektuhan ako masyado sa nakita kong photo sa facebook.



I thought about it already.


I think I was just overreacting that time.





"Hayaan mo na, baka busy lang. Hindi ka rin nun matitiis." sabi niya.



Di ko talaga maintindihan ang isang 'to. Mark was his rival dati.

Nang dahil kay Mark, nawala bigla ang lahat ng effort niya para mapanalunan niya lang ang matamis kong 'oo.'



Pero kahit ganun ang nangyari, nakuha niya pang ipagtanggol si Mark.


Napakabait talaga ni Jim.

Maswerte 'yung babaeng magiging girlfriend nito. Sigurado spoiled 'to sa kanya!




"Oh? Anong iniisip mo?" biglang tanong niya.



Umiling lang ako.



Lutang na naman isipan ko. Nubayaaan.




"Ay oo nga pala." sabi niya. "Day off mo naman bukas di ba?"



Tumango ako. "Why?"





"Tomorrow is tita's wedding. I want you to be my partner."




Napatayo naman ako bigla sa sinabi niya. "H-Ha? Bakit ako?!"




Bukas na pala kasal ni tita niya? Tss. Last minute na talaga ang isang 'to kung magpaalam.




"E ikaw lang naman kilala ko dito eh. At saka pinapasabi rin ni mama at tita na isama kita bukas. Kaya sige na, please?" sabi niya sabay puppy eyes.




"Jim naman eh!"





"Di mo ba talaga ako mapagbibigyan kahit ngayon lang?"





I sighed. "Fine." nakaka-guilty kasi 'yung mukha niya eh. Tsaka sobrang cute niya para tanggihan ko. Aish.




Niyakap niya naman ako. "Yes! Thank you, May! The best ka talaga!"



"J-Jim. Ack, di a-ako makahinga."




Bumitaw naman siya sa pagkakayakap. "Hehehe. S-Sorry." sabi niya sabay kamot sa batok.




Naglibot-libot muna kami sa park at kumain ng ice cream.


Sumama rin siya sa bahay, pero di na siya pumasok. Naku, 'wag na no!


Baka kung ano pang isipin ng mga magulang ko pag nakita nila si Jim.




So this is really is it. Di ko na mababawi ang sinabi ko sa kanya.


I'll be his partner tomorrow.

Buti na lang intimate wedding lang 'yun tsaka di ko kailangan mag-gown, simpleng dress lang daw ayos na.




Hmm. Buti na lang at may nabili akong dress dito.


Mumurahin lang pero maganda.



**



Boring naman dito sa bahay. Walang magawa.



Ang tahimik kasi ng neighborhood, at dinig ko pa ang hininga nina mama sa kabilang kwarto.




Exagge lang?


Pero 'yung totoo, nakakabingi ang katahimikan dito sa States.

Nanibago nga ako nung una eh kasi di ako sanay sa ganito katahimik na lugar.



Sanay kasi ako sa ingay dati sa bahay.

Umagang-umaga, may nagvivideoke na 'tas ang iingay pa ng jeep sa kalye.


Miss ko na ang maingay naming neighborhood.



Hay, heto na naman ako, inaatake ng pagkahomesick ko.



Makatulog na nga lang para sa big event bukas.


---




Kinabukasan...




"Don't be late. Okay?" text sa'kin ni Jim.



Tsk. Kulit talaga ng isang 'to.




Ilang beses niya na ba akong na-remind tungkol sa kasal ni tita niya?





One hour to go. Sus. Dami ko pang pwedeng gawin sa isang oras.



Ready naman ako eh. I'm already dressed up for the wedding, all I'm waiting is for the clock to strike at exactly 2:30.



Malapit lang naman dito 'yung simbahang papakasalan nina tita ni Jim, kaya hassle-free.





Makapag-facebook nga muna at makapag-status tungkol sa kasal na pupuntahan ko..





"Off to Tita Patricia's wedding. I can't--"


I was on the process of finishing my status when suddenly,



*ding*




Biglang nag-pop out pangalan ni Mark sa chatbox ko.






"Bakit kayo magkasama ni Jim?" chat niya.




Wow. Wala man lang Hi? Ni Kamusta wala? Wow ha.




After 5 days na wala akong balita galing sa kanya, 'yun agad ang una niyang tatanungin sa'kin? Ugh.






"E nandito siya eh." walang ganang sagot ko.





"May tinatago ka ba ha?"




Bwisit. Ako pa 'yung may tinatago?

Ha! For all I know, siya 'tong nakikipag-akbayan sa ex-love niya! Ulol.




"I'm not like you, Mark." I typed.




"Anong pinagsasabi mo? Bakit siya nandiyan? Bakit kayo magkasama?! Niloloko mo ba ako ha?!"




Leshe. Sarap magmura.



Ako pa ngayon ang ginawa niyang masama?





"Stop talking nonsense, will you? How about you? How will you explain your photo with Jessica?"





"What photo?" asar. Nagmamaang-maangan pa eh!




I sent him the link.






After a few minutes, nagreply siya. "Bibigyan mo ng meaning ang pic na 'yun? You're so immature."





Sht. Ako pa ang immature ngayon?!

When in fact pinagdududahan niya kaming dalawa ni Jim?!




"No, you're the one who's immature! Na-realize mo ba 'yung consequences ng ginawa mo ha?! People are talking about your photo with Jessica! And guess what?! A lot of our friends asked me kung 'tayo pa'."




Yeah, that's true. Kumalat na 'yung photo sa mga timeline ng friends namin nitong ni Mark.



Just last night before I went to sleep, Via called me and asked me about the photo.


But I didn't say anything to her. Di ko naman talaga alam ang nangyayari eh.



Bakit?



Kasi 'yung magaling kong boyfriend nakakalimutang may girlfriend siya.



Nakakalimutan niyang taken siya at nagpapakasarap sa buhay single niya.





"What's the big deal about it? Come on, picture lang 'yun!"




What's the big deal? I can't believe he said that. Anong nangyayari sa kanya?


Bakit all of a sudden, biglang umiba ang ihip ng hangin?



Bakit bigla-bigla na lang siyang nagbago since naging classmates sila ng Jessica Dy na 'yun.




"It seems to me that you two make a great couple."





"Quit the trashtalk."






"Stop being so stubborn and listen to every word I'm saying!"




Damn it! Kainis! Ang sarap kalbuhin ni Mark! Hindi ba pwede, mag-sorry na lang muna siya and admit that he's wrong?!



Kasi obviously, it is wrong!




Hindi lang naman ako ang nagsasabing mali 'yung ginawa niyang pag-akbay sa babaeng 'yun eh.



Madami kaya!




"Hanggang ngayon, wala ka pa ring tiwala sa'kin?" he asked.




But before I could reply, biglang nag-ring 'yung phone ko.




It's Jim.






I'm about to answer his call kaya lang bigla namang tumunog 'yung skype sa laptop.



Mark wants to have a video chat with me.




Wait, sino ang uunahin ko?




Huwaaaaa!




I answered Jim's call, pero di ko siya hinayaang magsalita, "Sorry Jim, I'm gonna be late. Mark wants to video chat with me. I just want to hear his explanation. Susunod na lang ako sa reception." at agad ko namang pinatay 'yung call.



Now, back to Mark.





--





JIM's POV




Aish. Nasaan na kaya si May? The wedding will start in 10 minutes pero hanggang ngayon, wala pa rin siya.


May nangyari kaya dun?



Tawagan ko kaya.




Ang tagal niya namang sumagot. Please, May. Answer the phone.





After ilang rings, sinagot niya na rin 'to sa wakas.



I was about to say hello kaya lang ang bilis niya.




"Sorry Jim, I'm gonna be late. Mark wants to video chat with me. I just want to hear his explanation. Susunod na lang ako sa reception."
sabi niya then she hung up.




Di ko man lang siya nakausap.




Si Mark na naman? Bakit ba puro Mark na lang?




Fck. What am I saying?



Why am I so affected? Tang'na Jim, gumising ka sa katotohanan!



Sila ni Mark at ni May. Matagal na.




Get over it and live your life!





Pero paano?



Kahit anong pilit kong kalimutan ang nararamdaman ko kay May, bigla na naman itong bumabalik sa tuwing makikita ko siya o sa tuwing maririnig ko boses niya.



I was about to punch the wall behind me, pero buti na lang at nilapitan ako ni mama.

"Anak, are you alright?" tanong niya.




Pinilit kong ngumiti. "Yes, Ma. I'm okay."





"Nasaan na si May? Isn't she coming?"





"Sa reception na lang po siya pupunta. May importanteng bagay pa siyang inasikaso."



Tumango-tango naman si mama. "Ah I see, too bad you don't have somebody to march with you."




Inakbayan ko si mama. "That's fine, Ma. Sanay naman akong mag-isa eh."




"Ano ka ba 'nak. Huwag ka ngang mag-drama. O siya, I'll see you later."
at umalis na si mama papunta sa linya niya.



Di ako nagdadrama, Ma.


Totoo ang sinabi ko. Sanay akong mag-isa. I cannot imagine myself with someone else except her.



Alam kong nakakabwisit pakinggan at mukha akong tanga pero hanggang ngayon, siya pa rin talaga.

Siya lang.


Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon