Chapter 42: Lucky Me

1.8K 14 1
                                    

**CHAPTER FORTY-TWO**

Jusko po. Anong oras na ba? Late na ako sa reception!

Kanina ko pa tinatawagan number ni Jim pero di naman sumasagot ang loko.

Galit kaya iyon?

Aish. Ba't naman 'yun magagalit, eh nakipag-ayos lang naman ako kay Mark. Di ba iyon din ang gusto niya?

"Hi, excuse me. Where's Mr. and Mrs. Thompson's wedding reception?" tanong ko dun sa hotel receptionist.

"Building B, Benjamin Hall. It's on the second floor."

"Thank you."

Agad-agad naman akong pumunta sa second floor.

Shems, daming tao. Puro talaga naka-formal attire. Tinignan ko 'yung suot ko, parang pupunta lang ako sa mall.

Aish. Bahala na nga, wala na akong time para isipin ang mga ganitong bagay.

Hinanap ko naman si Jim.

Nasaan na kaya ang isang 'yun? Di man lang nag-leave ng message. Anong nangyari dun?

"May?" napalingon ako sa tumawag sa'kin. "May? Is that you?"

It's Jim's mom.

Nginitian ko si tita. "Hello po! Kamusta?" sabay smile.

She hugged me. "Long time no see. How are you? Parang foreigner ka na ah." pagbibiro niya.

"Hehehe! Di naman po. Pango pa rin po ilong ko."

Tumawa naman siya. "Anyway, if you're looking for Jim, nasa pool siya."

"Pool?"

"Sa labas, dun sa garden ng hotel na may pool."

"Ahh okay. Sige po, puntahan ko muna siya." at tuluyan na akong nagpaalam kay tita.

Anong ginagawa niya dun, eh nandito ang reception?

---

Nakita kong umupo sa gilid ng pool si Jim, malapit sa mga benches.

Nilapitan ko siya tsaka sumigaw. "JIIIIIIIIIIMMMMM!!!"

Napatayo naman siya sa pagkasigaw ko sabay hawak sa puso niya. Mwahahaha! Tarantado.

"Tss. May naman eh." aniya.

Umupo ako sa tabi niya. "Sorry kung di ako nakapunta kanina." sabi ko.

Umupo ulit siya. "Don't worry about it." walang ganang sabi niya.

Galit ata si Jim.

"Sorry na. Wag ka ng ganyan."

"Bakit? Ano bang ginagawa ko?"

"E nakakapanibago eh. Di ka man lang nag-smile o tumawa nung ginulat kita."

It's so not you, Jim.

Nagbuntong-hininga naman siya. "Okay, I admit. Nagtatampo ako sa'yo."

"Oo nga, I know. Sino ba namang hindi magtatampo sa ginawa ko." mahina kong sabi.

"Ayos lang 'yun. Nangyari na eh. Kalimutan na lang natin."

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Wag kang ganyan, Jim. Masyado kang mabait eh." ani ko.

"Umupo ka nga. You're blocking my view."

Lumingon ako para tignan niya 'yung sinasabi niyang view.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon