**CHAPTER TWENTY-TWO**
Nasa sasakyan ako ngayon kasama si Papa.
Ihahatid niya ako sa bahay nina Via.
Dun kasi ako magbibihis ng dress at mag-aayos ng make-up kasama sina Cristy, Chin at Angie.
Malapit lang bahay nina Via sa school kaya di na namin poproblemahin kung ma-late man kami for our last MV shooting.
Walking distance lang naman ang bahay nina Via sa school, kaya wala kaming dapat ikabahala.
Sabi ko nga kanina, last day na ngayon ng shooting namin.
Actually naumpisahan na namin to last week, natapos na namin ang first part ng MV, yung mismong prom na lang ang di pa natatapos.
Pagpasok ko sa bahay nina Via ay agad akong binulaga ng apat na bruha.
"Tagal mo ha! Kanina pa kami naghihintay dito!" wika ni Cristy.
Ako na lang pala ang hinihintay nila? Akala ko pa naman ako ang mauunang dadating dito.
Pero alas-4 pa lang naman ah?
Mamayang 6 pa kaya ng gabi ang shooting. Ang aga naman ata nilang dumating.
"Ang early niyo naman. Ganun ba talaga kayo ka-excited?" tanong ko sa kanila.
"E kasi tong si Via eh. Sabi niya pumunta na daw kami dito." reklamo ni Angie.
"Ano?! Alam niyo, ang dami niyong reklamo. It's better to get ready no! Magpapaganda pa kayo tayo!" pagdepensa ni Via sa sarili niya.
"E hindi naman natin kailangan magpaganda eh. Si May lang ata ang dapat maghanda ngayong gabi kasi siya ang bida mamaya sa shooting. Extra lang tayo kaya hindi natin kailangang magpaganda ng bongga no! Tsk." naiinip na sabi ni Chin.
"Oo nga! Ang sarap pa naman ng tulog ko kanina. Nahinto na lang tuloy nang tumawag ka." sabi ni Cristy habang iniirapan si Via.
Pero syempre, biro niya lang yun.
Nagkukunwari lang ang mga to na nagtatampo kasi alam nilang medyo pikon si Via sa mga ganitong bagay.
"E di umuwi kayo! Kayo na nga tong tinutulungan eh, kayo pa tong madaming satsat! Hmp!" ani Via.
"Hay naku! Tama na nga 'yan, tumigil na kayo. Mag-ayos na nga tayo." mungkahi ko sa kanila.
Nakakairita na rin kasi minsan kung nagbabangayan ang mga loka-lokang to, ang sakit sa ulo!
"C'mon, hali na kayo sa room ko." sabi sa'min ni Via habang higit-higit niya ang kamay ko.
**
Ang ganda ng room ni Via! Di naman ganun kalaki, pero tamang-tama lang para sa kanya.
Ngayon lang kami nakapasok sa room niya although ilang taon na rin kaming mag-bestfriends, wala kaming time para magsipunta sa mga kanya-kanya naming bahay dahil lagi na lang sa mall yung hang out places namin, o di kaya sa school o sa Kasachi.
"Girls, si mommy yung magmemake-up sa'tin ha? She's on her way na from work." sabi niya sa'min habang nagbibihis kami ng dress sa kwarto niya.
Suot ko ngayon ang dress na binigay ni Mama sa'kin.
Spaghetti strap ito na may habang below the knee (Medyo conservative kasi ako. Mwehehe!) Kulay light green ito at may mga random na designs na kulay black at white.
Nakita ko naman ang mga cute na dresses ng mga bestfriends ko.
Kulay dark green ang suot ni Via. Spaghetti strap din ito pero may habang above the knee. Wala itong designs, plain lang, pero ang cute tignan.
Ang suot naman ni Angie ay kulay light brown na dress na may malaking belt sa bewang niya. Mga knee-length ito. Plain din ito gaya nung kay Via pero may maikling sleeves.
Si Cristy naman ay nakasuot ng kulay black and yellow na dress. Knee-length ito at may design na flowers sa lower part ng dress.
Kulay dark blue naman ang suot ni Chin, may sleeves ito kasi siya ata ang pinakaconservative sa aming lima. Below the knee ang haba nito at may mga designs na sequence sa mga random parts ng dress niya.
Ilang sandali lang ay dumating na si Tita Joanna, mommy ni Via.
Inayusan niya agad kaming lima.
Nagtagal ng mga 1 hour ang make-over namin para sa shooting.
"Wow! Ang gaganda naman ninyong lima!" wika sa'min ni Tita.
"All thanks to you, tita!" sabi sa kanya ni Chin.
"Oo nga po. Salamat po sa pagmemake-up niyo sa'min." - sabi ko.
"Naku mga iha, it was nothing." sabi ni tita sabay ngiti sa'min.
Ang ganda talaga ni Tita Joanna, simple lang siya pero di pa rin kumukupas ang ganda niya.
Di na ako nagtaka kung saan nagmana si Via.
"Girls, I think we need to go now. Kailangan pa kasi nating tulungan si Ralph sa pag-set up ng lobby." sabi sa'min ni Angie.
Agad naman kaming nagpasalamat kay Tita Joanna at nagpaalam sa kanya, at saka kami pumunta ng school.
**
"Buti naman at nandito na kayo!" Ito ang unang salubong sa'min ni Ralph nang makarating kami sa lobby.
"Tulungan niyo naman akong i-set up ang mga upuan at table banda doon." dagdag pa niya.
Wawa naman tong si Ralph, pinagpapawisan na sa sobrang pagod.
Kitang-kita sa mukha niya na stressed out na siya because of this MV shooting, pero infairness sa kanya, kina-career niya talaga ang pagiging director.
Kaunti pa lang ang nandito, siguro mga kalahati pa lang ng klase ang dumadating.
Nagtulong-tulong kaming lahat na ayusin ang setting para sa shooting.
Nilagyan namin ng balloons at ribbons ang paligid at inayos din namin ang mga foods sa table.
Ang pagkain namin puro pang-meryenda lang. Nagkulang kasi sa budget kaya chips, biscuits at softdrinks lang ang binili namin.
Maya-maya lang ay dumating na ang iba naming kaklase at infairness ha, pinaghandaan talaga ng iba ang shooting ngayon.
Nagpaganda ang ibang girls at yung boys naman ay malupet kung pumorma.
Nandito na ata lahat maliban kay Mark.
Nasaan naman kaya 'yun?
Yung usapan namin 5:00pm magkikita na kami dito sa lobby para matulungan niya ako sa pag set up ng lobby, pero ngayon 6:15pm na at wala pa rin siya.
Ano ba naman yun?! Palagi na lang ako dinidisappoint!
Di niya na nga tinanggap ang roles sa MV, pati ba naman ngayon, male-late pa siya sa usapan namin? Nakakainis na talaga!
Kinuha ko ang cellphone ko tsaka siya tinawagan pero di niya ito sinasagot, kina-cancel niya pa nga!
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko, tinignan ko kung kanino galing ang text.
From: Bheib ko <3
"Bheib nandito lang ako sa labas ng school. Kanina pa ako nandito, papasok na ako diyan."
Ugh! Nasa labas lang pala siya ng school?! Ba't di man lang siya nagpasabi o di kaya pumasok man lang siya sana dito para kahit papaano ay magkasilbi naman siya sa class project namin di ba?
"May, ganda nung kasama ni Mark oh. Kilala mo ba siya?" - tanong sa'kin ni Joe habang tinuturo ang direksiyon kung saan naroon si Mark.
"Tsk. Kaya pala hindi agad pumasok si Mark dito eh, may kasama pa lang chika babes." - pang-aasar naman sa'kin ni Rey.
Inirapan ko lang siya, chika babes niya mukha niya!
Ngumisi lang si Rey at nag-peace sign sa'kin. Halata sigurong nainis ako sa sinabi niya. >.<
"Naku May! Di hamak na mas maganda ka naman sa kanya no." sabi ni Cristy sa likod ko.
"Sus! Sinabi mo pa! Nadala lang 'yan sa porma eh, kaya gumanda!" dagdag pa ni Via na inaayos ang mga chairs sa harapan ko.
"Maganda nga." sabi naman ni Jomel.
Tiningnan ko lang siya ng masama.
Pansin kong naasar din ang mukha ni Via sa sinabi ni Jomel.
So what kung maganda siya? Maganda rin naman ako ah! Hohoho!
**
Binalewala ko na lang ang mga sinabi ni Jomel at tumingin ulit kay Mark at sa kasama niyang babae.
Nagtatawanan sila at may hampas-hampas pang nalalaman ang babaeng to sa braso ng boyfriend ko! Putik!
Ano ba yan?! Sino ba yang lintang 'yan at masabunutan ko na. Kanina pa 'yan nakikipagkulitan sa boyfriend ko ah!
At ang isa pa tong Mark na to, ka-lalaking tao, pero daig pa ang malanding pokpok sa pakikipagharutan sa kasama niya.
Ang mean ko talaga. Pero masisisi niyo ba ako?
Di ko na namalayan na nanginginig na pala ako sa galit at kanina pang nakakuom ang mga palad ko, para bang ready na ang mga ito na mag-landing sa mukha ni Mark. Ansarap sapakin eh.
"Uy May, baka naman matunaw yung dalawa sa kakatitig mo sa kanila. Relax lang." bulong sa'kin ni Angie.
Paano ako magiging relax kung mas malala pa sa horror movie ang nakikita ko?
"May, try to compose yourself. Mark's heading this way." sabi naman sa'kin ni Chin.
"Tara na! Upakan na natin 'yang lintang tipaklong na mukhang froglet na babaeng yan!" pagdadabog naman ni Cristy.
Tumawa na lang ako sa reaction niya.
Loka-lokang to talaga, small but very terrible!
**
"Bheib, halika, ipapakilala kita sa little sis ko!" di ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Mark at hinigit niya pa ako papunta sa lintang froglet na yun.
"Mark, ano ba?!"
"Chill ka lang. Little sis ko lang siya." - bulong sa'kin ni Mark.
"Pinagsasabi mong little sis, e ang layo-layo ng mukha niyo!"
"Sira ka talaga! Little sis, as in parang nakakabatang kapatid. Bestfriend ko siya bheib. Siya yung tinutukoy ko sa'yo na pinupuntahan ko dati kaya lagi akong absent, pero dati pa yun, nung hindi pa tayo."
Nang malapit na kami sa so-called little sis niya ay tinigilan ko na ang pakikipagbangayan sa kanya.
"Bheib, meet my little sis, Natalie. Natalie, siya yung babaeng kinukuwento ko sa'yo."
"Hi, I'm Natalie." sabi niya.
Medyo mataray din 'tong little sis niya ha?
Wala man lang smile? Ni-shake hands wala?
Pero syempre, dahil ayokong tinatalbugan ako sa harap ng sarili kong boyfriend, nagpakitang-gilas ako by smiling at her, showing all my teeth, all my beautiful and pantay-pantay na teeth, di gaya sa kanya na may mga alambreng nakakabit.
"Oh, so ikaw pala si Natalie? Nice meeting you. I'm May, girlfriend ng unggoy na 'to." sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang braso ni Mark.
Ngumiti naman siya pero pwee, parang may halong kaplastican. Ano ba yan!
"He he he, ang kulit mo talaga bheib!" - sabi naman sa'kin ni Mark habang pinipisil ang pisngi ko.
Naku, kung di lang ako nagpapakitang-gilas dito, malamang kanina ko pa nabatukan ang lalaking to!
**
"Excuse lang ha. May, sabi ni Ralph mag-uumpisa na raw ang shooting natin." - sabi sa'kin ni Jomel na nasa likuran lang namin.
Agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak ko kay Mark tsaka sumunod kay Jomel.
"Ah, excuse me, I'll be right back. Sasayaw pa kasi KAMI NI JOMEL." talagang in-emphasize ko 'yun para mawala ang mood ni Mark, at tama nga hinala ko kasi inirapan niya si Jomel.
"Okay, on the count of three, sasayaw na kayo dito sa gitna. Try to be as sweet as possible pero di 'yung tipong type niyo ang isa't isa. Tandaan niyong magpinsan pa rin ang roles niyo dito. Don't forget to act naturally."
Sinunod naman namin ang instructions ni Ralph.
Sumayaw kami sa kantang 'Iris' ng Goo Goo Dolls.
Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang nakapatong naman sa mga balikat niya ang mga kamay ko.
Pinilit din namin na ngumiti sa isa't isa, pero ang awkward eh. Lalo na't siya ang first dance ko.
"May..." sabi niya.
"Oh bakit ka nagsasalita, nagsisimula na ang shooting." sabi ko kay Jomel.
"Ok lang 'yun, di ba sabi ni Ralph, act naturally."
Ang gwapo pala ng nilalang na ito pag malapitan kaya no wonder nahulog ang bestfriend kong si Via sa kanya.
"Ok, sabi mo eh." -mahinang sabi ko sa kanya, pero this time nginitian ko na siya.
"Napansin kong nakasimangot ka kanina nung nag-umpisa ang shooting."
"Ahh, hehe! 'Yun ba? E kasi nakakainis si Mark eh."
"Haha!" tumawa siya ng mahina, "Nagseselos ka no?" dagdag pa niya.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?"
"Yun oh, tingin ka sa kaliwa." sinunod ko naman ang sinabi niya at nakita kong nakatingin sa'kin si Mark habang nakasandal sa pader, nasa tabi niya rin ang lintang froglet.
"Hahaha!" napatawa na naman si Jomel, pero this time medyo napalakas na ng konti.
"Huy, bakit ka tumatawa?"
"Bigla na naman kasi sumimangot mukha mo."
"Ganun? Hindi no!"
"Sus, aminin mo na lang kasi na nagseselos ka sa kanila."
"Hindi no! Asa!" ako na ang dakilang denial queen! Woot woot!
"Weh? Gusto mo tulungan kita?"
"Tulungan sa?"
Ano bang pinagsasabi ng isang to?
"Pagselosin natin boyfriend mo."
"Ha? Paano?"
Mukhang magandang ideya to ah.
"Watch and learn."
Nginisihan niya lang ako at nilagay niya ang kanang kamay niya sa pisngi ko at hinawi ang ilang buhok na nakatakip sa mukha ko.
Nginitian niya ako tapos lumapit siya unti-unti sa mukha ko.
Oy! Di niya ako hinalikan ha!
Tinapat niya lang ang bibig niya sa tenga ko, at bumulong, "It worked! Nagselos nga siya."
Nang sinabi niya 'yun, tumingin ulit ako sa direksiyon kung saan nakatayo si Mark at ang lintang froglet pero di ko na sila nakita.
"Wag kang mag-alala, umupo lang sila dun malapit sa food table kasama ang iba nating kaklase." sabi ulit sa'kin ni Jomel.
"OKAY CUT! good job, you two! Parang di kayo nahirapan sa take na to ah!" pagpupuri sa'min ni Ralph.
"Hahaha! Ganun talaga pag inborn superstars!" sabi ni Jomel.
Tinawanan lang namin to ni Ralph.
Tss, ang hangin ng isang 'to, pero laking pasasalamat ko sa kanya sapagkat tinulungan niya ako na pagselosin si Mark! Mwahaha!
**
Natapos na namin sa wakas ang lahat ng shoot, yung sweet dance session namin ni Jomel, ang aksidente ni Melvin a.k.a Clark, yung pag-eemote ko nang namatay si Melvin at madami pang iba!
Buti na lang nakuha namin agad ang directions ni Ralph kaya napaaga ang tapos ng shooting namin.
"Guys, salamat sa participation at cooperation ninyong lahat I promise to edit this video as best as I can para tumaas ang grades natin ngayong grading! At ngayon naman." Kinuha niya 'yung champagne sa table at binuksan ito. "Let's get this party started!" aniya.
Sosyal namin no? May champagne!
"Parteh! Parteeeeeeeeeeh!" - sabay-sabay naman naming sigaw.
**
Kinain na namin ang mga handa sa food table, nagpipicturan na rin ang iba at nagchikahan, samantalang ako, hinahanap si Mark.
Pucha! Asan na ba ang mokong yun?!
Malamang kasama niya rin yung Natalintang froglet na 'yun.
Missing in action din kasi ang babaeng 'yun.
Pumunta ako sa High School hallway, wala sila.
Sa gradeschool area, wala rin!
Sa field, waley! Puro tipaklong lang ang mga nandito!
Sa gym? Mas lalong wala! Ang dilim-dilim dito, err katakot!
Iisa na lang ang di ko pa napuntahan.
Sa flagpole!
At tama nga ang hinala ko, nandito nga sila, nakaupo sa stairs, malapit sa garden na nasa tapat ng flagpole.
Mukhang seryoso silang nag-uusap.
Maingat ko silang nilapitan at nagtago sa mga puno't halaman na nasa likod nila.
Jusko! Tabi-tabi po sa mga mahiwagang nilalang na nandito.
Naghanap ako ng magandang pwesto para makapag-eavesdrop sa kanila.
I have all the right o eavesdrop, lalo na't may ibang babaeng kasama ang boyfriend ko!
"Di ka ba nagseselos dun sa kasayaw ng girlfriend mo, kuya?" rinig kong sabi ni Natalinta kay Mark.
Aba! Kuya pa talaga ang tawag niya sa kumag ko ha!
How dare she! Magkaedad lang naman sila ah.
"Ha? Sa kanila ni Jomel?" tumingin muna ng langit si Mark before he finishes his sentence. "Oo nagseselos ako, pero ok lang yun, may tiwala naman ako kay May tsaka kaibigan ko rin naman si Jomel."
Nagseselos pala talaga siya?
"E bakit hindi ikaw yung kasayaw niya?" tanong ni Natalintang froglet.
"Nahihiya ako eh, may stage fright ako."
Ngangu ka Mark! Stage fright mo mukha mo!
E sumayaw ka nga kasama si Krisha nung cheerdance competition eh!
And take note! Buong school yung nanuod sa kanila! Daming palusot neto!
"Hahaha! Kelan ka lang nahiya kuya?!"
"Wala. Wala naman talaga akong hiya dati pa eh." sabi ni Mark.
"...until I met her. Alam kong corny pero hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako sa kanya. Kinakabahan ako pagkaharap ko siya. Parang di ako makagalaw tuwing nagkakatitigan kami. Nanlalambot ang mga tuhod ko, tumitigas ang mga paa ko. Alam mo yung feeling na,n-na in love ka sa isang tao?"
"Hahaha! You ha! You're so effin' baduy talaga kuya!"
Tse! Inggit ka lang!
So yun pala ang reason niya kung bakit ayaw niya akong makasayaw?
Syet! Pwede na akong mamatay sa sobrang kilig! Eeeeeeh!
"Pero seriously, mahal mo talaga siya?" sambit ni Natalintang froglet.
"Syempre, obvious naman kung gaano ko siya kamahal di ba?" sabi ni Mark habang nakatingin sa mga bituing kanina pang nagniningning sa langit.
"Eh paano si, s-si Jessica, bro?"
Jessica?
Si Jessica Dy ba ang tinutukoy ng Natalintang froglet na 'to?
"Paano naman napasok si Jessica sa usapan natin?"
"Kasi kuya, I have something to tell you."
"Ano yun little sis?"
Bantot talaga ng tawagan nila! Buti pa ang 'Bheib' medyo, sosyal. Mwahaha! Joke lang.
"Nagkita kami kanina ni Jessica, and she told me to tell you na she still loves you."
WTPAAAK! Saan na yung Jessica na yun nang maitapon ko na siya sa gitna ng Pacific Ocean at para na rin may makain ang mga alaga kong Piranha na nadun!
"H-ha? E di ba, sila pa ni Eric?"
Huh? Who the hollowblocks is Eric?!
"Nope. They broke up last month and it was all because of you bro, kasi narealize ni Jessica na ikaw pala mahal niya."
"What? That's bullshit."
Yeah right bheib, talagang bolsyet!
"I know, but kuya, Jessica really loves you. She's been trying to contact you nung huli kayong nag-usap, but nag-change number ka kaya she didn't had the chance to tell you what she really feels." huminga ng malalim si froglet at ipinagoatuloy ang sinabi niya.
"Pati sa friendster, di niya rin ka ma-message kasi you blocked her account. Pinagsisihan niya na yung pag-iwan niya sa'yo sa ere."
Nilagay niya yung kamay niya sa kaliwang balikat ni Mark sabay sabing, "Kuya, she wants you back."
Wag mo nang ipilit yang unggoy ko sa kaibigan mong si Jessica! Leshe talaga.
Gusto ko na talagang sugurin ang Natalintang froglet na 'to para manahimik na pero kailangan ko pa marinig ang isasagot ni Mark.
"Talaga?" aniya. "She wants me back? Bakit? Di naman naging kami ah? Pinaasa niya nga ako, di ba?"
"Yeah, I know. She was just blinded before. Akala niya mahal niya pa rin si Eric, pero hindi. Ikaw na talaga mahal niya, kuya. Ayaw mo na ba sa kanya? Don't you love her anymore? Don't you want her back?"
E kung suntukin kaya kita para ma-nosebleed ka sa sarili mong ingles?!
Bakit mo ba nirereto ang kaibigan mo kay Mark?
He's already taken. Can't you and your Jessica friend get over it?
Hello? Uso naman siguro mag-move on di ba?
"Para saan pa? I've already got everything I need here and no, I don't love her anymore."
Yeah! That's my man! hihihi :">
"Dahil ba dun sa girl na 'yun?"
Hoy excuse me Natalintang froglet ka, ang 'girl' na tinutukoy mo ay may pangalan! That 'girl' is no other than May Luisa Cruz Ortaleza! That 'girl' is no other than me!
"Oo. Iba siya eh. Ninakaw niya na puso ko, at wala akong balak na kunin ito sa kanya."
Neknek! Ang corny neto pero aminin, kinikilig ako. :">
"Hahaha! You've really changed, kuya. Di ka naman ganyan ka-cheesy before but I like it! It's kinda sweet. Maybe if your girlfriend heard that, she'll be flattered."
"Haha! Siguradong kikiligin yun." sabi ni Mark.
"But kuya...."
"Op? Ano 'yun little sis?"
"Hmm, ba't mo siya nagustuhan? I mean, no offense ha, but she's sort of typical to me. So plain, wala ngang ka sense of fashion, unlike Jessica. They're totally different from each other. Hey, no offense ha?"
Tengeneng No Offense na 'yan! Offended na nga ako dito!?
Can't she see? Of course she can't kasi nga nakatago ako dito sa likod nila di ba?! Bopols mo talaga May.
"You're right. Ordinaryong babae lang si May. That's why I love her. Ang simple niya, walang arte sa katawan pero pag binihisan mo, para siyang anghel sa lupa. Sabi mo they're totally different from each other?? Tama ka ulit little sis. May is a responsible girl, matalino, masayahin, matino at bangag kaya masaya ako pag kasama ko siya unlike Jessica, matalino nga pero tamad naman, seryoso, sophisticated, sosyal but she smokes and drinks a lot. There are indeed a lot of differences sa kanila. Alam mo little sis, Si May lang ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng sobra." tumingin siya kay Natalintang froglet sabay ngiti. "Nasagot ko ba ang mga tanong mo?"
Syet, speechless ako. Si Mark ba to?
Ba't parang nasapian ata siya ng kaluluwa ni Romeo? Ni John? Ni Jack? Ni Landon?Ahihi :">
"Hay, Okay fine. I surrender! Wala na nga akong magagawa para pilitin kang balikan si Jessica. I'm so happy for you bro. Sana magtagal kayo ng girlfriend mo."
Buti naman at sumuko na 'to. Buti na lang ako ang pinili ni Mark. I'm so touched. :">
"Ow! Araay! Aray! Ang sakit!"
Napasigaw ako bigla sa kagat ng mga langgam sa paa ko! Syet! Ang sakit! Natapakan ko ata ang ant hill nila! Pucha lang!
"May tao ba diyan?"
O Jusko! Boses 'yun ni Mark ah? Napalakas ata ang sigaw ko! Pesteng mga langgam to kasi!
"May?"
Patay! Nakita na nga ako ni Mark at ni Natalintang froglet.
"Ahh, he he he! hello sa inyo." bati ko sa mga nabigla nilang mukha.
Ang tangengot mo talaga, May! Napaka-clumsy mo talaga!
"Bheib! Kanina ka pa ba diyan?" natatarantang tanong ni Mark.
Ano ba? Sasabihin ko bang narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila? Pero baka magalit siya?
"H-ha?Ah h-hindi. Kararating ko lang. Hehe!" pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? Anong ginagawa mo dito? At bakit ka napasigaw kanina?" tanong sa'kin ni Mark.
Naman oh! Interview session ba to? >.<
"Ha? E ano k-kasi, bwiset kasi ng mga langgam na 'yun, kinagat ako sa paa at saka nandito ako para a-ano..." mag-isip kang mabuti ng magandang palusot, May!
"Para ano?" tanong ni Mark.
"He he he, ano eh, p-para ano." Nag-isip muna ako ng palusot bago ulit magsalita. "Para yayain kayong kumain sa lobby. Tapos na kasi ang shooting."
Phew! Nakalusot rin! Hehe!
"Ah ganun ba? Sige little sis, kain na tayo sa lobby." sabi niya kay Natalintang froglet.
"Ha? Naku, 'wag na lang. Thanks, but I really have to keep going na. Kanina pa kasi naghihintay ang driver ko sa labas."
Wooow sosyal tong Natalintang to! May sariling driver! Kalokaaa!
"Sure ka?" ani Mark.
"Yup, okay lang. Thanks ulit for the time kuya ha. Sige bye and oh, nice meeting you ulit May." sabi niya sa'min ni Mark habang nakangiti.
Di na siya hinatid sa labas ni Mark kasi ang lapit-lapit lang naman ng gate sa flagpole.
"So pano? Kain na tayo?" tanong sa'kin ni Mark habang nakangiti.
Ba't ba everytime tinititigan ko siya, mas lalo siyang pumopogi? Ayieee!
**
Pumunta na kami sa lobby at kumain na rin kasama ang iba naming kaklase.
"Mark?" sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng chips sa field.
Nasa tapat lang kasi ng lobby ang field, kaya napagpasyahan namin na dito na muna tumambay dahil masarap ang hangin dito at ang sarap titigan ng mga stars sa langit.
"Oh bakit?"
"T-totoo ba yung sinabi mo? Na ako lang yung--- yung kaisa-isang babaeng minahal mo ng sobra?"
"H-ha? Narinig mo ang pinag-usapan namin ni Natalie kanina?"
Syet kang tipaklong ka! Ang shunga ko talaga.
Wala bang preno tong bibig ko? Kainis naman eh, nabuking tuloy! Patay.
"Ha? Eh kasi ano eh, s-sorry bheib ha? Di ko kasi mapigilang di makinig sa inyo k-kasi..." di ko matapos tapos ang sinasabi ko sa sobrang hiya at kaba.
"Kasi ano?"
"K-kasi ano eh." It took me awhile to tell him the truth. "Nagseselos ako sa inyo nung lintang yun, este ni Natalie pala."
Di siya sumagot sa sinabi ko, sa halip ay nginitian niya lang ako, yung mga nakakamatay niyang ngiti. :">
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Di ka ba galit??" tanong ko sa kanya.
"Hindi, natutuwa nga ako."
"H-ha? Ano bang nakakatuwa dun?"
Oo nga? Ano ang nakakatuwa dun? Weird talaga ng isang to.
"Kasi sabi mo nagseselos ka sa'min ni Natalie." di pa rin nawawala ang ngiti niya. Enebenemenyen!
Naramdaman ko na uminit ang pagmumukha ko, buti na lang gabi na. Buti na lang di niya mapapansin nagba-blush ako dito.
"E ano naman kasi eh, ang close niyo kasing dalawa! Mapagkakamalan kayong mag syota nun e!" sabi ko sa kanya.
Tumawa lang siya at binatukan ako ng mahina sa ulo.
POK!
"Uy! Para saan yun?!"
"Haha! Kinikilig ako eh."
Ngangu to, nambabatok pag kinikilig?! Delikado pala to eh! O__O
"Ewan ko sayo unggoy ka."
"Oo naman, ako ang pinakagwapong unggoy no."
"Pero seryoso bheib, wala ka naman dapat ikaselos sa'min ni Natalie eh. Kasi magkaibigan lang kami, parang kababatang kapatid lang ang turing ko sa kanya."
"Weh? E ba't ganun kayo ka-sweet?" tanong ko sa kanya, pilit ko pa rin tinatago ang selos na nararamdaman ko.
"Sweet ba yun? Di no! Close lang talaga kami." Asus palusot 101 na naman ang isang to. -_-
"O sige! Sabi mo eh. Basta magkaibigan lang kayo nung Natalie na yun ha?"
"Oo, promise! Peksman!"
Ilang minuto din kaming tahimik, pareho kaming nakahiga sa damuhan sa field at nagsta-star gazing.
Ang ganda ng himpapawid ngayon, napaka-clear, konti lang ang clouds kaya kitang-kita ang mga bituin.
"Umm, Mark!" napagpasyahan ko na basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ano yun bheib?" di pa rin siya nakatingin sa'kin, nasa langit pa rin nakatutok ang tingin niya.
"Ano na yun?" sabi ko sa kanya.
"Ha? Anong ano yun?"
"Ano na yung sagot mo sa tanong ko kanina?"
"Anong tanong?"
(-_- ")
Naman oh! Memory gap agad? Hay, kailangan ko pa bang ulitin ang tanong ko? E, nakakahiya eh.
-____________-
"Uy, ano ba yung tanong mo? Nakalimutan ko eh."
"Ah w-wala. Wag na lang."
"Sige na, sabihin mo na, please?"
"E di naman kasi nakikinig eh! O sige, uulitin ko pero last na to ha?!"
"Sige sige."
"T-Totoo ba yung sinabi mo na a-ano, na ako lang yung kaisa-isang babaeng minahal mo ng sobra?Tss, ayan nasabi ko na ha! Wag mo nang paulitin sa'kin kasi sisipain na talaga kita!"
Eeeeeh. Nakakahiya. -___-
"May, ikaw lang ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng ganito." - sabi sa'kin ni Mark, and this time nag-eye to eye contact na kaming dalawa. :">
Hindi ako makapagsalita, na-speechless ako bigla, di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Nginitan ko lang siya.
"Talaga?"
"Oo, ayaw mong maniwala?"
"Hmm, mukha ka bang kapani-paniwala, tignan mo nga yung mukha mo oh! Mukhang-" di ko na natapos ang sinabi ko kasi wala akong maisip na karugtong nito. Mukhang ano nga ba ang isang to?
"Mukhang ano?"
"Unggoy."
Mwahahahaha! Wala na talaga akong ibang maisip. Ano ba yan!
"Ah ganon?"
"Uy, joke lang, pero seriously Mark, totoo ba?"
"Do you want me to answer your question by showing it to you?" seryoso niyang tanong sa'kin.
Tumango lang ako sa kanya. Umupo siya sa pagkakahiga at ganun din ang ginawa ko.
Nagkakatitigan pa rin kami, pero wala ni isa samin ang tumatawa o ngumingiti.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan niya ang chin ko.
Unti-unti niyang tinataas ang chin ko at palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.
OH NOOOOOO! Hahalikan niya ba ako? Wag dito! Nakakahiya!
Nasa likod lang ang mga kaklase namin, ayokong mag-PDA dito! Wag dito!
Pero on the other hand, kinikilig naman ako.
Naninigas ako sa kinauupuan ko, hindi man lang ako makagalaw para makaiwas sa kanya.
Ayaaaan na!
Malapit na talaga mukha niya sa mukha ko!
Konting gap na lang!
O_______________O
WOOOOOH!
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, at hinalikan ako...
sa NOO!
Mwahahahaha! Ang sweeeeeet :">
Forehead kisses. <3
Pagkatapos niya akong halikan sa noo ay niyakap niya ako ng mahigpit, sabay bulong;
"Mahal na mahal kita, May."
Ngumiti ako, kahit na hindi niya ito nakikita dahil nakayakap pa rin kami sa isa't isa.
Binulungan ko rin siya;
"Mahal na mahal din kita, Mark."
**
"Uy love birds, tama na muna 'yan. Nandito na ang sundo ni May!" sabi sa'kin ni Cristy na nasa likod namin.
Syet! Nandito na sina kuya?! Anong oras na ba?
9:00pm!
AHHHH! 30 minutes na silang naghihintay dito!
Hay neknek! Panira ng moment talaga!
Agad naman akong tumayo. Hinalikan ko siya sa pisngi at saka nagpaalam sa kanya.
Nagmadali akong lumabas ng school at saka sumakay sa kotse nina kuya.
Buti na lang di sila galit sa'kin.
Thank you for this wonderful night, Lord!
Makakatulog din ako ng mahimbing tonight.
Ayeee, kinikilig pa rin ako! :">
BINABASA MO ANG
Opposites Attract (COMPLETED) Tagalog
Teen FictionThe best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time. Opposites Attract is based on a true story between two worlds apart High School students, who fell in love with each other despite their differences. They've...