**CHAPTER TWENTY-THREE**
* ONE MONTH AGO *
Nandito ako sa labas ng school, nakaupo sa waiting shed, hinihintay ang mga classmates ko.
Farewell party namin ngayon, at plinano namin na dito sa tapat ng school ang magiging meeting place namin bago kami pumunta ng Skyway Avenue Resort.
Neknek! Ba't wala pa sila?
Kanina pa ako dito pero ni isa sa kanila di pa dumadating!
Matext ko nga si Mark kung nasaan na siya, tanghali na ata yun nagising! Tss, mantikain talaga pag natulog tong isang to. -_-
Bago ko pa makuha ang cellphone ko sa bag, ay may biglang tumawag sa pangalan ko.
"MAY!"
Si Jim?
O____________O
"Ba't ka nandito?" tanong niya sa'kin habang papalapit sa waiting shed.
Simula nung naging kami ni Mark, matagal-tagal na din kaming hindi nakapag-usap ni Jim.
Ang awkward eh, at nahihiya na ako sa kanya after ko siyang bastedin dahil kay Mark. Huuu! Ang sama ko talaga.
-___-
E ano ba kasing magagawa ko? Di ko naman kayang diktahan ang puso ko kung sino ang dapat kong mahalin di ba?
Ang sama-sama ko talaga dahil pinaghintay ko lang siya sa wala.
Pero buti na lang ambait ni Jim, kesa magalit siya sa'kin at kasuklaman ako, mas lalo niya pa akong inintindi at siya mismo ang di naaasiwang kausapin ako, tulad ngayon.
"Ha? Di ba napagkasunduan ng buong batch na dito ang meeting place?" naguguluhang sabi ko sa kanya.
Sigurado akong alam niya kung bakit nandito ako sa waiting shed di ba? E ba't niya pa ako tinatanong tungkol dito?
"Ha?" Oh? Anong hina-Ha nito?Tumawa siya ng mahina tsaka umupo sa tabi ko.
Neknek, ano bang problema ng taong to? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko di ba? Unless may sayad na to sa ulo at inakala niyang joke yung sinabi ko.
"Ay! he he he, sorry di ko mapigilang tumawa." Naka-drugs ba tong si Jim?? (-.- ") "Hehehe, ang bangag mo kasi hanggang ngayon, di ka pa rin nagbabago." dagdag pa niya.
"Ano ba kasing punto mo Jim?" naiinip kong tanong sa kanya.
Ang dami pa kasing paligoy-ligoy, pwede namang diretsuhin niya na lang ako. Ang awkward ko na tuloy dito.
"Nandun na kaming lahat sa Kasachi, nag-GM kaya kanina si Chin, sabi niya dun na lang tayo magkita-kita sa tambayan. Bawal daw dito mag-stay sa tapat ng paaralan, lalo na't ang ingay-ingay natin."
Ows? Talaga? Nag-GM si Chin? E ba't wala akong alam tungkol dito?
=_______________=
Ayayayyy! Nakalimutan ko palang i-check ang phone ko ngayong araw! Tangengot! Kaya pala wala akong ka alam-alam tungkol dito.
"Tsk! Naman oh! Ang shunga ko talaga!" bulong ko sa sarili ko.
Tinititigan lang ako ni Jim habang ngumingisi sa naging reaction ko.
Oh, ano naman ngayon? Ano na naman ang nakakatawa? May dumi ba ako sa mukha?
"Ehem, ahh, eh i-ikaw??" pambubulabog ko sa katahimikan.
"Ha? Ako?"
Ah hindi, hindi! Siya, siya yung kausap ko.
Malamang ikaw! Tayo lang naman yung nandito eh.
"Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Ahh, heto, bumili diyan sa kanto ng pagkaing pwedeng baunin." sabi niya sa'kin habang pinapakita ang hawak-hawak niyang coke litro at ilang chips.
"Ahh I see. Para ba 'yan mamaya?"
"Hindi, para to sana kahapon, pwede ring para bukas." sabi niya sa'kin sarcastically.
Tse, nagtatanong lang naman eh. >.<
"Ewan ko sa'yo." sabi ko na kunwari'y nagtatampo.
Sinuntok niya lang ng mahinang-mahina ang balikat ko sabay sabing,
"To naman, parang di ma-joke. E ikaw? Anong baon ang dala mo?"
"Doughnuts lang." nauutal kong sabi habang pinapakita ang isang dozen na karton ng doughnuts.
Tumango lang siya at ngumiti tsaka nagsabi ng "Ah okay."
Di pa rin siya tumitigil sa kakatitig sa'kin.
Ang awkward na talaga as in! Pwede bang tusukin ko 'tong mata niya at ikutin para sa ibang direksiyon na lang siya tumingin?!
"J-Jim, punta na tayo sa Kasachi." pagpuputol ko sa awkwardness between sa'ming dalawa.
Tumango naman siya tsaka tumayo at naglakad papuntang Kasachi.
Mas nauna ako ng ilang hakbang sa kanya, kaya di niyo masasabing sabay kaming naglalakad.
Nakakapanghinayang ang friendship na nabuo namin ni Jim.
Dati, ang saya-saya pa namin at walang pake sa buong universe kung magkulitan man kami.
Dati pag inaasar niya ako, di ako nahihiyang batukan siya, sipain siya, sapakin siya, itulak siya sa bangin, ipakain siya sa mga pating at kung anu-ano pang klaseng pag-totorture gawin ko sa kanya, pero ngayon, nahihiya na ako sa kanya tuwing kami lang dalawa ang magkausap.
Siguro na-feel niya rin na ang cold ng trato ko sa kanya, at kahit di niya pa sabihin sa'kin, kitang-kita ko na nahihirapan na siya at nalulungkot sa kinahantungan ng pagkakaibigan namin.
Ang dami na talagang nagbago, pero ganun pa rin si Jim.
Kaya mas lalo akong nagui-guilty eh.
Erase Erase! Tigilan mo na nga ang pagiging makonsensiyahin mo, May!
Ang importante ngayon ay may Mark na laging nandiyan para protektahan ka, para pasayahin ka, at higit sa lahat, nandiyan si Mark para mahalin ka.
Kaya tigilan mo na ang drama ek-ek mo, oki?!
**
Nang makarating na kami ni Jim sa Kasachi, agad kong hinanap si Mark.
Wala siya dito sa labas, kaya obviously nasa loob siya.
"Bheib! Di ka man lang nagsabi na nandito ka na!" sabi ko sa kanya habang nakaupo sa bakanteng upuan sa gilid niya.
"Kanina pa kita diyan tinitext at tinatawagan, di mo naman sinasagot!"
Huh? Ano ang problema neto!? Ba't parang galit siya kung makapag-usap?
"Wag ka ngang High blood! Sorry lang, ok? Nakalimutan ko kasing i-check cellphone ko at naka-silent mode pa to kaya di ko napansing nagtetext ka na pala at tumatawag." sabi ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako at saka lumakad palabas ng Kasachi.
"Huy! Saan ka pupunta?!" sigaw ko sa kanya.
"Pupunta ng Mt.Everest!!"
"ANO?!" Bwiset talaga to oh! Panira ng araw! EEEEHHH!! (>m<)
"WALA! Diyan ka na lang! Babalik din ako!" sabi niya.
Di na ako nakapagsalita ulit dahil tuluyan na siyang umalis.
Nireregla ba yun?! Bakit ang init ng ulo nun!? Puchek, enebenemenyeng si Mark!
Ina-atake na naman ata yun ng pagiging bipolar niya!
Tutal wala naman akong kasama sa table ko dahil nilayasan ako nung kumag na Mark na iyon, nilapitan ko na lang sina Angie at Chin sa kabilang table.
"Oh? Anong nangyari sa'yo? Ba't nakakunot naman yang noo mo?" tanong ni Angie.
"E kasi yung unggoy na 'yun eh! Bigla na lang uminit ang ulo!" sabi ko.
"Sino ba namang hindi iinit ang ulo pag nakita niya yung girlfriend niya na kasama ang ex manliligaw niya, aber?" wika ni Chin.
"Ha? Sino? Si J-Jim ba?!" - nauutal kong tanong sa kanila.
"TUMPAK!" sabay nilang sabi.
"Oh talaga?! Wala namang malisya kung nagkataon lang na magkasabay kami ni Jim na pumunta dito! Tsaka, paano niya nakita, e nandito kaya siya sa loob kanina!"
"Hay! May mga bagay kasi dito sa mundo na kung tawagin natin ay bintana." natatawang sabi ni Chin.
Tengeneks! Malapit pala ang table niya kanina sa bintana kaya naman pala nakita niya kami ni Jim na magkasama papunta dito sa Kasachi!
E ano namang masama dun?! Magkaibigan lang naman kami ni Jim ah, tsaka past is past nga di ba?
Magsasalita na sana ako ngunit biglang may nagsisigaw sa labas.
"ARAAAAAAAY! PESTE KA! ANG SAKIT NUN! BWISET!! ARAY! HUHUHU!"
Boses yun ni Cristy ah?! Ba't siya sumisigaw?! At lalong ba't siya umiiyak?
At dahil nga true friends kami ni Cristy, lumabas kami ni Angie at Chin para tignan kung napano ang kaibigan namin.
Naabutan naming nagbabangayan sina Cristy at Rey.
Oh no! Heto na naman ang dalawang to! Hindi ba titigil ang mga to?! Halos araw-araw na ata silang nag-aaway ah. Destined talaga ang mga to, destined to be mortal enemies! HAY!
"PESTE KA TALAGA REY! IMPAKTO! NEGRO! POSONEGROOO! ARGH!" sigaw ni Cristy habang nakaupo sa sahig.
"Cris! Anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka na nga!" sabi ko sa kanya.
"Ano ba nangyari?? Ba't ka sumisigaw?!" nakisali na rin si Angie.
"Sinong impakto?! Negro?! Posonegro?! HA?!" ang kulit din ni Chin eh.
"CHE! E kasi tong lalakeng to!" sabi niya habang turo-turo si Rey na nakangisi. "Akalain mo bang pinisil niya ang braso ko! Ang sakit kaya! Namaga na tuloy! Boyset!" sabi niya.
-______- Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari.
"Hay nako! Tama na nga yan, tumayo ka na diyan. Para kang bata." sabi ni Angie sa kanya habang tinutulungan niya itong tumayo.
"Hahaha! Masakit ba? Haha! Wawa naman! Nge nge, nge nge nge!" - pang-aasar ni Rey kay Cristy.
"Hoy Rey sumusobra ka na ha, pati ba naman babae pinapatulan mo?" sabi ko sa kanya.
"Ha?! Babae ba ang tingin mo diyan?! E ang lakas-lakas ng hampas niya sa likod ko eh! Nagkasugat-sugat pa nga oh!" sabi niya habang pinapakita ang mga sugat sa likod niya na parang kinamot ng pusa.
"Alam niyo para kayong mga bata! Cristy pumasok ka na nga dun, at ikaw naman Rey, ke lalaki mong tao, sana hinaayan mo na lang ang kaibigan namin." marahan kong sabi sa kanila.
"Yun naman ang di pwedeng mangyari! Ano!? Sisirain ko na lang ng ganun ang dangal ko?! Aba, di pwede yun!"
O_______________O
Ngangung Rey. May pa-dangal dangal pa tong nalalaman. Hay jusko po!
**
"Hey guys! We're here! May jeep na kaming nahanap na pwedeng rentahan papuntang Skyway Avenue Resort!" sabi ni Via habang nakasakay sa likod ng jeep kasama sina Jomel, Rey at Jacob.
Isang jeep lang ang kinuha nila kasi konti lang naman sa'min ang sasama sa farewell party. Yung iba naman ay nauna nang pumunta ng resort.
Nilagay na namin ang mga gamit namin sa loob ng jeep at sumakay.
Tumungo na kami sa Skyway Avenue Resort!
Yeeee! Amasoexcited! ^_^
**
One hour lang ang biyahe papuntang Skyway Avenue Resort, and yeah! Nandito na kami.
Agad naming kinuha ang mga gamit namin sa jeep at pumasok sa resort.
First time ko makapunta dito, bago lang kasi ang resort na to. Ang cute! Parang made for children and teenagers talaga.
May mga malalaking kubo na nakapaligid sa malalapad na swimming pools. Meron din mga cottages at rooms sa likod in case gusto mong mag-overnight dito sa resort.
Andami ring slides! At may mga designs pang octopus at isda ang mga slides nila.
May mga higanteng statues rin nina Ursula at King Triton sa tabi ng mga pools, yung mga characters sa Little Mermaid, kilala niyo naman siguro yun. At syempre, may Ariel ding statue sa gitna ng kiddie pool.
Basta! Ang cute talaga ng resort na to, kaya lang masyadong madaming tao yata ang narito ngayon?
Saturday kasi, kaya ganun.
Pero buti na lang nakapag-reserve na kami ng kubo kahapon, tapos yung isa naming kaklase, yung si Melvin, yung gumanap na Clark sa MV namin?Naalala niyo siya?
Kasi nagpa-reserve din siya ng dalawang bedrooms dito sa resort para lang sa batch namin. Ang yaman-yaman niya no?!
May plano kasi silang mag-overnight ngayon dito sa resort, well obviously di ako pinayagan.
Alam niyo naman ang buhay ko, masyadong boring at mahigpit.
Wala akong magagawa kung ipinanganak ako na parehong killjoy ang mga parents.
Hay! Pero buti na lang at pinayagan ako na manatili dito hanggang alas cinco ng hapon.
Swak na swak sa'kin yun, at least may konting time ako para enjoyin ang last day of being a Sophomore ko di ba?
"May! Tara! Swimming na tayo!" sabi sa'kin ni Tricia habang naglalagay ng sunblock sa braso niya.
"Mamaya na. Tinatamad pa ako eh. Kayo na muna." sabi ko sa kanya.
"Ganun? Sige, Ikaw bahala!" sabi niya sa'kin.
Pagkatapos niyang maglagay ng sunblock, agad na siyang tumakbo papuntang pool kasama ang iba naming kaklase.
Excited na sana akong magswimming kaya lang nakakabadtrip eh, di pa rin ako pinapansin ni Mark. Nasa tabi ko lang siya, nakikinig ng music at nakapikit. Bwiset.
Hoy! Pansinin mo naman ako dito oh!
"May, chips oh." sabi sa'kin ni Jim habang binibigay ang favorite kong Chippy na kulay green.
Nyak! Ano ba naman tong si Jim, lagi na lang sumusulpot.
"Ha? thank-" bago pa ako matapos sa pagsasalita, hinablot na ni Mark ang chippyng hawak-hawak ni Jim.
"Ano ba! Akin yan eh!" sabi ko kay Mark.
Puchek, sa'kin yan eh. Ba't niya kinuha?! At sa pagkakaalam kong, ayaw niya ng Chippy na kulay green! (>m<)
"Akin na lang to Jim ha? Salamat!" sabi ni Mark kay Jim.
"Eh! Kasi naman eh! Sa akin dapat yan eh, favorite ko yan eh." bulong ko sa sarili ko.
Nakakainis ka talaga Mark!
Ang chippy ko! Huwaaaa!
"Meron pa ditong extra green Chippy May, sa'yo na lang." sabi sa'kin ni Jim sabay abot ng Chippy.
"Wag na Jim." biglang sabi ni Mark sa kanya. "May, halika. Dun tayo."
Hinigit niya ako papunta sa side ng pool kung saan wala masyadong tao.
Ang sakit na ng kamay ko na hawak-hawak niya.
Ang higpit talaga!
Baka ma-trap yung dugo ko dito. Ugh, ano ba naman kasi ang pumasok sa ulo ng isang to at hinigit niya na lang ako bigla?!
"Mark, pwede mo na akong bitawan. Ang sakit na ng kamay ko!" sabi ko sa kanya.
Agad naman siyang bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ko.
Di siya tumitingin sa'kin, sa halip ay nakatingin siya sa malayo, sa malayong malayo!
At nakalagay pa rin ang earphones niya sa tenga niya. Tss.
"Huy, ba't tayo nandito?" tanong ko sa kanya.
Aba aba? Di man lang siya lumingon para kausapin ako? Dedmahin ba naman ako? Grrr!
Ano pang silbi ng pagkaladkad niya sa'kin dito kung tatayo lang siya diyan sa tabi at makikinig ng music sa cellphone niya?!
HELLO!? MAY TAO KAYA DITO!
Di ko na mapigilang di mapikon sa mga pinanggagawa niya, kaya hinablot ko ang cellphone niya at natanggal ang earphones sa tenga niya.
"Ano ba?!"
"Ano ba kasing ginagawa natin dito!?"
"Akin na nga yang cellphone ko!"
Pinipilit niyang kunin ang cellphone niya sa kamay ko pero inilayo ko ito sa kanya.
Pero di rin nagtagal at nakuha niya to, ang haba-haba kaya ng kamay neto! Ano bang laban ko sa ma-lastikman niyang kamay?! >.<
"Ano ba kasi ang problema ha?! Ba't ba ang sungit-sungit mo?!"
"WALA!" sabi niya sa'kin.
Hay Lord! Pakitulungan naman tong taong to, mukhang nagkakasayad na ata. =__=
"ANONG WALA?! HINDI AKO TANGA NO!"
"OH?? HINDI KA NAMAN PALA TANGA EH! E DI GAMITIN MO YANG COMMON SENSE MO!'
Putik! Ano ba tong pinagsasabi ng unggoy na to?! Napipikon na talaga ako! Promise!
Nagtitinginan na ang ibang tao sa'min, err. E kasi naman eh!
Ba't ba kasi ang init ng ulo neto sa'kin ngayon?!
Pwede niya namang sabihin ang dahilan kung bakit galit siya di ba!? Naman oh!
"Diretsuhin mo na nga ako Mark, pinagtitinginan na tayo dito. Nakakahiya!" bulong ko sa kanya.
Pero di pa rin siya umimik! Nakakabadtrip talaga!
Magwa-walkout na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko.
"Ba't kayo magkasama ni Jim kanina?" mahina niyang tanong sa'kin.
"Ha?! E nagkataon lang yun no! At ano bang masama dun?!"
"Manhid ka ba?!"
"Ano?!"
"Ayokong makita ka ulit kasama ang ungas na yun! Naiintindihan mo ba ako?!"
"Ha? E bakit?! Magkaibigan naman kami ah!?"
Mwahahaha! Di naman talaga ako manhid, pero gusto ko lang patagalin ang bangayan namin kasi alam kong sasabihin niya rin ang magic words na magbibigay kilig sa katawang lupa ko.
Sasabihin niya 'yan maya-maya lang, hintay lang tayo ng konti. Mwehehe!
"Uy, ano ba!? Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, e di wag! Diyan ka na nga!" nagtatampo kong sabi sa kanya.
"Ayan ka na naman sa pagwa-walkout mo eh!"
"E ano ba kasi ang mali sa ginawa ko!?"
"Manhid ka ba!?Di mo ba nakikitang nagseselos ako tuwing magkasama kayo ni Jim!?"
Mwahaha! Sabi ko sa inyo eh. :""">
"Nagseselos ka? Bakit?"
"Kasi, k-kasi baka magkagusto ka ulit sa kanya."
Di ko talaga mapigilang di kiligin! Hayaan niyo na po, ang sarap kasing pakinggan na nagseselos siya. :">
"Di naman yun mangyayari eh." ani ko. "Kasi di naman ako magkakagusto ulit sa kanya. Di naman ako magkakagusto sa kahit na sinong lalaki."
Napansin ko na ngumiti siya, pero ilang sandali lang ay sumimangot na naman ito.
Naku, bipolar nga ang isang to. -____-
"Ah eh, basta! Ayokong lumalapit ka dun sa Jim na yun! Wala akong tiwala dun!"
"Opo boss. Di na po lalapit. So, di ka na ba galit?"
"Ha? S-Syempre galit pa no!"
Eh?Ano bang dapat kong gawin para di na magalit ang isang to.
Ang hirap naman tong i-please, daig pa ang babae sa pagiging hard-to-get. Hay nako!
"Wag ka na ngang magalit. Di na nga ako lalapit sa kanya di ba? Kaya bati na tayo, please?" nagpuppy eyes ako sa kanya, buti na lang gumana ito.
"Sige na nga. Halika na bheib, bihis ka na at mag-swimming na tayo!"
Ilang sandali lang ay natapos na akong magbihis.
Spaghetti strap lang na swimwear at cycling shorts ang suot ko. Ayokong inilalabas ang mga kayamanang itinatago ko sa loob.
Buti sana kung hugis coke in a bottle ang katawan ko, kaya lang coke in can eh. So mas nakakabuti sa lahat pag balot na balot ang suot kong swimwear.
Agad ko namang pinuntahan si Mark.
Lumusong na kami sa swimming pool, buti na lang 5ft ang lalim ng pool kaya abot ko, kahit na hanggang leeg ko na yung tubig sa pool.
Okay na yun no! Basta importante, labas ang ilong ko.
Pumunta kami kung saan nagswi-swimming din ang iba naming classmates.
Naabutan namin na nagkakaroon sila ng sort of laro na di ko alam kung ano ang tawag dun.
Pini-piggy back ride ni Luigi si Tricia habang si Jenny naman (kaklase din namin) nakasakay sa balikat ni Dan.
Tapos ayun, tinatry nina Tricia at Jenny na ilaglag ang isa't isa. Kung sino daw yung unang malaglag sa tubig, talo.
Alam niyo na yun!
"Sali tayo sa kanila bheib!" sabi sa'kin ni Mark.
"Ha?! E wag na! Ang bigat ko, di mo'ko kayang buhatin!" pagtanggi ko sa kanya.
E, totoo naman eh. Ambigat ko sobra, mas mabigat pa nga ako sa isang sakong bigas. Huuu!
"Sino bang nagsabi na ikaw ang sasakay sa likod ko. Bilisan mo na, tumalikod kana at ako ang mag-pipiggy back ride sa likod mo! Dali!"
Punyetz naman oh! Nang-aasar na naman ang isang to!
Di niya naman kailangan ipamukha sa'kin na mas mabigat ako sa kanya! Nakakawala na tuloy ng self-confidence! >.<
"Haha! Joke lang!" sabi niya sa'kin sabay peace sign.
Boyset, jokes are half meant nga di ba!
"Sige na, sakay ka na sa likod ko." sabi niya sa'kin habang nilalagay ang kamay ko sa balikat niya.
Tinanggal ko lang ito, at inirapan siya.
"Hindi mo nga ako kaya! Ang bigat-bigat ko! Wag na!"
"Ano ba akala mo sa sarili mo? Dambuhalang elepante?! Sige na, kaya naman kitang buhatin eh. Dati rati nga, pinipiggy back ride ko rin si Natalie nung magkaklase pa kami. Kaya sakay ka na, bilis!"
Bwiset naman oh! Ba't ba kailangan niyang i-mention ang lintang yun? Kung kelan naman nakakaget-over na ako between sa kanya at sa babaeng yun, dun niya pa naisipang banggitin ulit ang pangalan nun! (>m<)
"Ayaw ko nga sa-" Pero bago pa ako makatanggi, binuhat niya na ako at isinakay sa mga balikat niya.
"H-Hoooy! A-Ano ba!? Ibaba mo na ako!"
"Ang likot mo naman! Sige ka! Ihuhulog talaga kita sa tubig! Psh. Maglaro na nga lang tayo!"
Wala na akong magagawa kasi pag nagreklamo pa ako, baka ibagsak niya ako bigla sa tubig, e ayoko naman mangyari yun! WAAAAAA!
Kaya instead na bumaba ako sa pagpasan niya sa'kin, nakipaglaro na lang ako kasama ang iba naming kaklase.
**
Sobrang na enjoy ko ang araw na to! ^_^
Take note! First time akong binuhat ni Mark, at di man lang siya nagreklamo kahit alam ko namang nahihirapan siya, ang bigat ko kaya, pero di niya man lang ako binaba hanggang sa ako na mismo ang nagsabi sa kanya na ibaba niya ako kasi kakain na daw kami.
"May, bag mo ba to?" tanong sa'kin ni Via habang dala-dala ang bag ko.
Nandito ako ngayon sa isang empty kubo kasama si Mark, nakikipagkuwentuhan lang sa kanya, katatapos lang namin mag-swimming at nakabihis na kami. Kapagod! Pero masaya naman. ^_^
"Ah oo, akin yan. Bakit?"
"Kanina pa nagba-vibrate ang phone mo. Mukhang may tumatawag."
Kinuha ko ang bag ko kay Via tsaka hinanap ang cellphone ko sa loob.
Calling...
MAMA
"Sino yan?" tanong sa'kin ni Mark na nasa tabi ko lang.
"Ssh, wag ka munang maingay, tumatawag si mama. Wait."
Tumahimik naman siya habang sinasagot ko ang call ni mama.
"Hello, Ma?"
"BA'T DI MO AGAD SINASAGOT ANG CELLPHONE MO!?"
Eh? neknek naman eh, sigaw agad?
Di ba pwedeng huminahon muna siyang makipag-usap sa'kin? -___-
"Ha? Sorry po, Ma. Naiwan ko kasi ang cellphone ko sa bag ko at naka-silent to."
"BA'T MO INIIWAN YAN SA BAG MO!? MAY NAMAN! BAKA MANAKAW YAN!"
Mama naman eh. Wala ba sa bokabularyo niya ang salitang KALMA? Hay nako!
"E sorry po, bakit po kayo napatawag?"
"Nandiyan na si papa mo in 10 minutes. Kanina pa siya nakaalis ng bahay para sunduin ka. Kaya ayusin mo na ang mga gamit mo."
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.
4:50pm na pala. 5pm pala ang curfew ko ngayon. Hayssss! Ambilis talaga ng oras!
"Ah sige sige po. Bye."
In-end ko na ang call ni mama tsaka umupo ulit sa tabi ni Mark, nandito na naman bag ko.
Naayos ko naman ang lahat ng gamit ko kaya ang dapat ko na lang gawin ngayon ay hintayin si papa na dumating.
"Uuwi ka na bheib?" tanong niya sa'kin habang naka-pout. Yeee ang cute niya. :">
Tumango lang ako sa kanya at hiniga ang ulo ko sa balikat niya.
"Ma-mimiss kita bheib." bulong niya.
"Ma-mimiss din kita. June na naman ulit tayo magkikita."
"Di mo man lang ba ako bibisitahin sa'min?" tanong niya.
"Ha? E di ko pa nga alam kung saan bahay niyo eh."
Oo, hindi ko pa talaga alam kung saan nakatira ang mokong to, bawal naman akong magpagabi tapos ilang beses niya rin akong inimbita na pumunta sa bahay nila kasi daw ipapakilala niya na ako sa family niya, pero ako ang may ayaw dahil nahihiya pa ako.
Di pa ako ready na i-meet sila. Waa!
"Sige na bheib, please. Kahit saglit lang, gusto ka na talagang makilala ng family ko."
"Hmm. Sige, I'll try."
Ngumiti naman siya sa sinabi ko tapos muli siyang nagsalita;
"Bheib, wag mo'kong kalimutan ha!"
"Bheib naman eh, mga less than 3 months lang naman tayo hindi magkikita. Kahit ilang billion years pa yan, pangako ko sa'yong di kita malilimutan!"
"Promise mo yan ha?"
"Oo naman. Promise!"
Naks! Kami na ata ang pinaka-kesong couple sa balat ng lupa.
**
"Pre, matigil ko muna yang moment niyo ha, kasi nakita ko na yung sasakyan nila May sa labas eh." sabi sa'min ni Jomel.
Tumayo naman ako agad at kinuha ang bag ko.
"Alis na ako bheib, ingat ka lagi ha? Text ka sa'kin lagi ha?? At tumawag ka rin. Ok? Bye love you." sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
Nagpaalam na rin ako sa mga kaklase ko.
Si Via na lang at si Cristy ang isinama ko sa labas. Nagswi-swimming pa kasi hanggang ngayon sina Angie at Chin at di rin naman ako pwedeng ihatid ni Mark sa labas ng resort kasi baka makita pa kami ni papa, patay ako sigurado!
**
Di ko maiwasang di ngumiti habang nasa sasakyan. Naiisip ko pa rin kasi ang mga nangyari ngayong araw.
Ang pag-amin sak'in ni Mark na nagseselos siya kay Jim.
Ang pag-piggy back ride niya sa'kin sa pool.
Ang pagsabi niya na ma-mimiss niya ako this summer.
Ang pagsabi niya na pumunta daw ako sa bahay nila ngayong bakasyon kasi gusto na ako ma-meet ng family niya.
Hay! Nakakatuwa talaga at nakakakilig.
This is one of the best ways to end my school year.
I spent it wisely and happily with Mark.
BINABASA MO ANG
Opposites Attract (COMPLETED) Tagalog
Novela JuvenilThe best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time. Opposites Attract is based on a true story between two worlds apart High School students, who fell in love with each other despite their differences. They've...