Chapter 20: Yahoo Messenger

3.9K 42 1
                                    





a/n: WARNING: Masyadong mahaba ang chapter na to.


Yo, kamusta po kayo? I just wanna say thank you so much sa mga nagbabasa ng story ko. :)


Please leave some comments, tell me what you think about this story.


God bless everyone. :)



--------------------------------------------------------------------------------------------





**CHAPTER TWENTY**



It's been a week already since the last time I saw Mark. I know it was just a week, but it feels like years. I miss him terribly.




One week na kaming hindi nagkikita.

Gusto ko nga sanang lumabas ng bahay pero di naman ako pinapayagan, kaya no choice, text messaging na lang ang tanging way of communication namin tsaka Friendster.




And speaking of Friendster, ngayon ko lang naalala na isang buwan ko na pa lang di napapalitan layout ko, kaya agad kong in-On ang computer at chineck ang Friendster ko at saka nag-search ng mga Oh-so-fantastic layouts na pwede kong gamitin sa Friendster profile ko.


Pero bago yan, matingnan ko nga muna ang profile ni Mark.




Hmm. Wala namang bago dito sa prof niya. Ganun pa rin except sa relationship status niyang "in a relationship" na dati ay "single" pa.



Napalitan niya na rin ang featured friends niya, at syempre sino pa ba ang ilalagay niya dun, e di sino pa ba? Yours truly. ^_^





Speaking of featured friends, sino nga yung girl na featured friend niya dati? Nung bago pa maging kami? Ano nga ba name nun?



Jenny? Janna? Jessie?


Hay basta yun na yun!

Nakalimutan ko kasing tanungin si Mark tungkol dun pero di bale na lang, di naman yun masyadong importante.





"♪ Soft kiss and wine

What a pretty friend of mine

We're finally intertwined

Nervous and shy

for the moment we will come

alive tonight

Secret valentine....."




Cellphone ko ba yun? (?___?)





"......We'll write a song

That turns out the lights

When both boy and girl start suddenly shaking inside

Don't waste your time

Speed up your breathing

Just close your eyes

We'll hope it's for nothing at all. ♪
"





Nyay! Cellphone ko nga!



Di lang ako sanay na tumutunog ito kasi lagi tong naka-silent mode, ngayon ko lang nilagyan ng ringtone tsaka message alert tone kasi bakasyon naman tsaka wala naman siguro may maisitorbo kung sakaling tumunog to di ba?



(Hep! Commercial break muna! :D Fave song namin to nung 2nd year pa kami. Secret Valentine by We The Kings, familiar naman siguro kayo sa song na to, di ba? hehehe! Yun lang. :D)




Kinuha ko agad ang cellphone ko para tignan kung sino ang tumatawag.




Neknek, message alert tone pala yun?Ang haba naman.

O__O




Sino kaya tong nagtext? Matingnan nga.




From: Bheib ko <3



Nyek, oo na. Ako ang naglagay ng name na yan sa phonebook ko. Wag niyo na akong pagtawanan, ganyan lang talaga pag inspired at in love ang isang tao, nagiging cheesy. ^m^





"Hey bheib! Good morning! :)"




Nyak! Ngayon lang ba to gumising? E mag-aalas dose na ng tanghali ah?





"Good morning din bheib. Ba't tanghali ka ng nagising?"





"Napasarap tulog ko eh. Napaginipan kasi kita."






"Ulol! Puro ka banat. Kain ka na diyan bheib. Wag magpagutom."





"Sige bheib, thanks. Btw, pag di na ako makapagreply, ibig sabihin nun expire na unli ko ha?"




"Wala ka ng load?"





"Wala na eh. Next time na lang ha? Paubos na kasi allowance ko. Sige na bheib, bye. I love you. :)"




"Hay. Ok, I love you."




Tss. Di na kami makakapag-usap ngayong araw. E pano yan?


Di ko naman siya pwedeng bigyan ng load kasi wala na rin akong pera. Bakasyon kasi kaya walang allowance.





KFine. Maghihintay na lang ako kung kelan siya ulit magtetext.



Amboring pa naman dito sa bahay, walang makausap. >.<




Binalikan ko na lang ang ginagawa ko sa computer.




Wala pang 5 minutes nang may tumawag sa telepono namin. Ako na ang sumagot nito since nasa tabi ko lang naman to.




"Hello good-" tinignan ko muna ang orasan kung morning pa ba o afternoon na.



"Hahaha! Uy! Good morning pa lang! 3 minutes to 12 pa lang!"




Si Via lang pala. -___-




"Tse! Di ka nakakatawa."




"Hahaha! Hay naku May! Ang slow mo!"




"K, ako na ang slow. Anong kailangan mo?"




"Suplada neto! Wala lang. Gusto ko lang tumawag."




-__________-

Walang rason pero tumawag? Ano yun?




"Ok ka lang?"





"Haha! Ano ka ba! I was just kidding. Ano ako, shunga?Tatawag ng walang dahilan? Tss."





"Eh ano kasi pakay mo?"





"Ah kasi, nagfre-friendster ako dito. Saan bang magandang website na pwedeng pagkunan ng layouts?"





"Friendster-layouts.com, yun lang alam ko eh. Search mo na lang sa google."





"Oh Ok, thanks! So kamusta ka na?"





"Heto, bored to death."




"Same here. E kayo ni Mark?"





"Ayun, ganun pa rin. Malungkot."





"Bakit? LQ na naman kayo?! Not again!"





"Pag malungkot, LQ na agad?"






"E ano naman bang problema niyo?"






"Wala siyang load. Di kami makakapagtext mamaya."






"Yun lang?!"





"Anong yun LANG? Di basta basta nilaLANG yun ha."






"Ok ok. Sige, ikaw nang in love! E, bakit di niyo i-try mag-usap online?"




"E ano? Friendster?"






"Not necessarily, pero pwede na rin. Mas maganda kung chat, like Yahoo Messenger or MSN."

(Di pa uso Skype at Facebook dati. :P)




"Yahoo Messenger? Meron na akong account diyan. Di ko lang alam kay Mark."



"Oh, e di gawan mo siya! May internet connection naman sila sa bahay nila di ba? So YM na lang kayo para free!"




"Sige, sasabihan ko siya mamaya. Thanks Vi!"




"Yeah sure, no problem. O, sige I'll talk to you later. Tinatawag na ako for lunch. Bye!"





"Sige, eat well! Bye."



Nang mag-hang up na si Via, kinuha ko ang cellphone ko tsaka nagtext kay Mark.




"Bheib, gawan kita ng YM ha? Dun na lang tayo mag-usap para walang gastos. Please reply ASAP!!!"



Demanding o di ba? Bakit?

May karapatan naman ako kasi girlfriend niya ako! Pero joke lang. Di naman ako demanding eh, go with the flow nga ako.

Kaya girls, pag may boyfriend kayo, wag masyadong demanding ha, kasi nakakasakal yun sa part ng boyfriend niyo.



Learn to respect and accept your individual differences and similarities. Wag niyong asahang sila pa yung mag-aadjust at magbabago para sa'yo.


Minahal mo boyfriend mo bilang siya, at hindi dahil may plano kang baguhin ang pagkatao niya.



Basta ganun! Kayo na lang bahalang umintindi.





"♪ Soft kiss and wine

What a pretty friend of mine

We're finally intertwined

Nervous and shy

for the moment we will come

alive tonight ......"





Salamat naman at nag-reply siya.


From Bheib ko <3


"Ok bheib. Kaw nang bahala. Text mo sa'kin ang username at password pagkatapos ha? Last text na po to, wala na talaga akong load. I'll be online around 3:00pm. Ok? Eat your lunch. I love you."





(♥ m ♥)



"Ok bheib. Ikaw din. Text kita after nito. I love you! :*"





**


After lang ng 10 minutes, ay nagawan ko na si Mark ng YM account.



Tinext ko sa kanya ang username at password ng account niya tsaka ko na lang siya hihintayin mamayang 3 ng hapon.





**



*3:00 p.m*





Agad kong ni-log in ang YM ko pagsapit ng 3pm. Tinignan ko kung online na ba siya, ilang minuto lang ay nakita ko na ang pangalan niya na nag-pop up sa monitor screen.



Napangiti naman ako ng bongga kasi makakapag-usap na kami.




Halos 3 oras din ang tinagal ng pagchachat namin. Ayoko pa sanang magbabye kaya lang dumating na si Kuya galing trabaho, meaning it's his turn to use the computer.



Ugh, bitin talaga! Pero ayos lang, kontento naman ako na nakapag-usap na kami ngayong araw.


All thanks to technology! Without technology, marahil ay di kami nakapag-usap kanina!

(LOL Jamich lang??! Watch 'Thailand Long Distance Relationship' by Jamich, starring dun ang baby Mario Maurer ko. neknek lol)



**



After a week...



"Bakit di pa kaya online yung kumag na yun? 4:30pm na ah?" - bulong ko sa sarili ko.




Kanina pa ako nakatingin sa monitor screen at hinihintay na umappear ang pangalan ni Mark.



3:00pm usapan namin, pero until now offline pa rin siya. Ano naman kaya nangyari dun?


Tinitext ko siya, di naman sumasagot. Psh. Naiinip na ako dito ha. Humanda talaga 'yun mamaya pag nag-online siya!




*after 5 minutes*




WALA PA RIN.







*after 10 minutes*





WALA PA RIN...





*after one hour*





WALA PA RIN!





*after 17639483257043702134127...... years,



WALA PA RIN!!!





Ugh! Sobra na talaga to! Sana nagpaalam muna siya kung di siya makakapag-online kesa pinaghintay niya ako dito sa harapan ng monitor na parang tanga!



Maka log out na nga ng account. Matignan ko nga yung YM niya.


Hmm, alam ko naman ang username at password niya kaya pwede kong buksan YM account ni Mark.


Pero, ok lang naman yun di ba? Curious lang naman ako kung sino mga nakachat niya eh.

Alam ko naman ang salitang Privacy, pero wala namang masama kung titignan ko lang sandali ang account niya, di ba?




At saka ano bang problema dun? E girlfriend niya naman ako. Masama bang i-check from time to time ang mga bagay-bagay na ginagawa niya?



Mali bang maging curious kung sino mga nakakausap niya maliban sa'kin?



Ayos lang yun, di ba? Di ba? hehe ^_^






Psh, bahala na. Lolog-in ko na to ha? Tutal, boyfriend ko naman siya eh, kaya i-set aside na lang natin yung privacy2x na yan. :P



Username: Manalo.Mark

Password: **********




Tagal namang mag-load! >,<





Ilang sandali lang ay naka-log in na ako sa YM niya.



May mga common contacts kami, halos lahat magkakapareho maliban sa isa.



Sino kaya tong JDy_93?



Nang in-open ko ang contact na yun, napag-alaman kong Jessica Dy pala pangalan ng may-ari ng JDy_93.





Jessica Dy?




Hmmmm?



Saan ko nga yun narinig pangalan niya?



*processing*



Loading pa utak ko....






50%






99%






100%


AHA! Naalala ko na! Siya yung nakita ko sa friendster profile ni Mark dati.



Yung kaisa-isang featured friend niya. Tama! Siya nga yun!




Tengene, nakalimutan ko namang tanungin si Mark tungkol dito. Nagkaka-memory gap na ako, kelangan ko na talagang uminom ng sustagen premium. -_-




Sino kaya tong Jessica Dy na to? Ba't nakasama siya dito sa contact list ni Mark sa YM?




Hmm, may naamoy akong sobrang malansa.



**



Naputol na lang ang pag-iisip ko nang biglang nag-ring ang teleponong nasa tabi ko.




"Hello, good afternoon."




"Hello, nandiyan ba si May?"





"Via, kaw ba to?"






"May!!!"





"Aray naman! Ano? Ba't ka napatawag?"





"Kinikilig ako!!! Syet!!!!"





"Via pwede bang hinaan mo naman boses mo, mabibingi na ako dito eh. Ano bang nangyari?!"




"Oops, sorry! E kasi, e kasi ano! Kinamusta ako ni Jomel sa text! Akalain mo bang siya pa ang naunang magtext! Oh gosh! Grabe! Nakakaloka!!!"





"Hey, kumalma ka nga! Parang ganun lang eh."





"Whatever! Kinikilig pa rin ako!"






"Uy Via, alam mo namang may girlfriend na yung tao."




"Syempre alam ko no! Crush ko lang naman siya eh. Hayaan mo na."






"Sabi mo eh."




"Oh? Ano bang nangyayari sa'yo? Ba't parang bad vibes ka ata?"





"Ha? Hindi no."





"Uy May Luisa Ortaleza, wag ka na diyang in denial! 8 years na tayong magkaibigan, kilalang-kilala na kita!"




Tsk, di talaga ako makakalusot kay Via. >.<




"Sige na nga. Iniisip ko lang kasi kung sino tong Jessica Dy na to."






"Sino?"






"Jessica Dy."





"OMG! You know her?!"




"Oo kilala ko, kaya ko nga tinatanong di ba? Malamang kilala ko to."






"Ay! Pasensya na! Wrong number! Akala ko kasi kilala mo eh."




"Bakit? Kilala mo ba?"






"Um, yeah I know her maybe?"






"Talaga? Sino siya?"






"E di si Jessica Dy."





"Ah, the number you have dialed is out of coverage area, please try again later! Bye!"





"WAIT! Ito naman, nagbibiro lang eh. Yup, I know her. I'm familiar with her name. Basta, wag mo'kong tanungin tungkol diyan. Si Mark na lang tanungin mo."





Huh? Paano niya nalamang may kinalaman tong Jessica Dy na to kay Mark?

Di ko pa naman nababanggit kay Via na nakita ko tong si Jessica Dy sa YM contact list ni Mark ah? Weird. o_O





"Ha? Via naman eh, sabihin mo na." sabi ko sa kanya.





"But I'm not the right person to tell you about this."




"Ganun? Di mo pala sasabihin? Ok, akala ko pa naman bestfriends tayo for 8 years Vi! 8 years!"




Haha! Akala niya siya lang marunong mangblackmail ha? Tignan lang natin kung isasara niya pa rin ang bibig niya tungkol dito. Mwehehehe! (>m<)





"Fine! Sige, sasabihin ko na! But promise me NOT to do anything crazy or even overreact regarding this issue, Ok?"





"Yeah, yeah. Promise!"




Sinabi sa'kin ni Via na nililigawan daw dati ni Mark si Jessica Dy. Kung kay Via pa, 'Mark is super attached and crazy about her!', pero dati pa raw yun, before niya ako nakilala.




"How did you know about this Vi?" - nagtatakang tanong ko sa kanya.




"Remember nung 2nd week of school, di ba may pinagawa sa'ting skit si Sir Geof for our Religion class? Groupmates kami that time ni Mark. I was the leader in the group, and during those times, medyo tahimik pa yang boyfriend mo."- sabi niya.





"O tapos?"



"Then, he wasn't cooperating with the whole group. Habang nagpa-practice kami ng skit, panay ang text niya. So since napikon ako and I'm in charge, I've decided to confiscate his phone."




"Ha??l E, anong connection nun kay Jessica Dy?"
- naiinip kong tanong.






"Can you just wait muna? Di pa ako tapos."





"Oh sorry, sige go ahead."




"So yun nga, kinuha ko ang cellphone niya. Nagalit siya. Sinabi niyang nag-uusap pa daw sila ni 'Jessica'. Pero wala naman siyang magawa kasi ako naman yung leader which means, ako ang masusunod. After our practice, binalik ko naman ang cellphone niya at nag-sorry. He told me it was okay and he also apologized for yelling at me. Then I asked him who's that Jessica girl he's texting, and then he told me everything. Everything about that Jessica. So tell me, paano mo naman nakikila ang babaeng yun?"



Di ako makagalaw sa narinig ko. Parang dumilim ang paligid ko. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong binuhusan ng ilang galong malamig na tubig kaya naninigas ako at nanginginig.


Ang bigat sa puso, dre!




Jessica Dy is a part of Mark's past. Why didn't he tell me about this? And why the heck is Jessica's name on Mark's YM contact list?




I made his YM account jus a week ago, and I can't understand why there is a Jessica Dy on his contact list.



Was he the one who added that girl?Nag-uusap ba sila hanggang ngayon? But why?




Via told me na wala na raw nararamdaman si Mark para sa Jessicang to, then tell me, how will you explain yung nasa YM niya?



Ouch, ang sakit na talaga.



T_______T




"Hey, still there?!" asked Via.





"Ah y-yeah, nandito pa ako. Vi, mauna na ako ha? Gagamit pa si Papa ng landline. Thanks by the way, bye."- pagpapalusot ko kay Via.




Tinignan ko muli ang contact list sa YM ni Mark. In-open ko ang username ni Jessica, wala naman silang conversation.



Baka deleted na? Baka ni-remove na ni Mark?



Pero hindi eh, dapat pagkatiwalaan ko boyfriend ko kasi mahal ko siya.


Pero di ko maiwasang magduda.




Siguro kailangan ko na talagang kausapin si Mark tungkol dito.



But he's offline, hindi naman siya sumasagot sa texts ko. Maybe it's better to call him na lang mamayang gabi, eventhough takot akong tumawag sa kanya since di naman soundproof ang kwarto ko at magkadikit lang ang kwarto namin ni Kuya, pero wala nang panahon para alalahanin ko pa ang tungkol dito.



Pumunta na ako sa room ko tsaka tinawagan si Mark.


After 3 rings, sinagot niya na rin sa wakas.


"Bheib? Napatawag ka?"




Langyang amfufung Mark na to, presko pa rin kung makapag-usap! E, ilang oras din akong naghintay sa kanya sa YM ah!






"Bakit di ka nakapag-online?!"





"Ah, eh kasi bheib, sira computer namin ngayon, pinaayos nga namin kanina eh. Sorry talaga ha?"






"K. May tanong ako."





"Ano yun?"





"Ka-anu ano mo si Jessica Dy?"








"H-ha?Anong ibig m-mong sabihin?"





"Wag ka nang magpaligoy-ligoy Mark. Diretsong sagot kelangan ko!"




"She's-- Jessica is, she's just someone special to me-"



Araaaay! Aray NAKOOOOO OHHHHH.

TT___________TT



"......pero dati pa yun. Ngayon, wala na yun. Wala na akong pakealam sa kanya kasi ikaw na mahal ko."- pagdugtong niya sa huli niyang sinabi.




"Bakit nasa contact list mo siya sa YM?"




"Ha? Teka! Pinakealaman mo ba YM ko?"





"Di ba pwede?! Ako ang girlfriend mo di ba?"




"Di naman sa ganun,pero-"





"Pero ano?!"





"Let me explain, pwede? It was nothing. Di ko nga siya pinapansin eh. She's the one who added me."






"Mahal mo ba siya?"




"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang mahal ko!"





"Sagutin mo na lang tanong ko!"





"Ha? Hindi! Hindi ko na siya mahal!"






"You still talk to her during the first few weeks of the school year. Tell me, nang nililigawan mo ba ako, seryoso ka sa'kin?"
- gusto ko nang umiyak at this point of time.




"First week of July, sabi niya sa'kin na, n-na tigilan ko na daw ang panliligaw ko sa kanya kasi nagkabalikan na sila ng ex niya." nararamdaman ko na parang may halong lungkot at galit sa boses niya habang sinasabi niya to.



"Okay. After a week, niligawan mo na ako. Sabihin mo nga sa'kin, niligawan mo lang ba ako para makalimutan s-siya?" - T_T muntikan na akong mapiyok pero pinigilan ko.




"M-May, bheib, wag mo naman yang sabihin."





"S-Sige, I have to go. Bye."




"Wait....."






Di ko na siya pinatapos kasi baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.




Panakip-butas lang ba ako? TT______TT





***


Lumipas din ang ilang araw pero di pa rin ulit kami nakapag-usap ni Mark. Napakalungkot ng pasko ko ngayon. December 24 na at ilang oras na lang, Christmas na.



Nandito ako ngayon sa kwarto naghihintay na sumapit ang pasko. 11:00pm na ang oras sa cellphone ko, isang oras na lang.



Ako lang mag-isa sa room ko, nasa sala kasi sina mama, papa at ang dalawa kong kuya, nanunuod ng Tv, habang ako, nagmumukmok dito.



Bakit di niya man lang ako kinontact after ko siyang binabaan ng tawag?


Ayaw niya bang magpaliwanang?

Masyado ba akong pa'hard-to-get? I can't help it since madami pa rin ang gumugulo sa isip ko.



Hay! Ito na siguro ang epekto ng kapapanuod ko ng mga madadramang teleserye sa Tv, kaya ganito ako kung mag-emote! T^T



Bakit ba ang dami-daming pagsubok na dumarating sa relasyon namin ni Mark? Di pa kami umaabot ng 1 year pero andami nang nangyari.



"♪ I'm throwing away pictures
That I never should have taken in the first place
And it's cold in my apartment
As I'm changing all the colors
From the brightest reds to grays.....





Cellphone ko ba yung tumutunog?? E ba't iba ang kanta? (>,>)





".....Well it's 3 o'clock on Monday morning
I'm just hoping you're not seeing his face
I've been getting calls in these hotel rooms
Long enough to know that it was him that took my place....♪
"



Kinuha ko ang cellphone ko na nasa itaas ng study table ko, akala ko text lang, may tumatawag na pala.





Si Mark?!







O________O

BUT WHY!?





Tinititigan ko lang ang cellphone ko na parang walang balak na sagutin ang tawag galing kay Mark.




But in the end, sinagot ko na rin to. Sabagay, miss ko na rin boses niya kahit papano.





"Bheib? Salamat naman at sinagot mo. " sabi niya sa kabilang linya.




"Ba't ka napatawag?"malamig kong tanong sa kanya.




"Bheib, I'm so sorry kung di kita kinakausap nung previous days. Sobrang busy lang talaga kami ng pamilya ko dahil nagsidatingan mga relatives namin galing Cebu, magkakaroon kami ng reunion bukas."





"Ahh okay."
sabi ko sa kanya na parang nagpapahiwatig na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. Puro lang excuses.



Baka naman busy ka lang sa kachachat kay Jessica Dy?! Ayaw pang aminin!



"Bheib, wag ka nang magalit..."




Nagkaroon ng long pause after niyang magsalita.


Walang may umiimik sa'min, naiinip na ako kaya napagpasyahan kong i-end na lang ang call niya pero nagulat ako when he started humming something.





"♪ There's just one thing I need
I don't care about the presents
Underneath the Christmas tree
I just want you for my own
More than you could ever know
Make my wish come true
All I want for Christmas is.......YOU!"




Toink! Tama ba ang narinig ko? Kumakanta siya?



All I want for Christmas is You pa yung kanta niya?! Hahaha!


Di ko mapigilang matawa, kanina pa nga ako nagpipigil dito eh, baka marinig niyang tumatawa ako. mweheheheheh!



"Ayy, hehe. di mo ba nagustuhan? O sige, ito na lang. Hindi to Christmas song, pero ang kantang 'to ay alay ko sa'yo, makinig ka ha?"





Anong nangyari sa kumag na to?Ambaduy ano ba yan. hahaha!





Pero infairness, effort din yung kanta niya kanina ha. Si Mariah Carey kaya yung kumanta nun.



"Heto na. Makinig ka ha?"

"♪ Lying here with you
Listening to the rain
Smiling just to see the smile upon your face.....




".....These are the moments I thank God that I'm alive
These are the moments I'll remember all my life
I found all I've waited for
And I could not ask for more. ♪
"





Teka, alam ko tong kantang to ah?


Ito kaya ang favorite song ko! I Could Not Ask For More by Edwin McCain, such a beautiful song, full of meaning, full of life!


I've been dreaming my whole life that someone will sing this song for me, pero di na yun dream, kasi nagkatotoo na.


At ang maganda pa, mahal ko ang tumupad ng dream kong ito. :">





" ♪ Looking in your eyes
Seeing all I need
Everything you are is everything to me
These are the moments
I know heaven must exist
These are the moments I know all I need is this...



....I have all I've waited for
And I could not ask for more. ♪
"




Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na nababaduyan ako sa ginagawa ni Mark. Jeez, I'm getting too emotional right now. T_T






"....I could not ask for more than this time together
I could not ask for more than this time with you... ♪
"





I'm so blessed to have this guy as my boyfriend. :">







"Every prayer has been answered
Every dream I have's come true
And right here in this moment is right where I'm meant to be
Here with you here with me... ♪
"







Di ko naman talaga pinalangin na bigyan ako ng Diyos ng special someone, kusa niya na lang to binigay sa'kin and I'm so thankful that he gave me Mark.







"♪ These are the moments I thank God that I'm alive
These are the moments I'll remember all my life
I've got all I've waited for
And I could not ask for more..."





Speechless na ako, someone please give me some tissue. T^T

I've never felt this special to someone. Nobody has ever made me feel this special, but him.





"I could not ask for more than the love you give me 'Coz it's all I've waited for
And I could not ask for more....♪
"




This is probably the sweetest thing a person has ever done for me. :">




"...I could not ask for more. ♪"





Same here Mark, you're enough para ma-realize ko kung gaano ako ka-blessed. You're enough to let me feel this satisfied. I love you.







"Merry Christmas bheib. Ikaw ang unang taong grineet ko this Christmas and hopefully, ako rin yung unang taong nakapag-greet sa'yo."





Tinignan ko ang time sa cellphone ko.



Eksaktong 12:00am na, siya nga ang unang taong nag-greet sa'kin this Christmas. :)





"Bheib, you there?"- pahabol niyang tanong.





"Ahh, oo, ikaw nga Mark. Merry Christmas din."



Tengene, yan lang ba masasabi mo after what he did May?




"Sorry. I swear, ikaw lang talaga ang mahal ko bheib. Wala nang iba."




"Alam ko....."
sabi ko "I'm sorry for not trusting you. Thank you for making this day special for me. That song was my favorite, and I was so touched when you sang it for me. I really appreciate it." - dagdag kong sabi sa kanya.





"I love you"- Ayee, sabay pa kaming nagsabi nito. Ano ba to? Meant to be na ba to? Baka pwede na kaming ikasal dito?





"Bheib...." -sabi niya.





"Oh?"





"I've got all I've waited for....it's you." - sabi niya.






"And I could not ask for more, but you." - I said.









---------------------------------------------

a/n:


Sana po nagustuhan niyo.:)



Please don't forget to vote/like/comment. Thank you! :)

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon