Chapter 26: One Week Seems A Year

3K 37 1
                                    






**CHAPTER TWENTY-SIX**



Di na nagparamdam si Mark after nung umalis siya at umabsent last week.

T_________T





Mga halos isang linggo ko na siyang di nakakausap.

Napakalungkot, dahil namimiss ko na siya sobra. Napakasakit naman, dahil ako yung may dahilan kung bakit hindi kami nagpapansinan.




Medyo mabilis kasi ang mga pangyayari kaya hindi ko na namalayan na ang tagal na pala naming hindi nag-uusap.


Siguro less than a week lang iyon, pero feeling ko isang taon niya na akong iniiwasan.




Ito kasi yung mga nangyari noong nakaraang linggo:




*FLASHBACK (WEDNESDAY - THE DAY AFTER NUNG UMABSENT SIYA.)*





Nagche-check ako ng attendance. Si Mark pa lang ata ang wala. 10 minutes pa lang naman after nag-start ang first period namin ngayong umaga.



Malamang late lang 'yun.

Pero posible rin namang absent siya kasi sumama raw pakiramdam niya kahapon eh.


Hmm? Matext ko na nga lang siya, baka kasi ano pa yung nangyari dun eh!




"Bheib? Papasok ka ba? Please reply. Nag-aalala na ako." text ko sa kanya.



Paulit-ulit kong tinitignan ang cellphone ko, pero wala pa ring sagot galing sa kanya.


I've tried calling him pero di man lang siya sumasagot! T,T



Naku naman! Ano ba kasing nangyari kay Mark?

Baka kung lumala na 'yung sakit niya.


Jusko! 'Wag naman po please. 'Wag niyo po munang kunin sa'kin si Mark.



Please po Lord, ambata niya pa. Di ko pa nga siya napapakilala sa mga magulang ko.


Magpapakasal pa nga kami at magkakaroon ng mga magaganda't gwapong anak.


Gusto ko pa pong makita ang mga apo ko sa kanya.



Pero seryosong usapan po, Lord. Wag niyo po siyang pababayaan. T___T








*FLASHBACK - THURSDAY*


Ganun pa rin ang ginagawa ko. Text lang ako ng text, tawag ako ng tawag pero di niya pa rin ako pinapansin.



Huuuuuu. Why oh why Mark?


Wag mo naman akong pahirapan dito, miss na miss na kita sobra.

Magparamdam ka naman oh, kahit hello lang o kahit i-hoy mo pa ako, wala akong pakealam basta sumagot ka lang sa mga text at tawag ko. T___T


Absent siya nung umaga pero dumating siya nung hapon.


Yes! Sa wakas! Nagpakita na rin siya. Miss na miss ko na ang unggoy na to! :">




Dumating siya nung lunch time, iniwan ko muna ang pagkain ko sa desk para kausapin siya.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla na lang siyang dumirecho sa desk ni Krisha at nakipag-usap sa kanya.



Grr! Ano ba kasing problema niya?

Di niya ba ako nakikita sa harap niya?!

Ang laki-laki ko kaya! Hello!?

Mark!? I'm here! Yuhoo?!



Asar.



Di niya na nga sinasagot mga text ko at tawag, tapos ngayong kaharap ko na siya, iniiwasan niya naman ako!


And to make it worse, mas una niya pang kinausap ang Krishang yun kesa sa'kin.



Alam niya namang mabilis akong mabadtrip pag kinakausap niya si Krisha eh! Sinasadya ba niya?




Susugudin ko na sana sila pero napatigil ako, kasi biglang nag-bell for our first subject after lunch.




Wala na akong magawa, kaya bumalik na lang ako sa desk ko at nagmukmok.



Nasa likod lang nakaupo si Mark at katabi niya naman si Krisha.

Tengeneleng. Dinig ko pa hanggang dito ang harutan nila. Mga walangya talaga! Mga uncivilized species!


Buong hapon pa rin sila nag-uusap ni Krisha pero kahit ni simpleng "Hi" ay wala akong narinig kay Mark. Amfufu! Ano bang nangyayari!?





Hindi ko naman matanong sa kanya kung anong problema dahil lagi niya naman akong iniiwasan.



Kasi sa tuwing lilingon ako ng desk ko para tawagin siya, it's either kausap niya si Krisha o di kaya nakayuko lang siya, natutulog habang may earphones sa magkabilang tenga niya!

Sabihin niyo nga sa'kin kung papaano ko makakausap ang isang to ng matino?



Kahit nung dismissal, iniiwasan niya pa rin ako.

Di na rin siya tumatambay ng Kasachi, kaya I have no idea kung saang lupalop siya pumupunta after ng klase.



Leshe. Ba't kailangan niya pang magpa-hard-to-get, bakit ayaw niya pa akong pansinin para mapag-usapan na namin kung anumang problemang meron kami! Kesa sa pinatatagal pa namin 'to ang 'acting as strangers' na 'to.







*FLASHBACK - FRIDAY*


Three days na at wala pa rin akong balita kay Mark! Naman oh!

Dedma pa rin ang peg niya hanggang ngayon! Sasabog na talaga ako dito. Di ko na alam ang gagawin ko. Huuu!




Di ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Galit na galit ako pero at the same time, nalulungkot ako.



Hindi ako sanay na di kami nag-uusap ng kumag ko. Pag nag-aaway kami dati, wala pang isang araw, nagkakabati na kami.




Pero iba na ngayon...



Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko at three days niya na akong dinidedma?



T_________T




Wala naman akong maisip na pwedeng dahilan kung bakit ganyan ang trato niya sa'kin these days.




Di ko naman siya niloko ah? Di naman ako nagsinungaling sa kanya ah? E ano ba kasi ang dahilan? Huuuu!




"Hahaha! Sira ulo ka talaga Krish!"



Narinig kong sabi ni Mark, kausap niya pa rin si Krisha.



T___________T





Hinihintay namin ang adviser namin. Hanggang ngayon, wala pa siya. 10 minutes na kami naghihintay dito.


Nasaan ka na ba kasi Mister Adviser, ang tagal niyo po!


Pumasok na po kayo utang na loob para matapos na ang harutan ng dalawang to.




"Turuan mo na lang ako. Sige na Mark. Please, please?"



Amfufu! May pa please2x pang nalalaman. Tss. Leshe.




"May! Okay ka lang?" pagdidistract ni Via sa thoughts ko.






"H-Ha? Ahh, eh o-okay lang naman." pagsisinungaling ko sa kanya.





"Weh? Di naman eh." kulit mo talaga Vi!




"Okay nga ako sabi."





"No you're not! Ano bang gusto mo? Upakan na lang natin 'yang dalawang yan?!"
sabi niya sa'kin sabay tingin sa mga kiti-kiting sina Mark at Krisha.





"Hay nako, 'wag na. They're just a waste of my precious time."





"Hmm, alam ko na! I have an oh-so-bright idea!"





"Ano naman yun?"
ano na naman kaya binabalak ng isang to?






"Pagselosin natin si Mark!" bulong niya.




"Ha? Paano siya magseselos? E pareho naman tayong babae?!"



PAAAK! !$^&*@%!*(^@#)!




"Aray! Hey! What was that for!?" langyang bruha to, ang sakit nun ah.




"Oh I'm sorry, pero mag-isip ka nga! Please lang? 'Wag tangeks! Iba naman gagamitin natin para pagselosin si Mark eh!" nu ba to? Babatukan ako tapos magso-sorry? Ibang klase. Tss.




"E sino naman gagamitin natin para pagselosin si Mark?"




"Lemme think..."
Tumingin-tingin muna siya sa paligid at nang may nakita na siya, (kung sino man 'yun.) eh bigla na lang siyang ngumisi na parang baliw.


"Oh? Ano na?" tanong ko sa kanya.





"May! Let's ask Jomel!" sabi niya sabay talon.





"What!? Si Jomel na naman?! But why him?! I mean, he's your crush Vi! You mean, okay lang sa'yo?" naguguluhan kong tanong kay Via.



"Bakit siya ka'mo? Kasi sabi mo before na you overheard Mark talking about him getting jealous of Jomel, nung MV shooting natin, remember? And crush ko siya? Oh yes, but okay lang no! Bffs kaya tayo! Ipapahiram ko lang naman siya sandali eh."



Ipapahiram? Anong akala niya kay Jomel? Ballpen na lagi kong hinihiram sa kanya?

( _ _ ")



Eh?




"Sigurado ka ba dito?"





"Ahuh! I'm 100% sure!"
sabi niya sabay higit sa kamay ko papunta kay Jomel.



"Hey Joms!" bati ni Via sa kanya.





"Hey! Oh bakit?" ani Jomel.




Binulungan ni Via si Jomel. Ewan ko kung ano ang ibinulong niya dun, but I'm sure tungkol 'yun sa oh-so-bright idea niya.



Natawa lang si Jomel kay Via tsaka tumingin sa'kin.



"Seryoso ba kayo?" di pa rin siya tumitigil sa katatawa.





"Kung ayaw mo, okay lang." sabi ko sa kanya.

Nakakainis kasi to, ano naman nakakatawa sa plano namin?


It's a serious thing! Mark's not talking to me for the past few days! Hell, yeah! It's a serious thing, indeed!



"Di ko naman sinabing ayoko eh, pero baka magalit kasi sa'kin boyfriend mo, May."




"Eh di wag na lang."
aalis na sana ako pero hinila ni Via ang kamay ko.




"Joms, wala naman 'yun eh! Tsaka sandali lang naman to. Please?" pagmamakaawa sa kanya ni Via.




"Psh. Paano ko naman mahi-hindian bestfriend ko? Sige na nga!" ani Jomel kay Via.





Bestfriend daw? Sino? Si Via?


Aba aba, ibang klase to!

Inaagaw ba naman bestfriend ko?


Pero di na mahalaga 'yan sa ngayon kasi ang mas mahalaga ay kailangan na naming gumawa ng aksyon para matigil na ang kirot sa puso ko.


Di ko na keri ang makita si Mark na masaya sa ibang babae.


Oo, ganon ako ka-selfish pagdating sa kanya, kaya please lang, walang basagan ng trip.


Try niyo na lang magmahal para malaman niyo at maramdaman din ang ibig kong sabihin.


**


Umupo kami ni Jomel sa tabi nina Mark at Krisha.



Di ako tumingin sa direksiyon nila pero ramdam kong nakatingin lang si Mark sa'min. Mwahaha! Ang galing ng peripheral vision ko no? ^___^




Tinabihan ako ni Jomel sabay ngisi. May kinuha siya sa bulsa niya.




IPod niya ata.



Nilagay niya ang kabilang side ng earphones niya sa tenga ko tsaka yung kabila naman ay nilagay niya rin sa tenga niya. In short, pareho kaming nakikinig sa IPod niya.




Tinititigan lang namin ni Jomel ang isa't isa habang nakangiti. Ewan ko kung bakit ako nakangiti, para nga kaming engot, di alam kung ano ang gagawin na next move para pagselosin si Mark.



"Effective ba?" bulong ko sa kanya.



Di ko kasi makita si Mark at Krisha dahil nakatalikod ako sa kanila, si Jomel lang ang may magandang view sa dalawa dahil nakaharap siya sa'kin.



Imbis na sumagot siya sa tanong ko, kinindatan niya lang ako tsaka ngumisi.


E di ibig sabihin nun effective nga?!


Nagseselos nga si Mark? Mwahaha! Revenge is so sweet, you know.





"May, lumabas na siya." bulong sa'kin ni Jomel.



Tumalikod ako para makita kung nandun pa si Mark sa desk niya pero wala na. Si Krisha na lang nakita ko, at nakatingin din to sa'min with a poker face.





Kinuha ko ang isang side ng earphones ni Jomel at binigay to sa kanya.



"Wala na nga siya. Hehe! Salamat ha."




"Hahaha! Wala 'yun! You should've seen the look on his face! Natakot nga ako eh, akala ko pa naman reresbakan niya na ako, yun pala lalabas lang siya ng classroom. Hahaha!"




"Sayang nga eh. Di ko nakita ang mukha niyang nagseselos."



"Haha! Huwag na May! Baka matawa ka lang! Hahaha!"



**




"Epic talaga ng mukha ni Mark kanina! Hahaha!"


Tss isa pa 'tong si Via. Nahawa na ata kay Jomel sa katatawa.



"Nakakatawa ba talaga mukha niya kanina?"




"Haha! Konti. Anyway, mission accomplished, friend! Tiyak nanlulumo na 'yun ngayon sa sobrang selos."





"Sana nga Vi."




"Anong sana?! Oo kaya! Kahit ako nga eh, medyo nagselos din."






O________O




BAGAAAAAANG!!!&%!#*(!^()@





"Aray! May! Ano ba!" sigaw ni Via habang kamot-kamot ang ulo niyang binatukan ko.



"E akala ko ba okay lang na gamitin natin si Jomel? Hindi mo naman kasi sinasabing nagseselos ka eh!"





"Ano ka ba! Joke lang! Jomel's a great actor, you know."



Tumango na lang ako sa sinabi niya.


"Hmm, so tell me, after ba nun, did Mark even try to talk you?Kahit text lang?"



Pero bago pa ako makasagot sa mga tanong ni Via ay binulabog kami ng sigaw ni Jomel.



"MAAAAAAAY!" he yelled while running towards us. "Sumunod ka sa'kin! May kailangan kang makita!"




"What the hell Joms!? Can't you lower down your voice? Nasa pre-school area tayo, baka mabulabog ang nap time ng mga preschoolers!"
ani Via.



Pambihira, lower down daw, e kahit siya, daig pa ang megaphone sa sobrang lakas ng boses.



=__________________=



"Hali na kayo!" Hinigit kami ni Jomel papunta sa likod ng classroom.





"Ano ba kasing meron dito?" tanong ko.




"Ssh! 'Wag kayong maingay! Baka marinig nila tayo!"




"Ano ba kasing nangyayari Joms?"
tanong ni Via.




Dahan-dahan niya kaming hinila malapit sa likod ng classroom namin.


"Tingnan niyo. Mukhang nag-aaway sila." sabi niya.


Sumilip naman ako para tignan ang tinutukoy ni Jomel.







O____________O



HUWAAAAA?! Si Mark at si Jim! Nag-uusap?!




"Pre chill ka lang. Wala naman akong nakikitang masama kung nagtetext o nag-uusap kami ni May di ba?" sabi ni Jim.




Ako ba ang pinag-uusapan nila?


Pero bakit?! Ano na naman ba 'tong napasukan ko?



"Walang masama?! E girlfriend ko 'yun eh! Tanga ka ba?!"



Jeez, ang harsh naman ng isang 'to. Never ko pang nakita si Mark na magalit. Sobrang nakakatakot!



"Alam ko 'yun pre! Pero magkaibigan naman kami ni May eh. Ano ba kasing problema mo dun?! Gusto mo bang tayo na lang magkaibigan? Kung 'yan gusto mo, sabihin mo lang!"



Psh, at talagang nag-joke pa tong si Jim ha? Di niya ba alam na ang ginu-good time niya ay ang pinakapikong tao sa balat ng lupa?



"Namimilosopo ka pa ah!"





O_________O

*laglag bunganga mode*


Oh my gulay! Susuntukin na sana ni Mark si Jim pero biglang dumating si Rey at Jacob out of nowhere para pigilan sila. Hay! Buti na lang at sumulpot ang dalawang 'to!




"Ano ba kayo? Magpapatayan ba kayo dito? Wag naman dito mga pare, baka ma-expel kayo. Dun na lang sa labas, tara! Samahan ko pa kayo."




"Gagu ka naman tol eh. Kitang nag-aaway ang mga 'to, nakuha mo pang magbiro."
sambit naman ni Rey kay Jacob.



"Mga tol, ano bang problema dito?" tanong sa kanila ni Rey.



Kitang-kita ko na pilit kumakalas si Mark sa mga kamay nina Rey at Jacob.


Parang leong gusto nang makawala sa cage niya sa zoo at gawing pagkain ang mga tao sa paligid niya, at yung kay Mark, si Jim ang gusto niyang sunggaban.


Ano ba to?! Ano bang dapat kong gawin?


Baka kung mapano pa sila kung di ko sila pipigilan!



Nag-aaway sila dahil sa'kin? Oo, May!

Ikaw lang naman ang pinag-aawayan nila! Oh no! Di pwede to! Ang haba na nga ng buhok ko, ayoko pang pahabain pa 'to. Pero joke lang. Ayoko lang magka-tension dito.



Kailangan ko silang makausap para marinig din nila ang side ko, pero wait!



E ano naman ang sasabihin ko? Tsk! Ang gulo naman neto! Tengene.



"Wala naman akong problema. Baka 'yang si Mark meron." sagot ni Jim sa tanong ni Rey.



Bigla na lang nakatakas si Mark sa kapit ng dalawa at mukhang susuntukin niya na si Jim.


Di na ako nagdalawang-isip na pigilan siya. Agad akong tumakbo ng mabilis na mabilis papunta sa kanila.

Bahala na kung ano man ang mangyari!


Ayoko lang may masaktan ng dahil sa'kin.


"May! Wait!" Dinig ko pa ang sigaw sa'kin ni Via pero di ko na siya pinansin, sinugod ko na sila para pigilan si Mark.



"A-Ano ba! Tama n-na nga yan!" Tumayo ako sa pagitan nilang dalawa. Nakita ko namang gulat na gulat ang mga reaksyon nila sa mukha.



"Stay out of this, May!" sigaw sa'kin ni Mark.





"Anong stay out of this?! E ako nga ang dahilan ng away niyo, di ba!?"





"I SAID STAY OUT OF THIS! DAMN IT!"

Tinulak ako ni Mark sa gilid at unti-unti naman siyang lumalapit kay Jim, at nagbabadyang susuntukin ito.


BOOOOOGGSSSHH!






PAAAAAAK!!! !%(*@*(*#^!#



At natumba nga si Jim! Duguan ang damit niya at napakalaki ng black eye niya! Hindi siya makagalaw sa pagkakatumba niya! Mukhang di na siya humihinga!








De joke lang.



Ako yung suspect dito dahil sinulong ko si Mark at binatukan ito ng malakas na malakas!


Okay lang yun, alam kong di naman niya 'yun mararamdaman dahil galit na galit na siya.






"WHAT THE HELL MAY!?"






"WHAT THE HELL MO RIN YUNG MUKHA MO! SABING TAMA NA NGA EH!"




"E BAKIT AKO ANG INAAWAY MO!?"




"E IKAW ANG AGRESIBO DIYAN EH! 'KAW NGA DIYAN ANG MANUNUNTOK EH! LECHE!"





"GANUN?! MAS KINAKAMPIHAN MO PA 'YANG UGOK NA 'YAN HA!?"




(CAPS LOCK para damang-dama. Mwahaha!)





"ANO BA KASING PROBLEMA MO!?"



"BWISIT! MAGSAMA KAYO! TUTAL PAREHO NAMAN KAYONG HALIPAROT!"



What the!?


Tinawag niya akong haliparot?! Ngangu to ah! Siya pa lang tumatawag sa'kin ng ganyan ah! Gunggong kang unggoy ka!


Alam kong pa-cute ako pero never in my whole life naging haliparot ako!

Nakakaimbyerna kang Mark ka!




"WALANGYA KANG UNGGOY KA! HINDI AKO HALIPAROT!"




"TOTOO NAMAN AH! NAKIKIPAGHARUTAN KA NGA DUN KAY JOMEL DI BA!? AT SA HARAP KO PA!"



"Dude, wala 'yun, may dahilan kung bakit namin 'yun ginawa."

Sumunod na pala si Jomel at Via sa'kin. Tsk, bwiset na Mark na 'to. Di naman to mangyayari kung di siya sana naging OA.




"EXPLAININ MO MUKHA MO!" Sabi ni Mark kay Jomel. Ibang klase 'to. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng halimaw.



"Mark ano ba!? Di ka ba talaga titigil?" And this time, kumalma na ako, kasi ngayon ko lang naalala na may mga tao pala sa paligid namin.
( _ _ ")




"KITA MO NA!? MAS KINAKAMPIHAN MO PA ANG MGA LALAKE MO KESA SA SARILI MONG BOYFRIEND!" naman oh! Hindi ba to marunong kumalma?



"Stop acting like a kid! Mark ano ba!"

Di na siya sumagot sa sinabi ko. Umalis na lang siya bigla palayo sa'min. Susundan ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Via.





"Vi, ano ba! I need to talk to him pa!"




"No! Not now. Can't you see? Galit pa siya at di mo makakausap ng matino ang taong galit."





"P-Pero..."



"Sa susunod mo na lang siya kausapin, May. Baka mas lalo pang lumala ang away niyo pag pinilit mong kausapin siya ngayon."
dagdag pa ni Rey.






"Umm, May? I'm sorry. Nang dahil sa'kin, nag-away pa kayo." sabi sa'kin ni Jim.



Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya as a sign na 'okay lang'.


"Wala kang kasalanan Jim. Sadyang makitid lang talaga ang utak ni Mark, kaya ganon." sabi ko sa kanya.



After ng incident na 'yun, nagsiuwian na kami. Di ko na nakita si Mark after nun, at di ko na rin siya na-contact dahil out of coverage area ang cellphone niya. Sinadya niya sigurong i-off 'yun para di ko na siya kulitin. Hay. T.T







*END OF ALL FLASHBACKS*





Phew! Ang haba ng flashback!

Nakakasawang alalahanin!

Puro di magaganda ang mga nangyari kasi last week.



"May..."








"Hello? May!"






"ANO BA, MAY!!!"




"SYET MAY HA! PARA NA AKONG EWAN DITO SA KAKADALDAL, DI MO NAMAN AKO PINAPANSIN!"



Wala ako sa mood makipag-usap sa kung sinuman ang tumatawag sa'kin.


Nanghihina lang ako tuwing maalala ko yung mga pangyayari nung isang linggo. T.T





-_____-


O_____O


(>////////<)



(OmmmO)




"Waaaaah! Ayyy! hikhikhik a-ano ba! Huwaaaaa! hikhikhikhik!" sabi kong nakikiliti.



Paano ba naman kasi 'tong si Via eh. Kinikiliti ako sa leeg.



"Nakuha ko na rin atensiyon mo finally!" sabi niya sa'kin.






"Bakit ba? Busy pa ako dito sa ka-eemote eh."





"Psh, obvious nga. Mamaya na nga iyan! Tulungan mo na lang kaya ako dito sa project natin?"




Ay 'nak ng! Nakalimutan kong ngayon pala kami gagawa ng blueprint para sa project naming mini Bakeshop. By pair ito at si Via ang kapares ko.



Gagawa kami ng maliit na model ng bakeshop. Parang doll house ba? Basta! Kayo na lang bahalang mag-imagine.



Pinag-tuunan ko na lang ng pansin ang project namin ni Via para di ko na maisip si Mark.




After ng ilang minuto ay nag-bell na for dismissal.



Nakalimutan ko palang sabihin na nasa Home Economics room kami at last subject namin ang H.E during Mondays.




Agad naman kaming bumalik sa classroom para kunin ang mga gamit namin.


Nakapasok na ako sa loob ng classroom nang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Aksidenteng nagkabanggaan kami ni Mark, at kaharap ko siya ngayon.



Nagkatitigan kami ng ilang sandali...






Pero nagulat na lang ako nang yakapin niya ako bigla.

Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Di ko alam kung bakit niya 'yun ginawa.




"I-I'm so s-sorry bheib." nauutal na sabi ko sa kanya habang yakap-yakap niya ako.



Kinuha niya yung kamay niyang nakayakap sa'kin at hinila ako papuntang desk niya.



Umupo siya sa armchair niya habang ako nakatayo sa harap niya nang nakayuko.




Oo, nakayuko ako. Hindi dahil nahihiya ako sa kanya, pero dahil kanina ko pang pilit na pinipigilang tumulo ang mga luha ko.


Hinaplos ni Mark ang buhok ko tapos hinawakan niya ang chin ko.




Nakita kong may mga patak ng luha ang kamay niyang nakahawak sa chin ko.


Oh syet! Umiiyak na pala ako. Tengene May, di mo ba talaga mapigilan?




Nagulat naman si Mark sa pag-iyak ko at pilit niyang tinuwid ang mukha ko para matignan niya ito.




Kitang-kita ko na napa-nganga siya sa pag-iyak ko.

'Tong mokong 'to, ganon na ba talaga kasama mukha ko at napanganga pa siya?



"Bheib? Ba't ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong sa'kin.



"H-Ha? Wala to. E-ewan ko."



"Huwag ka na nga diyang umiyak, baka isipin nilang inaaway pa kita."



"E totoo naman eh. Inaaway mo'ko. Di mo nga ako pinapansin simula last week."
di ko mapigilang humagulgol sa sobrang inis sa sarili ko.


Ba't ba kasi ako umiiyak!? HUUUUU!



Ngumiti lang siya sa sinabi ko tsaka pinunasan ang mga luha ko gamit ng damit niya.


Eww. Wala ba siyang panyo!? Naman oh!

Pero di bale na nga, wala akong lakas para makipagtalo sa kanya ngayon.



"Miss mo na ako no?" tanong niya sa'kin.



Tumango lang ako tsaka umiyak ulit.


HUUUUUWAAAA! Para kang bata, May! =___=



"Uy, 'wag ka na nga sabing umiyak." sabi niya sabay yakap sa'kin.




"Mark, t-teka, andaming tao! Nakakahiya. Di pwedeng mag-PDA dito sa school."





"Hahaha! Okay lang 'yan. Di ka nga nahiyang umiyak eh."
yakap-yakap niya pa rin ako.




"Please bitawan mo na ako. Baka may makakita pa sa'tin."




"Okay lang 'yan sabi. Classmates lang natin yung nandito."






"Kahit na, s-sige na Mark."




"Hay. Okay, pero bibitawan lang kita pag titigil ka na diyan sa kaiiyak."




"Oo, s-sige. Di na ako iiyak."




Binatawan niya naman ako at ngumiti siya ng nakakaloko sa'kin. Pinunasan ko ang mga di pa natuyong luha sa mga mata ko.


"Alam mo ba bheib? First time kita nakitang umiiyak. Siguro ngayon mo lang ako iniyakan no?" tanong niya sa'kin.




Akala mo lang 'yun.


Ilang beses na kaya kita iniyakan. Pero ngayon ko lang di napigilan ang sarili ko. Kaya ayan, napaiyak tuloy ako. Huuuuu! T_T




"Di ka na galit bheib?" pag-iiba ko ng topic.




"Hindi na. Naiintindihan ko na ang lahat. Alam kong ako lang mahal mo. Kaya sorry bheib ha? Kung di kita pinagkatiwalaan."




"Ikaw naman 'yung walang tiwala sa'kin eh. Huwag na huwag ka ng magseselos kay Jim ha? O kahit sa kung sinong lalaki diyan."





"Di ko 'yan mapapangako sa'yo bheib. Tsaka, normal lang naman ang selos sa isang relasyon eh. Mas mabuti ngang magselos from time to time. Hehehe!"





"Ha? What do you mean?"




"Kasi dati di ko rin gets kung bakit ka nagseselos sa ibang babaeng nakakasama ko. Tulad nung kay Krisha, kay Natalie, at pati na rin kay Jessica. Alam mo, ngayon ko lang napagtanto na masarap pala ang feeling kung nagseselos ang taong mahal mo. Kasi katumbas daw ng salitang SELOS ang salitang, MAHAL KITA, kaya gusto ko AKO LANG."





"Hahahaha! Wow bheib ha! Saan mo 'yan nakuha?! Lakas ng banat mo ngayon ah? Hahaha!"
Di ko na mapigilang tumawa sa mga pinagsasabi niya.

First time kong narinig ang mga ganitong salita galing sa kanya. Nakakapanibago, pero gusto ko. ^_^



"Kaya maswerte ka bheib, dahil nagseselos ako." sabi niya with a super serious face. Eh? O_O



"Ha? Bakit? E di mo nga ako kinakausap eh, swerte pa ba ang tawag dun?"




"Di mo ba talaga na-gets ang sinabi ko kanina? Psh. Sabi ko maswerte ka dahil nagseselos ako, ibig sabihin nun, maswerte ka dahil mahal kita! Kaya lang naman ako nagseselos dahil mahal kita eh! Bopols mo talaga."





Ganon? One second ang sweet100x niya tapos the next second, tatawagin niya akong bopols? Baliw.





"Oo na! Oo na! Ako na ang maswerte, pero mas maswerte ka!"




"Ha? Bakit naman?
"






"Kasi kaya kitang pakasalan sa harap ng mismong taong pinagseselosan mo!"



Mwahahaha! Ako na tong malakas bumanat! Ganito lang talaga epekto ng sobrang adik sa tumblr, ayan tuloy, andami ko ng alam na pick-up-lines.



"Hahaha! Corny mo! Hahaha!"




"Tse! Kinikilig ka naman!"



"Oo, kinikilig nga ako! Hahaha! Halika na nga, kain tayo ng fishball sa labas. Gutom na ako eh."




"Hahaha! Sige, libre mo ha."




"Ha? Limang piso lang ha. Wala na akong pera dito eh."




"Ang kuripot mo!
"




"Uy, madaming fishball na kaya 'yung mabibili mo sa limang piso! Sampung fishball na 'yun no!"




Ugh, pati ba naman fishball pinag-aawayan namin?

IKR? Di lang talaga kukompleto araw namin pag di kami nagbabangayang dalawa.


Answeet namin no? Sweet and sour. Tss, kasawa kayang magbangayan sa taong 'to araw-araw. Hay!



"Oo na nga! Pero kuripot ka pa rin."



"Dami mo pang sinasabi eh. 'Kaw na nga tong nililibre."



"Oo na nga. Thank you na, okay? Tara na!"



Umalis na kami ng classroom at lumabas para bumili ng fishball, dinagdagan ko na lang ng limang piso ang fishball ko kasi bitin pag sampung fishball lang eh.



Mwahaha! Alam kong ang takaw ko.



Sa wakas! Natapos na rin ang away naming dalawa.


Masakit at malungkot nung una, normal lang naman 'yun dahil nagmamahal ka.

Pero in the end, when both of you learned to accept your flaws and faults, at pag marunong din kayong lumunok ng mga pride niyo, mawawala na 'yang lungkot at sakit na nararamdaman niyo.



Sabi ng iba, walang relasyong perpekto.


There's always gonna be ups and downs, the arguing the fighting at minsan break up here and there.


Pero ganyan talaga, so try to make the best of it kasi di mo malalaman kung anong meron ka kapag ito na ang mawala sa'yo.



Kaya hindi pride o di kaya away ang pairalin, kung hindi, ang pagmamahalan ninyo.



Sabi nga nila,



You can't have a relationship without any fights, but you can make your relationship worth the fight.

^_______^



----------------------------------

a/n: Please don't forget to vote/like/comment.

Thank you readers! XO


---------------------------------

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon