Chapter 30: S.Y 2010-2011

2.8K 20 0
                                    

**CHAPTER THIRTY**

"Ano ba naman 'tong kaibigan natin, first day na first day ng senior year, nagmumukmok. Cheer up dude!" sabi sa'kin ni Chin sabay tap sa balikat ko.

"Hay na ko, iniisip na naman iyan sigurado si Mark. Ano bang problema niyo?"


"Vi..." tinignan ko siya ng seryoso tsaka, "Huuuuuuwaaaaa!" Di ko na napigilang yakapin silang apat na nakatayo sa harap ko.

In short, ako ang nag-initiate ng group hug naming lima.

"Tama na 'yan May. I'm sure di 'yun aalis. Nandito ka kaya."

"Angie's right, hindi ka kayang iwan nun no."


Nakayakap pa rin ako sa kanila.

Huuuu. Nakakalungkot, nakakakaba. Di ko alam kung ano ang gagawin ko.

Natatakot ako na hindi makasama si Mark sa last year ng High School life ko. Huuuu!

Mabilis ba masyado ang mga pangyayari? Rewind nga natin.


Tadaaaa!

Flashbacks:


Pinagpatuloy pa rin namin ni Mark ang relasyon namin nung third year kami despite so many problems that have come our way.

Nagkaroon din kami ng mga away, pero as usual, nalagpasan din naman ang lahat ng iyon dahil mahal namin ang isa't isa.

Natapos lang ang school year 2009-2010 na masaya kami.

'Yun nga lang, grounded pa rin ako until now, pero medyo nabawas-bawasan na rin ang pagiging strict ng parents ko.

Madami rin ang nangyari sa barkada ko after nung Christmas break namin.

Si Via at Jomel break na. T.T

Pareho silang nag-decide na kumalas sa relasyon nila.

'Yung ex ni Jomel panay ang pangungulit kay Via.

Naaawa nga ako kay Via kasi inaaway siya nung bruhang ex-girlfriend ni Jomel.


Sinisisi niya si Via sa pagbreak nilang dalawa.


Pinagsasabihan niya ng di maganda ang bestfriend ko, kesyo mang-aagaw daw siya, etc.

Bopols niya pala eh. Hindi naman inagaw ni Via ang ugok niyang ex.


Kusang si Jomel ang lumapit sa bestfriend ko.

At isa pa 'tong si Jomel.

Akala ko magbabago na siya pag naging sila ni Via, pero nagkamali ako. Ganun pa rin siya.


Na-maintain niya pa rin ang pagka-cassanova niya. Tsk.

Kung nainis kayo sa paghihiwalay ng dalawa, sasaya naman kayo dahil may mga bagong love birds sa loob ng classroom.

Cristy is no longer NBSB, kasi taken na siya. At hulaan niyo kung sino ang boyfie niya?

Tantananan! Si Rey!

Her ultimate mortal enemy.

Akalain mo 'yun? Sila rin pala ang magkakatuluyan?

Si Angie naman, oh wells, NBSB pa rin, pero patuloy pa rin siya sa pag-aadmire kay Jacob

Si Chin naman, well, ganun pa rin.

Pusong bato pa rin ang theme song ng buhay niya. Mwahahaha!

Nung summer naman, hindi kami nagkita ni Mark, wala rin akong balita sa barkada ko. Grounded nga ako di ba, ang lungkot-lungkot ko nung time na iyon.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon