Kabanata 6

8 0 0
                                    


Tatlong kalesa ang naghihintay sa labas ng bahay ng hapon ding iyon. Apat na mga lalaking nakadamit pang bukid ang sumalubong kina Tiyo ng makalabas kami sa loob ng bahay na iyon. Ang dalang bayong ni Tiyo at Ate Lara ay agad kinuha ng mga lalaking bagong dating at inilagay ito sa pangatlong kalesa.

"Magandang hapon po Señor Simon at sa iyong pamilya." Lumingon sa gawi ko ang matandang nagsalita at tinanggal ang suot na balanggot at yumuko. " Maligayang pagdating po sa San Guillermo Binibining Lillac." Wika ng isang may edad na lalaki sa akin pagkatapos ay hinubad nito ang sombrerong hinabi.

Sumunod sa ginawa nito ang tatlo pa nitong kasama nang mapansin nila ako sa likod ni Tiya Flor na nakatayo. Napaayos ako ng tayo ng yumuko sila sa akin sabay-sabay at iniligay ang kamay na may hawak na sombrero sa kaliwang dibdib.

Lumapit ako sa mga ito at agad silang pinaayos ng tayo.

"Naku, salamat po! Pero hindi niyo na po kailangan maging pormal sa akin. Lillac na lang po"

Agap kong sabi sa kanila. Kita ko ang pag-aalangan sa mukha nila at inilipat ito kay Tiyo Simon na nasa aming likuran lamang. Tumingin din ako dito at nakita ko ang pagtango nito sa matandang kausap ko.

Napangiti naman sa akin ang matanda.

"Tawagin mo na lamang akong Mang Hesyo, Lillac." Sabi nito sa akin na agad ko naman tinanguhan.

Sa unang kalesa ay sina Tiyo Simon at Tiya Flor ang sakay, habang kami naman ni Ate Lara sa pangalawa, ang sa panghuli naman ay gamit lamang ang isinakay.

Sa pananatili ko sa bahay na iyon ay miminsan ko lamang nakita si Kuya Rionzon dahil lagi itong wala sa bahay, o sadyang nagkakasalungat lang kami.

"Ate Lara?" Pagkuha ko ng atensyon sa kaniya mula sa pagkakatitig niya sa labas. Nadadaanan namin ang malawak na palayan na nakikita ko lamang sa bintana ng bahay na iniwan namin ngayon.

"Ano iyon?"

"Lagi niyo ba talagang hindi nakakasama si Kuya Rionzon?"

Labas sa ilong itong napatawa bago sagutin ang tanong ko.

"Oo. Uuwi lang iyon kapag tulog na ang lahat tapos aalis ulit ng madaling araw"

"Alam po ba niya na babalik na tayo sa mismong tinitirahan niyo?"

Tumango ito at ibinalik ang tingin sa labas at ipinatong ang baba sa kanang kamay.

"Oo, sinabi kagabi nina Tiya. Himala nga na nanatili siya nung nakita ka namin sa gubat hanggang sa magising ka, akala ko wala na siyang pakialam sa ginagawa namin e..."

Mahinang sabi ni Ate Lara. Ang tinutukoy niya siguro ay iyong araw na nakita nila ako sa gubat ng Agape, nagising ako no'n dahil sa pag-uusap nila. Bigla kong naalala ang sinabi noon ni Ate Lara. Wala sa sarili akong napatitig sa kaniya, kinakagat-kagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong magtanong.

Hindi agad ako napa-iwas ng tingin ng makita niyang nakatitig ako sa kaniya. Pilit akong napangiti sa kaniya para hindi mapansin ang nais gawin at sumilip na lang din sa bintanang kasalungat ng sa kaniya.

"Ang ganda naman ng mga damo...Kulay berde parang utak ko, puro lumot na" Sabay tawa ko ng alanganin. Para akong ewan na tumatawa sa ibon na lumilipad.

Tinawanan niya din ang walang kwenta kong sinabi.

"Itanong mo na 'yan.  You look crazy"

Nanlalaki ang mata at laglag panga akong tumingin sa kaniya. Mabilis kong itinagilid ang ulo ko para silipin kung narinig ba kami ng kutsero, mabuti na lamang at mukhang wala itong pakialam sa amin.  Dumukwang ako palapit sa kaniya dahil hindi ko inaasahan na magsasalita siya ng englis sa panahon na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories of the Star (Mount Agape #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon