[A/N]
Picture ni Bela yung nasa picture sa taas. Nacu-curious ba kayo kung sino si Bela, then keep reading para malaman niyo kung sino siya.
----
Glacey's POV
"Anak.. Gising na.. 7 na.." Narinig kong sabi ni mommy habang kumakatok sa pinto.
Kakalabas ko lang ng c.r at ngayoy nakaharap sa salamin. Sh*t ang ganda ko.
Kahit naka-tuwalya pa ko, ang ganda ko parin.
Hindi ko sinagot ang pagkatok ni mommy sa pinto kundi ay nagblower nalang.
Dumiretso agad ako sa walk in closet ko at nagbihis ng uniform. Shet, naman ang baduy ng uniform namin. Hanep.
Napangisi nalang ako. Alam ko na yung gagawin namin ng barkada.
Inayos ko ang sarili ko. Nagpolbo, eyeliner at lipgloss. Napatingin ako sa red lipstick na binigay ng bestfriend ko sakin. Haist, kelan ko kaya to magagamit.
Ayaw kasi ako payagan ni mommy e. Di niya siguro matanggap na Bitch ako. Sabagay, balang araw magagamit ko din yan. At pinapangako kong gagamitin ko yan sa pagawa ng kagaguhan.
"Anak.. Kain na tayo ng breakfast.." Sabi ni mommy habang kumakatok. Di ko parin siya sinagot at tiningnan ang schedule ko ngayon.
Kinuha ko ang mga librong gagamitin ko at nilagay sa bag. Inilagay ko muna ang bag ko sa higaan ko at kinuha ang mga notebooks sa ilalim ng drawer ng higaan ko.
"Anak.." Sabi ni mommy habang kumakatok parin.
"Andyan na po!" Sabi ko
Tumingin ulit ako sa salamin at inayos ang sarili. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto.
Pumunta ako sa dining area at nakita ko ang mommy na naglalagay ng ulam sa lamesa, tumingin siya sakin ng nakangiti. Pero iniwas ko lang ang tingin ko.
"Wala parin sila?" Tanong ko kay mommy. At umupo, umupo naman sa harap ko si mommy. At tumingin sakin sabay iling.
"Sabagay, ano pa nga bang i-eexpect ko sa kanila." Sabi ko sabay kain, tinitingnan ko ang oras. Malapit na mag-8 baka dumating na ang barkada.
Kinain ko agad ang pagkain ko at nagtoothbrush. Biglang nag-beep yung phone ko at nakita kong nagtext si Bela, isa sa mga barkada. Sabi nandito na daw sila.
"Mom, alis na ko. Nandito na ang barkada." Sabi ko kay mommy at humalik sa pisngi nito. Nakita ko ang reaksiyon niya, na parang nagulat. Siguro hanggang ngayo'y iniisip niya parin na galit ako sakanya dahil sa kagabi.
Galit parin naman talaga ako sakanya e. Pero hindi mo parin maikakaila, na mahalin ang magulang mo, kahit anong galit meron ka sakanila.
Akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang magsalita si mommy, "A-anak, ang b-baon mo o-oh." Inabot ko ang kamay niya at kinuha ang baon..
"Thankyou, mom. Bye." Sabi ko sakanya sabay ngiti. "And also mom, sana wag mo silang hayaan na apihin at lait-laitin ka habang nasa school pa ako." Pahabol ko. Lumabas na ko ng pinto at binuksan ko na ang gate, nakita ko ang sasakyan ng barkada namin.
"Brooooossss!" Sigaw ko habang kuma-kaway.
"Hi Bro!!" Sigaw naman nila. "Si tita Laila?" Tanong nila. Tumingin ako sa ibang direksyon, at di sinagot ang tanong nila.
"Ah, alam na." Sabi nila. Alam na siguro nilang nagkatampuhan na naman kami ni mommy.
"Hay nako. Ano ba?! Di niyo ba ko pasasakayin?!" Sabi ko sakanila nang may pumaradang pamilyar na sasakyan sa gilid namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/33184431-288-k506413.jpg)
BINABASA MO ANG
The Proud Bitch
Teen FictionSinasadya ba ng isang taong maging bitch? o pinanganak na talaga kong ganto? To all the biatch out there! bakit maraming naiinis satin? is it our fault? eh diba ayaw lang naman natin ng sobrang bait? Samahan niyo ko sa trip ng buhay ko. Siguradong m...