Chapter 7

41 3 0
                                    

Chapter 7

Glacey's POV

Maaga akong gumising para ayusin yung bag ko, di ko kasi naayos kagabi dahil umiyak ako.

Naligo na din agad ako para makaalis ng maaga. Para hindi na ako susunduin ng barkada, at ng di ko muna makita ang mom.

Nakita ko sa salamin na namamaga yung mata ko. Sht lang, nakakabawas ng confidence ang ganito.

Lumabas na ako ng kwarto ko, at dinala na ang bagpack ko. Pero nagkamali ako, nakita ko ang mom ko sa kusinang nagluluto.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng nagsalita siya. "Oh, Anak. Gising ka na pala. Sandali lang ah. Upo ka muna, maluluto ko na to." Sabi ni mom, pero di ko siya tinignan kundi binuksan lang ang pinto.

"Di ako gutom, alis na ko." Sabi ko at lumabas na ng bahay. Pumunta ako sa garage para kunin ang kotse ko. Oo, nagmamaneho na ako, lahat naman kami ng barkada. Meron na kaming driver's license, dahil nga makapangyarihan ang mga magulang namin.

Binuksan ko yung malaking gate namin, at sumakay sa sasakyan. Inilabas ko ang sasakyan at isinara ang gate.

Habang nagd-drive ako biglang kumulo ang tiyan ko. Nagugutom ako. Magd-drive thru muna ako sa Mcdo.

"Goodmorning Maam, what's their order?" Tanong sakin ng babae.

"Isang chicken fillet, hot coffee nalang ang drinks, isang large fries at apple pie." Sabi ko, at nagbigay ng isang libong piso. Pag kaabot ko ng sukli, ay dumiretso na agad ako sa kuhanan ng order.

Kinuha ko agad ang order at dumiretso sa school. Nakabukas na ang pagp-park-an ng kotse. At wala pang kotseng nakapark dito.

Binigyan ako ng guard ng isang ticket para pag sa labas ng kotse.

Sa tingin ko, dito na lang ako sa loob ng kotse kakain, baka kasi magisa pa ako sa classroom, nakakatakot pa man din pag magisa ka lang.

Habang kumakain ako ng chicken fillet ay may kumatok sa pinto ng kotse ko. Di ko nakita kung sino kaya isinantabi ko muna ang pagkain ko at lumabas ng sasakyan.

Sa likod ng sasakyan ay may nakita akong lalaking nakasandal dito. Argh! Ayokong may sumasandal sa sasakyan ko! Baka malagyan ng germs yung sasakyan ko!

"Hoy! Wag ka ngang sumandal dyan!" Sigaw ko sa lalaki at humarap ito sakin.

At nalaman kong si Grey pala ito. Wala akong pake, basta ayokong may sumasandal dito.

Ngumiti siya sakin, pero binigyan ko lang siya ng isang irap.

"Oh, chill ka lang. Masyado ka namang high blood ngayon." Sabi niya at lumapit sakin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko naman sakanya at binigyam siya ng matalim na tingin.

"Kasi parking lot to ng school na pinapasukan ko at pinark ko lang ang kotse ko dito." Sabi niya't tinuro ang kotse niya, nakita ko namang nandun nga ang kotse niya.

Ibinalik ko ang tingin ko sakanya, "pero pano mo naman nalaman na ako tong nakasakay sa kotseng to?" Tanong ko sa kanya at ngumisi. "Huh! You're stalking me! Hahaha!" Sigaw ko, at tumawa.

Tumingin lang siya sakin ng seryoso. Glacey bitch ka tapos ganito pinapakita mo? Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa pagiging bitch.

"Oh ano na? Stalker ka ano?" Tanong ko sakanya at ngumisi.

"Hindi ano. Nakita ko kasi sa plate card ng sasakyan mo ang acronym ng pangngalan mo GMM. Kaya nahinala ko na ikaw yun." Pagpapaliwanag niya, kaya tumango nalang ako at tinalikuran siya. Binuksan ko ang sasakyan ko.

The Proud BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon