Chapter 13

10 0 0
                                        

Bela's POV

"Xander, please stop!" Hinawakan ko ang kamay ni Xander at pilit na pinipigil ang pag-inom niya nang vodka. Nakakailang shots na siya. Hindi ko na nga mabilang sa mga daliri ng kamay at paa ko eh.

Awang-awa na ako sakanya, pero naaawa na din ako sa sarili ko dahil pinapahirapan ko lang ang pagka-tao ko. May gusto ako sakanya. Sa bestfriend ko. Hindi ko masabi kasi natatakot ako.

"Ano ba Xander! She's not worth it!" Pilit na sigaw ko. Kahit pumiyok ako. Nahihirapan din ako. Nahihirapan ako sa tuwing nakikita silang magkasama. Nahihirapan ako sa tuwing nagk-kwento ang bestfriend ko sakin. Ang sakit sakit lang.

Tinuloy niya parin ng pag-inom niya. "Putsa kasi! Kulang pa!" Sigaw niya lagi sa nagbibigay sakanya ng vodka tuwing ayaw na siya bigyan kasi sobra na siya. Ewan ko ba, para kasi sakin, double meaning yun.. parang kulang pa lahat ng ginawa niya para kay Aika.

"Isa nga din please." Sabi ko sa waiter.

Nagulat ako ng nakatingin sakin si Xander ng seryoso. Wag kang tumingin ng ganyan Xander, kung gusto mo ako, sabihin mo kasi gusto din kita.

"Mam, eto na po." Napatingin ako sa waiter at nikapag na ang vodka ko sa table namin.

"Hoy! Amin na yan!" Wala na, na-inom niya na yung Vodka ko. Ka-badtrip naman netong lalaking to! Gusto ko din naman maglabas ng sama ng loob! Gusto ko din namang sabihin tong nararamdaman ko, kasi alam kong di mo na to maaalala dahil sa sobrang kalasingan mo.

"Waiter! Vodka nga! Tatlo!" Sigaw ko sa waiter, tumango lang siya.

"Napaka-kulit mo talagang babae ka ano! Pahirapan pa tayo mamaya?! Pareho tayong lasing! Saan tayo matutulog?! Sino magd-drive ng sasakyan ko?!"

"Eh bakit ba kasi?! Di mawawala tong sakit sa puso ko pag hindi ko to nilabas!"

"Bahala ka nga." Inirapan ko lang siya. Wala ba talaga siyang pakielam sa nararamdaman ko?! Bakit ganto siya makitungo sakin?!

"Thankyou." Inabot ko na ang tatlo kong vodka. Ininom ko yun ng dire-diretso, walang para-para. "3 pa." Banggit ko sa waiter at halatang gulat na gulat dahil sa murang edad ko ay matindi na akong uminom. Nung 3rd year nga ako, nakadalawang bote na ako ng San Mig eh.

Inabot na sakin ng waiter ang 3 vodka ko. At ininom ko na yun agad.

"Stop that." Tumingin ako kay Xander na mapupula na ang mata. Ramdam ko na din ang pananakit ng ulo ko, mabilis akong mahilo.

"Okay. Waiter!" Tawag ko sa waiter.

"5 Xynomaro, please." Nagulat ang waiter sa sinabi ko. At naga-alinlangan pa.

"Don't worry babayaran ko lahat ng iniinom ko." Sabi ko nalang at binigyan siya ng tip. Sumunod naman siya.

"Xynomaro? Seryoso? Xynomaro is a zippy red-wine grape variety in Naoussa, northern Greece, where it makes good wines, which mellow with age -- and included here as I've got to have something beginning with 'X' for heaven's sake, and it was either this or Xarel•lo." Pag-explain ni Xander, parang si kuya Kim eh. Naka-inom na pala siya nun.

"Oo na kuya Kim! It's just a wine, okay?" Irap ko sakanya. Ang sama ko naman yata ngayong gabi.

"Just a wine, with a very large alcoholic beverage." Sarcastic na sabi sakin ni Xander.

"Mam, eto na po." Tinanguan ko lang at waiter at ininom ko na ang isang Xynomaro. Bruuu. Kasama ng lasaaa. Di ko alam kung ano ang mas alcoholic eh.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Xander ang wrist ko. "We're going home." Tumayo na siya, at nagpagewang gewang. Buti at nakakapagsalita pa siya ng matino kahit sobrang lasing siya.

"Hindi ako papayag ano! You're freaking drunk!" Pagpupumiglas ko.

"No, I'm not. *hik" hindi daw! Buset! Medyo matino pa ako. Ako nalang ang magd-drive.

"Ako nalang ang magd-drive." Sabi ko.

Sumakay na kami sa sasakyan niya, pero di ganun kadali ang bigat bigat nitong buhat ko, okay? Pagewang-gewang pa maglakad kaya nahihirapan ako.

"Ohmygod, Bela! Thankyou very much, at di mo pinabayaan ang anak ko! Salamat! I'm so happy you're my son's bestfriend!" Agad na sabi ni Tita Louisa pagdating namin sa bahay nila Xander.

"Walang anuman tita. Dalhin ko lang po siya sa kwarto niya." Sabi ko at inakyat na si Xander sa kwarto niya. Nagiisang anak si Xander ng mga Williams, nagiisang apo ni Alex Williams, ang dating pantasya ng bayan. Kaso sumakabilang buhay na.

Inihiga ko na si Xander sa kama niya. Amoy alak parin siya. Tinanggal ko na ang botones ng polo niya. Papalitan ko lang siya ng damit. Gawain ko na to pag may-gig ang barkada ako lagi ang taga-hatid kasi ako ang hindi masyado nagpapaka-lasing.

Nakita ko na naman ang 6-pack abs niya. Agad kong sinuot sakanya ang kinuha kong t-shirt. Gumalaw-galaw siya, parang nagising ko yata siya.

"Hay. Ang hirap naman nito, para kong umaastang girlfriend mo." Natatawang sabi ko kahit alam ko sa sarili kong gusto ko naman talaga. Nadadala na talaga ako ng kahi-luhan

"Bakit kasi hindi nalang *hik* tayo nalang kaya?"

"Eh g*go ka pala eh ikaw lang hinihintay ko--" Napatigil ako sa pagsasalita. Nung na-realize ko ang mga pinapakawalan kong salita.

Ano'ng sabi niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Proud BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon