[A/N]
Sa next chapter nalang yung picture ni Geo. enjoy. Mwamwa.
***
Chapter 5
Glacey's POV
Naiiyak ako.. Nalulungkot..
Tinraydor na nga ako ng Mommy ko. Pati ba naman yung totoo kong Tatay.
Iyak na ko ng iyak dito. Wala akong paki kung nakikita ako ng bitch na to habang umiiyak ako.
Tiningnan ko yung bitch na to. At nakita kong nakangisi siya sakin.
Nainis ako! Naiinis ako lalo!
"BITCH!" Sigaw ko at sinabunutan siya. Napatili siya at sinasabunutan ako. Sinuntok ko sya. Oo, sinuntok ko siya. Hindi lang yan ang magagawa ko.
"BAKIT BA KELANGAN MONG SABIHIN SAKIN YAN?!" Sigaw ko.
"BAKIT BA?! APEKTADO KA?!" Sigaw niya pabalik kahit nakita kong namumula ang kaliwang pisngi niya.
"Hindi." Sabi ko ng nagmamatigas.
"Oh talaga ba? Bakit mukha kang apektado?" Sabu niya at ngumisi.
"Oo! Apektado na ko! Sino bang hindi maapektuhan, na niloko ka pala ng tatay mo?!" Sigaw ko pabalik.
Yumuko lang siya. "Sabi ko sayo. Im a bit--"
"Tama na! Napakachildish niyong dalawa!" Napatingin ako sa sumigaw, si Liam.
"Childish huh? Ikaw kaya magkaroon ng kapatid sa ibang babae ." Sabi ko sakanya at mas humagulgol pa.
"Wala na yata talaga akong kakampi dito. Ayoko na. Sawang sawa na ko sa ganitong sitwasyon."
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng music room. Naglakad lang ako ng naglakad. Di ko nga alam kung san ako tinutungo ng paa ko.
Habang naglalakad ako maraming nakatingin sakin. Pinunasan ko ang aking mga mata at tiningnan lang sila ng diretso. Sa di kalayuan ay nakita ko ang kinaiinisan kong lalaki. Ang lalaking nakasagutan ko kanina.
Malapit na kami magkasalubong at tumingin siya sakin. Kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya.
Bago ko makalagpas sakanya ay tiningnan ko muna siya saglit at nakita ko paring nakatingin siya.
Palakad na sana ako palayo sakanya ng hilain niya ko ang aking kamay.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.
"Oo naman. Ha. Ha. Ha." Sabi ko sakaniya at nagbigay ng pekeng tawa.
BINABASA MO ANG
The Proud Bitch
Novela JuvenilSinasadya ba ng isang taong maging bitch? o pinanganak na talaga kong ganto? To all the biatch out there! bakit maraming naiinis satin? is it our fault? eh diba ayaw lang naman natin ng sobrang bait? Samahan niyo ko sa trip ng buhay ko. Siguradong m...