Chapter 11

20 1 0
                                        

Chapter 11

Sikretong malupit

*****

Geo's POV

Nakauwi na din ako pagkatapos kong ihatid si Mace. Kanina nung nakita ko yung lalaking humila sakanya, parang iba yung naramdaman ko sakanya. Iba talaga.

Naalala ko na naman ang nakita ko dati sa bahay nila Mace nung okay pa ang mama at papa niya. Bata pa ko nun, pero hindi ko maalis sa isip ko ang pinagusapan ng mama at papa niya. 7 yrs old palang yata kami nun ni Mace.

**flashback**

"Kailan ba natin kukunin si Bert sakanila, Hon?" Tumingin ako sa loob ng naka-awang na pinto, at nakita ko ang mommy at daddy ni Mace na naguusap. Sinong Bert?

"Honey. Hindi pa oras, okay? Kinuha siya nila Tita Lola saatin. Wala na tayong magagawa dun!" Inis na sigaw ni tito Gabriel kay tita Laila.

"Pero we can't keep this secret forever! Hindi natin pwedeng itago to kay Mace!" Kay Mace? Bakit?

"Hey, what are you doing here, Geo?" Napatingin ako sa likod ko, si kuya Gilbert. His 4 yrs Older than us.

"Wala po." Sabi ko nalang. Inaya niya na akong maglaro sa labas ng badminton, pero di maalis sa isip ko ang sikretong yun, ano yun?

****

Hanggang ngayon di ko padin maintindihan yun. Wala talaga akong mahanap na clue tungkol sa sikretong yun.

Nagulat ako ng biglang nagring ang phone ko. Si Mace. Suddenly bigla kong kinabahan, di ko alam. Sinagot ko na ang tawag niya.

[Geoo...] Nagulat ako sa tono ng boses niya, mukhang umiiyak siya. Pero she keeps to be calm.

"You okay?" Tanong ko agad.

[No. I'm not. Actually, I'm crying right now. Ha.ha.ha. ang sakit eh.] Etong kaibigan ko parang broken hearted.

"Sige lang, iiyak mo lang yan. Pumayag ka ba sa annulment?" Tanong ko agad.

[No! Ayoko. Pumasok agad ako sa kwarto nung narinig ko yun. I hate kuya and ate! They're making our lives miserable!] Mas humagulgol siyaaa. Hay.. Masakit naman talaga pag magkaaway ang magulang mo, and when it gets worst, baka maghiwalay pa sila. Kaya syempre nakakatakot naman talaga yun.

"I'm sure hindi naman gusto ng ate at kuya mo ang desisyon ng tatay mo, diba? Tinanong mo ba sila kung gusto nilang mangyari yun?" Walang sumagot sa tanong ko.

"Hello? May kausap pa ba ako?" Tanong ko.

[Geo, are you gay?] Nagulat ako sa tanong ng bwiset kong kaibigan.

"Fvck. I'm not. Pano mo naman yan nasabi?!" Inis kong sigaw.

[Eh kasi ang dami mong alam eh! HAHAHA!] May topak yata itong kaibigan ko, bigla nalang tatawa eh kanina lang umiiyak.

"Hindi porket maraming alam ang isang lalaki ay bakla na. Psh. Ikaw nga tong parang baliw." Sabi ko nalang.

[Ewan ko sayo! Tumigil na ko sa pagiyak kasi gusto kong pasayahin manlang ang sarili ko ngayon, lagi nalang akong naiiyak sa tuwing naaalala sila daddy, ate at kuya. Pero mas lalala pala eh. Wala na yata talaga akong kakampi ngayon, ang hirap talaga.] Hay.

"Hey, hey, hey. Nandito pa kami'ng mga kaibigan mo, remember? Tutulungan ka namin. We will find out kung ano ang dahilan. Hanggang sa magakabalikan ulit ang nanay at tatay mo." Sabi ko.

[Reallllyyy?! Gagawn niyo yun saakin? Yey! When do we start?] Ramdam ko ang excitement netong kaibigan ko. Maghahanda na ako.

"This Saturday."

[OMG! YEHEY! 3 days nalangg! Babye!!] Sigaw niya. Masaya ako basta masaya si Mace.

-----

Glacey Mace's POV

Friday na ngayon, at bukas na kami mags-start kung paano magkakabalikan ulit ang parents ko.

Tinawagan ko sina Geo, sabi niya paunta na daw siya. Yung iba daw di niya alam, wala pa kasi sila sa loob ng Private Room naming lima. Kaya magisa lang ako dito.

"Alone?" Nagulat ako sa pumasok si Grey.

"Why are you even here? This is our PR." Inirapan ko lang siya. Ang sungit ko namn yata hahaha!

"Nagiging sure lang ako kung ayos ka lang." Mahinahong sabi ni Grey at umupo sa sofa.

"Ayos na ayos ako! Kaso nawala ako sa mood ng makita kita!" Sigaw ko sakanya. Baka mamaya may maaway na naman ako nang dahil sa kanya eh, ayaw ko muna ng gulo sa gagawin naming paghahanap ng dahilan ni Geo.

"Aw. Grabe ka naman. Nasaktan ako ah." Sabi niya.

"Seryoso? May gusto ka ba sakin?!" Pagtatanong ko sakanya. Diretsuhan na to, ayoko ng pakipot.

"I don't know." Sabi niya, at nang biglang may tumawag sakanya pero ayaw niyang sagutin. Ilang beses na nagri-ring pero, ayaw niya parin.

"Hindi mo ba sasagutin yan, ang ingay eh!" Inis kong sabi sakanya.

"Ayoko, naiinis na ako kila Lola eh." Sabi niya, buti pa siya kilala niya ang lola niya. Ako kasi hindi, nung pinanganak daw ako ay nangibang bansa na sila ni Lolo.

"Eh sino kasama mo dito? Saka bakit naman naiinis ka sa lola mo?"

"Simula nung naghiwalay sila Lola at Lolo, umalis na kami sa probinsya. At dito na nanirahan. Tas ngayon nangungulit si Lola, di na kasi namin sya matustusan eh." Bigla naman akong kinabahan, pano pag sila nanay at tatay naman ang naghiwalay? Hindi ko na yata kakayanin na may pumalit sa pwesto ng totoo kong tatay kahit may kasaanan siyang ginawa samin.

"Oh ba't ka naiiyak?" Malakas na tanong ni Grey sakin, nagulat sa pagiyak ko. Kahiya. Hindi niya alam ang tungkol sa annulment, dapat walang makalaamn except saming pamilya at mga kaibigan ko.

"Wala! Dapat kasi *sniff* tinutustusan niyo yung lola mo! Hindi mo ba alam kung gano kahirap mamuhay ng magisa?! Tas hindi niyo pa siya tutustusan?! Ang hirap nun ah!" Sinigawan ko siya, bigla nalang din tumulo ang luha ko. Alam ko ang pakiramdam nun, yung wala kang kasama kahit alam mong nandiyan naman talaga sila.

"Anong ginagawa mo dito?!" Napatingin ako sa bagong pasok palang na tao rito. Si Geo.

Tumingin siya sakin at biglang napasimangot. Oo nga pala! Yung pagsigaw ko kanina, atsaka yung namumula kong ilong.

Lumapit siya kay Grey at hinawakan ang kwelyo ng polo niya. Tinaas niya ito, para masakal.

"Hoy, ibaba mo nga yan. Di niya ko pinaiyak, okay?" Mahinahon kong sabi kay Geo. Kung bakit ganyan yan? Wag niyo nalang alamin. Isang malupit na sikreto yan.

Nakita kong nagulat si Grey, at di siya makapagsalita. Duwag pala tong lalaking to eh.

"S-sige a-aalis na ako, m-maya nalang Glacey." Nanginginig na sabi ni Grey at tumakbo na palabas.

"Bakit kasama mo yun?" Inis na tanong sakin ni Geo, kumuha lang ako ng iced coffee sa Ref namin.

"Wala naman. Nagkwentuhan lang." Mahinahon kong sabi.

"Talaga? Wala ka bang napansin sakanya?" Tanong nya sakin pero umiling lang ako.

"Parehas kayo ng kulay ng mata. At m-medyo magkahawig k-kyo." Napatingin ako kay Geo nang nakasimangot.

"Napansin ko syempre na pareho kami ng kulay ng mata. Pero magkahawig? No way! Ayokong maging kamukha yung ungas na yun!" Natatawa kong sabi.

"Basta. Layuan mo siya." Seryosong sabi ni Geo. Pero inirapan ko nalang siya.

"Masyado mo naman akong love." Nakangisi kong sabi sakanya.

"Of course, iloveyou." Napatingin ako sakanya, kinabahan ako bigla.

Anong sabi niya?

The Proud BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon