Chapter 6

49 1 0
                                    

[A/N Si Geo po yung nasa itaas just like what i've promised guys!

Enjoy!]

Chapter 6

Glacey's POV

"Po?! Ahahahaha! Hindi po ano! Hahahaha!" Banggit ko at todo akong tumatawa. Hahaha. Pakshet. As if namang papatulan ko yung lalaking yun.

"Phew. Grabe, mapapa-ligawan pa kita sa anak ko. Hahaha." Tawa naman ni ninong. Teka, ano daw? Ligaw? Anak niya? Edi go!

"Sino ba Ninong? Sige lang po!" Sabi ko naman at napatawa siya. Nagtatawanan kami ng may tumawag kay Ninong.

Tumingin siya sakin at bigla naman akong nagtaka. "Uhm, Glacey, i have to answer this. Next time nalang." Sabi ni tito at nagba-bye na sakin kaya ako bumalik nalang ako sa uupuan ko.

Nakita ko namang kumakain na tong lalaking to. "Hoy!" Sabi ko na ikinagulat niya naman. Nasamid pa ang loko.

"HAHAHAHA!" Natawa nalang ako kasi ang panget ni loko.

"Baliw ka. Ang sharap sharap kumain e." Sabi niya naman pagkatapos uminom ng milk tea. Dahil sa inggit, kumain na din ako.

"By the way, bakit ka nga pala umiiyak kanina?" Tanong niya. At tumingin naman ako sakanya.

"Close tayo te? Bat sasabihin ko sayo?" Sabi ko at umirap. Napangisi nalang din ako dahil parang naiinis na siya.

"Well, sige. Ako si Grey Bert Meneses.. New student sa inyo na nakasagutan mo kanina bago ako pumasok sa room dahil sa kagwapuhan ko." Sabi niya ng natatawa, ang kapal din ng face. Ilang layers kaya meron ang mukha nitong lokong to.

At saka Meneses?! Kilala ang Meneses dahil isa sila sa 10 sa pinakamayayamang komoanya dito sa pilipinas.

"Wow. Richkid ka pala. Dapat ikaw nanlibre." Sabi ko naman sakanya at nakita ko siyang tumingin sakin ng seryoso.

"Hindi ako, sila lang ang rich." Sabi niya na hindi ko naman nagets. Mukha namang nakuha niya kaya nagbuntong hininga siya "i mean ang mga kamag-anak ko lang ang mayaman. Halos nga hindi ako kasali sa pangkat nila." Sabi niya na lalong nakakapagtaka.

"Bakit naman? Anak ka ba sa labas?" Tanong ko. Kung anak siya sa labas, edi wow. Bagay na sila ni Manang Loraine na bitch.

"Hindi." Seryosong sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Eh bakit? Anong nangyari? Make some kwento. Nakaka-curious kaya. Kwento moo!" Sabi ko naman, kasi totoo naman e. Nakakacurious na hindi siya tinuturing na kapamilya.

"Kung ip-promise mo na ik-kwento mo din yung iyo. Kung bakit ka umiiyak." Sabi niya kaya tumango nalang ako. Para fair diba?

"Ganito yun.. My Mom and Dad.. Aksidente nila akong nagawa. It means aksidenteng nabuntis ang nanay ko." Pagsisimula niya na ipinutol ko.

"Wait?! Aksidente?! Aksidenteng nabuntis bakit?! Nabangga ba yung nanay mo ng rumaragasang hotdog?! Hahaha!" Pagbibiro ko pero, ako lang ang tumawa. That feeling. Ang awkward. "Continue." Sabi ko nalang.

"Okay. Mahal nila ang isa't isa. Pero may nangyari. Nagkainuman ang barkada nila dad, kasama ang sari-sariling girlfriend at si mom ang kasama ni dad. Tapos yun, nangyari na nga ang dapat mangyari. Hindi matanggap ng grandma ko sa side ni dad ang nangyari pero sa huli tinanggap nila pero wala sa puso. Kaya ngayon, kami ni mom ang hirap dahil sa ipinamamalas saming nakaka-out of place talaga. Kaya pag may reunion, kahit ayaw namin umattend, pinipilit parin kami ni dad. At sinabing ipagtatanggol kami, pero wala parin talagang laban si dad kaya lagi kaming tahimik ni mom." Sa sinabi niyang yun, napatahimik ako.

The Proud BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon