Chapter 10

28 0 0
                                    

A/N : At napagdesisyonan ko nang wag munang  ituloy ang Accidentally Fell Inlove With My Bestfriend nila Bela at Xander. Kulang sa time eh. Busy na ako sa summer workshop at malapit na din ang pasukan, pero I'll try parin. Love ko ang wattpaddy eh. Hahaha.

By the way, credits to @CSDGuevarra siya yung nag-create nang wonderful cover ng story na to. Kasi di ko alam kung pano eh. Hahaha! So, can anyone teach me how to create a cover? Yung magandang editorial app okay? Saka teach niyo ko sa techniques hahaha.

*****

Chapter 10

Hang out

Glacey Mace's POV

"Ilang araw na bang hindi pumapasok so Xander?" Tanong ko kila Liam. Di ko na kasi mabilang kung ilang araw na di pumapasok si Xander dahil nga busy na ngayon sa school. Malapit na kasi ang 1st periodic test namin kaya puro quiz na at recitation.

"2 weeks." Walang ganang bati ni Geo, pag wala kasi si Xander parang di narin kami buo. Ang boring, kasi kulang kami.

"Wala ba kayong balita tungkol sakanya?" Tanong naman samin ni Liam. Umiling iling lang ako.

"Hindi man lang nga siya nagrereply sakin pag tine-text ko siya eh." Tiningnan ko ulit ang phone ko, pero wala ni isang reply manlang niya.

Tumingin ako kay Bela na tahimik lang kumakain ng lunch niya. "Ikaw ba Bela? Nagkikita ba kayo ni Xander?" Tanong ko kay Bela, aaminin ko naman kasing mas close ni Bela si Xander kaysa samin.

Mukhang nagulat siya sa tinanong ko, kaya napainom siya ng tubig. Hmm. "W-wala. Hindi kami ano, hindi kami nag-k-k-kita." Nahihiyang sabi niya, wow ah, nauutal pa.

Nagkatinginan lang kami ni Geo, kami lang dalawa ang nagkakaintindihan gamit sa tingin. Bestfriend ko silang lahat, girl bestfriend ko si Bela pero hindi kami ang laging magkasama. Kami ni Geo ang laging magkasama. Tas si Bela naman at Xander, si Liam? Kelangan pa bang tanungin yan? Edi syempre yung mga babae niya.

"Mace, hang out tayo mamaya?" Tanong sakin ni Geo.

"Sige. Saan?" Tanong ko sakanya. Alam ko naman ang paguusapan namin. Syempre yung pagkabalisa ni bela, at tungkol kay Xander.

"Kahit san. Kwentuhan lang tayo. Medyo busy na rin kasi this past few days, right?"

Ngisi niya sakin, tumango lang ako.

"Oh eh ba't kayo lang?!" Sigaw ni Liam samin, wala namang pakielam si Bela siguro sanay na siya.

"Ayaw mo nga nun, maso-solo mo yung girls mo mamaya?" Sabi ko sakanya nang nakangisi. Pero sumimangot lang siya.

"Wala nga 'kong mahanap na babae eh." Nakasimangot nyang sabi.

"Huh? Kadaming babae dito eh." Sabi ni Geo at napasapo nalang sa noo niya. I can't believe this Liam, sa dinami dami ng babaeng naloko at sinaktan niya saka pa soya maghahanap ng iba. Sa dinadami dami din ng pwedeng babae diyan ay.. Hay nako!

"I want one who's different." Seryosong sabi ni Liam. Hay ewan ko sa lalaking to. Bahala siya.

Nung nag bell na ay nagsipuntahan na kami sa bawat section namin, pero sobrang ingay ng mga kaklase ko di pa ako nakakapasok sa loob nun ah!

"Oo girls. Hahaha, natatawa nga ako eh. Glacey is just wasting her time on me nun. Hahaha. Nakakatawa ang mukha niya." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig yun sa loob ng room ko.

The Proud BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon