CHAPTER 4

2.3K 84 3
                                    


ZARINA's PoV

Hindi na ako babalik sa 'yo kahit kailan Roi, tapos ka na sa pagpapanggap. Ranggo ko lang naman ang kailangan mo sa 'kin 'di ba?

Maya-maya pa dumating na rin sila Shaiah.

"Uyy, tulalers ka diyan?" Tanong sa 'kin ni Shaiah.

"He found us," I said.

"Who?" Tanong niya, tumaas ang isang kilay ni Kiella dahil sa pagka-slow ni Shaiah.

"Sino pa ba edi yung magaling niyang EX," sabi ni Kiella.

"Ano nanaman ba ang binabalak ng walang hiyang 'yon?" Shaiah asked, halatang nairita sa nalaman.

Wala ng sumagot kaya naman nagsipag-kainan na kami. Nagkwentuhan pa kami hanggang tumunog ang bell.

"Riinngg, riiinngg"

Nagsibalikan na kami sa room.

Pinihit namin ang door knob pero hindi ito mabuksan.

Nangtitrip nanaman sila, wala na kaming oras. 'Pag dumating yung lecturer, otomatik ma-pu-punishment kami nito.

No choice kami kaya sinipa ko ng malakas ang pinto at bumukas ito. Nakita namin ang mga kaklase namin na nakanganga habang yung iba naman ay nakabulagta sa sahig, tsk, paharang-harang kasi.

Tumuloy na kami sa mga upuan namin at nagsuot ng mga earpods.

Ang tagal naman ni Ms. dumating.

"Good morning section Black, hindi ngayon makakapasok si Ms. Veronica kasi may meeting ang mga teacher, so plss keep quiet and behave. Bye," anunsiyo ni bakla, ang president ng campus.

Pagka-alis na pagka-alis niya ay yun naman ang hudyat ng sipag ingayan ng mga classmeyt namin.

"Whooooo! walang teacher, walang teacher!!" Kanta ni Jonathan, ginawang mic ang tumbler niya.

Pinagmasdan ko silang lahat. Merong nagce-cellphone, nagkakantahan, nag u-uno, nagbabatuhan ng papel, at yung iba naman ay nag-e-earphone lang at tahimik na natutulog.

Sa inis ko dahil ang ingay nila ay sumigaw na 'ko.

"HINDI BA KAYO TITIGIL SA PAG-IINGAY MGA DIP*TA KAYO?!" sigaw ko. Natigilan ang lahat at tumingin sa 'kin.

"HINDE!" sagot nilang lahat ng sabay-sabay bago bumalik sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

Grrrr. Nakakainis. 'Di ko na sila pinansin at nag-facebook na lang. In-open ko ang real account ko na Zarina Hernaqui, at nagpost ng picture na naka two piece sa boracay na may cap, naka sun glasses at naka hawak sa cap ko habang nakatingin sa malayo.

Nilagyan ko 'yon ng caption na "I'll never be yours."

Isa rin pala akong sikat na modela. Binansagan nila akong IG Queen dahil sa dami ng tumatangkilik sa mga post ko. May iilang nakakaalam ng pagiging gangster ko kaya hanggang ngayon issue pa rin nila sa akin 'yon.

Napansin ko na nagsipagtahimik silang lahat.

"Nag-post na si IG Queen. Tingnan niyo, wala paring kupas ang ganda niya, kyaahh!" sabi ni Alina.

"Pre, ang sexy ni Zarina, oh!" Sabi ni Kyle.

"Grabe, idol na idol ko 'to eh!" Dugtong pa nito.

"Queen, nag-post ka?" Tanong sa 'kin ni Shaiah ng pabulong.

"'Di pa ba obvious?" Sagot naman ni Kiela ng patanong.

Maya-maya pa, may narinig kaming putukan ng baril sa labas.

"Mukhang alam na nila," aniya ni Kiella. Naalerto ang lahat.

"Kailangan natin magpakita bago pa sila mandamay ng inosente," saad ko.

Pagkasabi ko nun ay tumakbo na kami palabas. Rinig namin ang mga sigawan ng klasmeyt namin na huwag kaming lalabas dahil delikado pero 'di namin 'yon pinakinggan, kaya naman nagsilabasan sila kasunod ng iba pang section at nagtungo sa quadrangle.

Kami naman ay pumunta sa dean's office para magbihis. May access kami dito dahil tita ko ang dean rito.

KURT POV

Nakakapagtaka lang kasi bigla na lang umalis yung mga nerd na 'yon, sinisigawan namin sila na delikado pero 'di nakinig. Tigas ng ulo! tsk.

Lahat kami nagtaka kaya naman sinundan namin sila, bigla na lang nagsilabasan ang iba pang section at nagtungo sa quadrangle.

Bigla na lang silang nawala, hinanap namin sila sa buong quadrangle kasama ang mga kaklase namin, pero wala.

*A few moments later*

"BITAWAN MO SIYA, KEIFER!" Sigaw ng kung sino, ang lamig ng boses niya.

Pagharap namin sa likod nakita namin' lahat ang THREZASHKIE.

"Bibitiwan mo siya o gigilitan kita?" Tanong ni Zarina sa lalaking tinawag niyang Keifer.

Hawak nung lalaki ang baklang presidente ng campus. Lahat ay natakot ng banggitin 'yon ni Zarina.

"Ako ang hinahanap nyo 'di ba?" Tanong ulit ni Zarina do'n sa lalake "Anong kailangan niyo?" Tanong niya ulit.

"Sumama ka sa 'min," Sagot ni Keifer.

"Sinong tanga ang susunod sa 'yo?" Tanong ni Shaiah.

Halatang nainis si Keifer, sinenyasan niya ang mga kasama niya na sugurin ang THREZASHKIE.

Hindi nagdalawang isip ang Threzashkie na labanan ang tauhan ni Kiefer.

Wala parin' kupas ang galing nila sa pakikipag-laban, dalawang taon kasi silang hindi nagpakita matapos maghiwalay si Zarina at Roi dahil ranggo lang ang habol nito sa kaniya.

Akmang may sisipa sana kay Zarina sa likod nang unahan ko iyon ng sipa at suntok sa sikmura, 'di pa ako nakontento kaya naman siniko ko pa sa batok, ayon tulog.

Tiningnan ako ni Chelsea at tumango.

Bigla niya na lang ako tinutukan ng baril sa 'di ko malaman' dahilan, kaya napataas ako ng kamay. Natawa siya ng bahagya, lalo akong kinabahan ng kinasa niya ang baril.

Nakita kong kakalabitin na niya ang baril. "T-teka-" hindi pa tapos ang sasabihin ko ng kalabitin na niya ito. Napapikit ako.

'Bakit niya ako binaril?'
'Anong kasalanan ko?'

Maya-maya ay babagsak narin naman ang katawan ko. Dumilat ako at nakita ko sila Kyle na nagpipigil ng tawa. Sinenyasan ako ni Zarina na tumingin sa likod ko, tumingin din ako at nakita ko yung katawan ng lalaki na nakahilata sa likod ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Zarina at tinapik ako sa balikat.

I-isang malaking kahihiyan.

...

The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon