CHAPTER 25: JONA'S EX

1.4K 54 0
                                    

ZARINA'S POV

Pagkatapos ko magpadala ng voice message ay natulog muli ako.

Nagising ako sa pagyugyog sa 'kin ni Kiela. "Wake up, Zai, nandito na tayo," aniya.

"Nasa'n sila Shaiah?" tanong ko habang nag-uunat.

"Tinutulungan yung mga F.A. sa pag-aayos ng mga gamit na dinala nya,"

Tumayo na ako at binitbit ang mga gamit namin palabas ng plane. Naningkit ang mga mata ko dahil sa maaliwalas na sikat ng araw. Kahit na maaraw ay damang-dama mo pa rin ang lamig dito.

Tuloy-tuloy lang ang pagbiyahe namin hanggang sa makarating sa tinitirhan nila Jona.

Pagbukas namin ng pinto ay iniluwa nun si Jona.

Agad namin tinakpan ang tainga namin dahil for sure may pasabog na nakabibinging intro si Jona. "MGA ATE KONG PANGET!" biglang sigaw niya at yumakap ng pagkahigpit-higpit sa 'min.

Hindi ako makahinga.

"J-Jona, h-hindi na k-kami makahinga..." nahihirapang ani Shaiah. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap.

"Namiss ko kayo mga ate kong angry birds!" masiglang sambit ni Jona. Bakas ang saya at excitement sa mukha niya.

"Makapanget ka naman, baka nakakalimutan mo, mas panget ka paren," asar ni Kiela.

"Do'n ka nga sa far away! Kakarating lang namin panlalait agad buka ng bibig mo," ani Shaiah saka umirap.

I sighed. 'Yan na naman sila sa usapang panget.

"Ate Zai, na-miss kita ng sobra!" Kinurot pa niya ang dalawang pisngi ko. Rinig ko tuloy ang pag-ismid ni Kurt.

"B-Bitawan mo 'ko o sasapakin kita?" banta ko kaya agad niya binitiwan ang pisngi ko.

Mas makulit pa 'to kay Shaiah!

"Baka pwede mo na kaming papasukin, nangangawit na kami dito," sabi ko habang nakapameywang.

"Ang hot ng blood mo ngayon ate Zai, psh!"

"Lagi naman," singit ni Kurt.

Pagpasok namin ay deretso agad kami sa sofa at sumalampak.

"Comfortable?" tanong ni... Minyo!

Agad kami nag-angat ng tingin kay Minyo.

"Yeah." Nabaling kay Josh ang paningin namin nang sumagot ito.

"Huy! si Coach Minyo 'yan," suway ni Kiela.

Agad sila nagsipag-angatan ng ulo.

"PARK!" sigawan nina Kyle.

Magkakilala sila? What the heck? Bakit hindi manlang nila sinabi?!

Nagsikuhan silang lima at nagtatawanang bumalik sa upuan.

"Magkakakilala kayo?" kunot ang noo kong tanong.

"Yup. Si Park ay matagal na naming kaibigan, kuya na nga ang turing namin sa kaniya, eh" paliwanag ni Kurt.

"Talaga?" hindi makapaniwalang saad ni Shaiah.

"Kumain muna kayo. I'm sure gutom na kayo," aya ni Minyo.

The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon