CHAPTER 28

1.3K 58 5
                                    

ZARINA'S POV

Nakahanda na ang lahat sa laban na magaganap. Lahat ng tauhan ni Minyo ay ipapadala sa pilipinas dahil alam naming higit pa sa libo ang tauhan ng mafia.

"Whoah! Welcome back to pinas self!" ani Shaiah at nag-unat pa ng katawan.

Nandito kami sa airport, kala-landing lang ng plain na sinakyan namin, gano'n din ang iba pa.

"Ako na," umangat ang tingin ko nang magprisinta si Kurt na dalhin ang mga gamit ko. Binuhat niya ang bag ko na puno ng mga armor.

Palibot ang mga guard sa'min. Napatigil ako nang may mapansin sa 'di kalayuan. May nakikita akong imahe sa isang gusali na hindi maipagkakailang nagmamasid.

Kinuha ko ang isang baril ng guard at pinaputok iyon sa direksyon niya, natamaan siya sa kanang braso dahil hinawakan niya iyon bago umalis.

"Sino 'yon?" walang ganang tanong ni Kiela.

"Panigurado napag-utusan," sagot ko.

"Grabe! walang pinagbago" mangha ni Carina.

"Malakas pa rin pakiramdam ni bakla!" ani Tonio.

"Wag mo 'kong tawaging bakla, tandaan mo ikaw lang yun," iritada kong saad.

"Ayy... sungit."

Sinilip ko lahat ng mga tauhan ni minyo pagkasakay namin sa Van. Hindi narin masama. Pwede na.

Magkano kaya nagastos niya sa pagrenta ng mga van?

"Maraming buhay nanaman ang magsasakripisyo..." sambit ni Kiela habang pinagmamasdan ang mga kuko niya.

Napansin kong kanina pa 'di umiimik yung apat.

"Problema niyo?" kunot ang noo kong tanong kay Kurt.

"Ayaw naming umasa sa'yo kaya nagsagawa kami ng plano," nakangiting tugon niya. Napataas na lang ako ng kilay at tumango-tango, ngunit naniningkit ang mga matang umiwas ng tingin sa kanila.

"Zai, pag'tapos nito wala ka nang ica-cancel na pictorial, ah?" ani Shaiah. Ang random naman ng babaeng 'to.

"Mag q-quit na'ko sa modeling," Nabigla sila sa sinabi ko kaya napalingon silang lahat sa'kin nang sabay-sabay.

"Why?" nag-aalalang tanong ni Minyo.

"Bruh! Sunod-sunod kaya mga pictorial ko, pa'no ko na maaasikaso ang UG?"

"Kami na bahala do'n," ani Tonio.

"Sayang naman..." panghihinayang ni Kyle.


KURT'S POV

Pa'no ko ba sasabihin sa kanya?

Matagal ko na 'tong nararamdaman pero 'di ko kayang sabihin sa kanya... natatakot ako.

Natatakot ako na baka iwasan niya ako. Natatakot ako na baka mailang na siya sa 'kin at layuan ako. 'Di ko nga lang siya makita ng ilang minuto nagwawala na ang puso ko.

Pa'no ko ba sasabihin?!

I'm weak! Lumalambot ang matigas kong pangangatawan sa kanya. Nakakatunaw ang kagandahang taglay niya—

"Huy! Kanina ka pa tulala," nabalik ako sa ert nang pumalakpak si Zarina sa harap ko.

"H-huh?" wala sa sarili kong sambit.

"Ano ba iniisip mo?" kuryosa niyang tanong.

"W-Wala..." Pinagkrus niya ang dalawang braso niya at tumingin sa mga mata ko nang deretso na animo'y sinusuri ang loob ng isip ko.

"Uy, pare! namumula ka, HAHAHA!" asar ni Kyle.

"An'yari sa'yo, tinitigan ka lang eh, HAHAHA!" hirit din ni Josh.

Problema ng mga taong 'to?

"Mukha ka nang kamatis, HAHAHA!" ani Haru na namumula na sa katatawa.

"Tumigil nga kayo!" pinilit kong patigasin ang boses ko.

"Ang cute mo pala..."  Napalingon ako nang deretso kay Zai nang sambitin niya iyon.

Nakaramdam ako ng init. Ramdam ko rin ang nagbabadyang pamumuo ng pawis sa noo ko.

"HAHAHAHA! Lalong namula, dude!" lalong lumakas ang pagtawa ni Kyle.

Pinagti-tripan ako ng mga animal!

Sinamaan ko nang tingin si Zai pero nakangisi lang siya habang inilalayo ang tingin sa 'kin.

Agad kaming nagtungo sa loob ng UG pagkarating namin.

"Dito muna silang lahat. Magpapa-iwan kami ni Jona dito para isagawa ang plano,"  ani Minyo. Tumango kami. Lumabas yung isang tauhan nila Zai upang ihatid si Minyo sa loob.

"Tara na, 'antok na'ko," humihikab na ani Zarina.

___

"Start na naman ng pasok natin bukas," reklamo ni Shaiah.

"Kayong dalawa, 'wag kayong gagala bukas. Dito lang kayo," bilin ni Zai kina Tonio. Nagsalute naman yung dalawa.

"Paniguradong madaming magmamasid satin," naka-crossed arm na saad ni Kiela.

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ni Aya.

Nagtungong kwarto si Zai. Malamang matutulog ulit 'yon. Walang humpay ang tulog niya these days. Yung tatlong ugok naman ay mahimbing ang tulog na nagsisiksikan sa iisang sofa. Kanina pa kasi nila pinag-aagawan iyon. Ang ending nakatulog sila.

May tinatago din naman pala silang ka-sweet-an 'pag tulog.

"Magpahinga na muna tayo. Grabe nakakapagod, pakiramdam ko pumapayat na'ko," nakangusong sambit ni Shaiah habang pinipisil pisil ang kanyang bilbil.

Tsk. Tsk. Tsk. Woman.

...

The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon