CHAPTER 15: MISSING QUEEN 2

1.6K 67 0
                                    

ZARINA'S POV

Pagka-alis ni Roi ay agad nagsilapit ang mga daga niyang alagad papunta sa 'kin.

"Subukan niyong lumapit, lilipad 'tong upuan sa mga panget niyong pagmumukha," banta ko.

"Hahaha, paano mo naman gagawin 'yon, nakatali ka nga 'di ba?" At nang-aasar kapa ha?

Let's see kung hanggang saan ang kaya niyo 'pag natanggal ko na 'tong tali na kanina ko pa kinakalikot.

Sinampal-sampal nila ako at nagtatawanan.

"Alam mo, sayang hindi ka namin pwedeng galawin," bulong sa 'kin ng lalaking nasa harapan ko. Ew!  Mas gugustuhin ko pa na mamatay kaysa mahawakan ng dugyot na 'to.

Tuluyan ko nang natanggal ang pagkakatali nila sa 'kin. Sinipa ko ang nasa harapan ko at tumayo ako upang labanan ang iba pa.

Bago ko pa man masuntok ng tuluyan ang lalaking mukhang tatay ay bigla na lang ako nahulog, tsk, matalino din pala kayo, eh.

Napunta ako dito sa may Cage na malaki at kasyang kasya ako dun.

"Hahaha, pumalag ka ano?" malaki ang pagkakangising saad ng kumag na Roi na nasa harapan ko. "Syempre hindi ako papayag na mapasakanila ang virginity mo," dugtong pa niya bago lumagok ng isang basong alak.

"And so?" mataray kong sambit.

"Kailangan ako ang makauna," singhal niya.

Yuck. Big ew!

"May sinasabi ka?" Tanong niya.

"Bakit may narinig ka?" Nang-aasar kong tanong.

"Napakapilosopo mo talaga kahit kailan," paki mo ba?

"Wala kana do'n," mayabang kong singhal.

"Aba't nasa panganib na nga lahat-lahat may gana pang mamilosopo?"

"Aba't nasa lahi na siguro namin 'yon, Mr." Pang-aasar ko habang nakataas ang isang kilay.

"Ang ingay mo!" Pagrereklamo niya.

"Aba't sumasagot lang naman ako sa sinasabi mo, eh,"

May pinindot siyang button kaya may lumabas na mga usok sa ibaba ng kulungan ko. Bigla na lang dumilim ang paningin ko.

___


KURT'S  POV

Nasa'n na ba ang babaeng 'yon? Halos Tatlong oras na akong naghahanap 'di ko pa rin siya makita. Sumakay lang naman siya ng taxi, ah.

Pero teka. Bakit nga pala walang plaka yung sinakyan niya?

Yung tatak ng kotse.

H-hindi, sh*t! Nasa panganib si Zai!

The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon