ZARINA'S POV
"I like you."
Bumalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Kurt.
Isang linggo na ang nakalipas 'mula nung nag-confess si Kurt. 'Di pa rin mawala sa pandinig ko ang sinabi niya. 'Pag naririnig ko yun bumibilis ang tibok ng puso ko.
Pero hindi pwedeng tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya, lalo na 'pag nalaman ng mga kalaban namin ang kahinaan ko.
"Tok, Tok, Tok"
"Zai, are you awake?" rinig kong tanong ni Kiela mula sa labas ng k'warto ko.
Nagsimula na rin ang sembreak namin.
Imbis na mga activities ang inaasikaso namin ay—ang pagpaplano. Planong pabagsakin ang mafia boss. Kahit na alam naming mahirap silang kalabanin, kakayanin alang-alang sa kaligtasan namin at ng lahat ng Gang. Dahil 'pag hindi pa sila napabagsak, tuluyan na silang maghahari sa lahat ng mga kriminal.
Si Minyo ay bumalik na sa korea para bantayan ang UG doon. Nalaman kasi naming doon ang first target nila nila Roi.
Siyempre hindi kami kakagat sa patibong nila. Alam naming 'pag sumunod kami kay Minyo ay magkakaroon sila ng tiyansang pabagsakin ang UG ng pinas.
"Zai, are you awake na ba?" muling tanong ni Kiela.
"Oo!" sigaw ko.
Sa wakas ay tumigil na rin sa pag katok.
Pagbaba ko ay uunat sana ako nang makita ko sina Kurt na nakaupo sa sala kaya ibinaba ko ang kamay ko.
"Good morning, my beautiful Zarina!" masiglang bati ni Kurt bago ako sinalubong ng yakap. Hindi na ako naka-angal dahil natakpan ng makisig niyang dibdib ang mukha ko. Napakabango...
Siya yung tipo nang lalaki na pinapangarap ng nakararaming kababaihan. He's smart even though parang hindi siya nakikinig sa klase. Good looking. May masungit na awra kaya hindi mo aakalaing mahangin pala. Aish! Bakit ko ba siya dinidescribe?
Pero aaminin ko. Nakaramdam ako ng excite nang makita ko siya.
"One week no see," nakangiting ani ni Kurt matapos humiwalay sa pagkakayakap.
"Edi kayo na!" Tinaasan ko ng gilid ng labi si Shaiah.
"Don't worry baby Aya. I'm here." Lahat kami ay napalingon sa gawi ni Kyle nang sabihin niya iyon.
"Yuck!" Umakto pa si Shaiah na parang nandidiri na nasusuka.
"Psh! Mag-boyfriend ka na kasi, Shaiah. Baka malipasan ka pa ng panahon at lumagpas ka sa kalendaryo," ani Kiela na nakapandekwatro sa sofa.
"Ikaw kaya mauna. Wala pa ngang nanliligaw sa 'kin eh," naka-pout na saad ni Shaiah.
"No prob baby, I'll court you," sambit muli ni Kyle.
"Hoy, Kurt! Bunso natin binata na," sumbong ni kuya Josh kay Kurt.
"Hoy! Anong binata pinagsasabi mo?" angil ni Kyle.
"Bakit, ayaw mo?" taas ang isang kilay na anong ni Josh, "Gusto mo baby?" dugtong pa niya.
"Psh! Nakakainis ka talaga kahit kailan 'no?" inis na ani ni Kyle.
BINABASA MO ANG
The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Teen FictionZarina Hernaqui, the tough queen of the female gang, kept her real identity hidden with her friends Kiela Xienna Gozdella and Shaiah Yanazco to avoid being caught by their enemies in the underworld. Her ex-boyfriend wants to take her place as the Ga...