ZARINA'S POV
Ewan ko ba ba't ang tamlay ko ngayon. Wala ako sa mood. Sobrang lantang gulay ng katawan ko pero pinilit ko pa rin makatayo para pumasok sa school.
Studyante na naman for today. Hayst.
"Ready ka na, Zai?" wirdong tanong ni Shaiah na malawak ang pagkakangiti. Tumango lang ako at sabay-sabay naming pinaandar na ang motor patungong school.
Sana lang walang bumwiset sa'kin.
• S C H O O L •
"Nagbalik na sila queen,"
"OMG! medyo pumayat sila,"
"Grabe! Gaano kaya kahirap maging queen?"
Pinarada namin ang motor namin at dumeretso sa room.
"Wala pa yung mga ugok?" tanong ni Aya.
Kiela teased. "Mga yun pa? Mas maaga pa yata sila sa alas tres kung pumasok," biro ni Kiela.
"Ano kaya'ng ginagawa nung dalawa do'n?" wala sa sariling sambit ni Shiaha habang naglalakad patungong klasrum.
"Aba'y malay ko, kita mo namang nandito ako," sarkastikong sagot ni Kiela.
Then the war begins.
Nang makarating na sa room ay kaliwa't kanan na naman ang tinginan.
Mga artista ba kami?
"Miss ko na mga pictures niya. Balita ko 'di na siya uma-attend sa pictorial niya."
"Kala ko nga pangit yung mukha niya, eh kasi laging hindi kita yung mukha niya sa mga pictures."
Umupo lang ako at hindi na nag-abala pang batiin sina Kurt.
"Okay ka lang?" tanong ni Kurt na hinawakan pa ang balikat ko.
'Di ko siya pinansin at ipinikit lang ang mga mata. Hindi ako mapakali, parang may nakatingin sa 'kin, pakiramdam ko pinagmamasdan bawat galaw ko.
Something's strange...
Itinaas ko ang ulo ko at nilibot ng tingin ang kabuoan ng classroom.
May mali dito.
"Good morning. I'm your new adviser. I am so sad to tell you na nag-retired na ang dati niyong adviser dahil may karamdaman siyang iniinda. Nawa'y isama natin siya sa ating mga dasal. My name is Veronica Sumon, you can call me Ms. Vica, 'cause I'm still single and our lesson for today is..." pakilala ng new adviser kuno.
Tahimik ang lahat na nakikinig sa harapan. Napalingon ako sa kabilang row sa pinaka likod. May napansin akong bagong studyante.
Bakit hindi siya pinatayo at pinakilala ang sarili? Imposible ring may sakit si sir dahil ang lakas-lakas ng pangangatawan niya. Kumpleto sa bitamina at lingo-lingo rin siyang nagpapa-check up.
Lalong nangunot ang noo ko. This.is.bad. Really bad.
'riiiiiiing , riiiiiiing'
Nagsilabasan na ang lahat para kumain at bumili ng makakakain nila.
BINABASA MO ANG
The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
JugendliteraturZarina Hernaqui, the tough queen of the female gang, kept her real identity hidden with her friends Kiela Xienna Gozdella and Shaiah Yanazco to avoid being caught by their enemies in the underworld. Her ex-boyfriend wants to take her place as the Ga...