KURT'S POV
Bumaba kami sa van at lumapit ang mga bantay dito sa tapat ng mansion ng mafia.
Nang makilala nila kami ay agad din nila kaming pinapasok.
"Hinihintay na kayo ni boss," sàbi nung isang bantay.
Talaga namang napakayaman ng mafia. Gate pa nga lang hitsurang ginto na pa'no pa kaya dito sa loob. Mamamangha ka talaga halos lahat ng mga gamit ay yari sa orihinal at mamahalin.
Sinundan namin ang mga tao niya hanggang sa isang malaking pinto. Bumukas iyon at nakita namin ang isang lalaking nakaupo sa upuan. Naka-mask siya kaya hindi namin makita ang mukha niya.
"Buti dumating kayo..." sulpot ng isang lalaki, si Roi.
ZARINA'S POV
Uminit na naman ang dugo ko nang makita ko ang lalaking 'to.
"Kumusta, baby?" nakangiting bati niya sa 'kin.
"Psh! Baby your face!" angil ni Kurt.
"Why? Is she your baby?" mapang-asar na tanong sa kaniya ni Roi.
"Yes. She's mine. And she'll never be yours," igting ang pangang saad ni Kurt.
Kinilig ako... unti lang naman, mga 100%.
Siniko ako ni Kiela. Kita ko naman ang nakangising mapang-asar na hitsura ni Shaiah.
Tsk!
"Maupo kayo."
Natigil ang tensiyon sa pagitang nilang dalawa nang magsalita ang nakaupong lalaki alam kong sya ang mafia dahil tagong tago ang mukha nya.
Nagsiupo kami.
"So ano ang gusto niyong kapalit para matigil ang labanang 'to?" deretsang tanong ko.
"Simple lang naman," panimula nang mafia. "Kapalit ng buhay mo." pagkasabi niya nun ay tinanggal niya ang harang sa mukha nya.
"Dad..." sabay kaming napatayo ni Kuya Josh.
"Yes. I am your father."
What?! Siya ang mafia? What the fvck is happening?!
"No! You're not our father! You'll never be." igting ang pangang sambit ni Kuya Josh.
What—Why? Bakit parang malaki ang galit niya sa walanghiyang tatay namin?
"Nagbago ka na, Dad simula nang nawala si elise,"
Who is Elise?
"I mean, step dad." nabigla ako sa binanggit ni Josh.
Stepdad? What?
"What! S-Step dad?!" kunot ang noo kong tanong.
Gulong-gulo na 'ko. Totoo ba ang sinasabi niya? H-Hindi namin siya tunay na ama?
Lahat nang nandito ay gulat na gulat.
"Yes. He's NOT our real father!" paglilinaw ni Kuya Josh.
Napalunok ako at tumingin sa direksiyon ng naturing naming ama.
"'Yon ang matagal ko nang gustong sabihin sa'yo, pero pilit mo 'kong iniiwasan dahil sa mga nagawa ko sa'yo." Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang dalawang braso ko.
BINABASA MO ANG
The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Teen FictionZarina Hernaqui, the tough queen of the female gang, kept her real identity hidden with her friends Kiela Xienna Gozdella and Shaiah Yanazco to avoid being caught by their enemies in the underworld. Her ex-boyfriend wants to take her place as the Ga...