THIRD PERSON POV
Nagtungo si Roi sa may bintana upang silipin sila Kurt, ngunit paglingon niya sa likuran ay...
"BUMALIK KA ZARINA!" Sigaw ni Roi matapos makawala ni Zarina.
"Miss mo na agad ako?" mapanlokong tanong ni Zarina habang nakangisi sa likuran ni Roi.
Hindi iyon inasahan ni Roi dahil sa bilis ni Zarina. Hindi manlang niya namalayang may nakatutok na sa kaniyang patalim.
"Wala ka nang kawala ngayon, Roi," nakangising bulong ni Zarina sa kanya.
Siniko niya ang dalaga sa tagiliran pero nakailag ito, binali niya ang kamay ni Zarina kaya nabitawan nito ang hawak niyang patalim.
"Sumuko ka na, Roi," ani Zarina.
"Hinding-hindi mangyayari 'yan," animo'y baliw na sambit ni Roi.
"Ahh ganon?" Pagkasabi ni Zai ay agad siyang umikot sa ere at sinipa sa mukha si Roi, duguan ang mukha ng binata na humandusay sa sahig.
'Kulang pa 'yan sa ginawa mo sa 'kin noon, Roi,' ani ni Zarina sa isip niya.
Samantalang sina Kurt naman ay nakikipaglaban sa mga tauhan ni Roi.
"Kayo na ang bahala dito hahanapin ko si Zai," ani Kurt. Gustong sumama sa kaniya si Josh na tinanguan niya.
"Xiella, ikaw na bahala sa mga bombang ilalagay. Aya, ikaw naman bahala sa mga taong nasa laboratory. Haru at Kyle, protektahan niyo sila," bilin ni Kurt bago sila magsimulang maghanap.
"Masusunod kamahalan," pabirong tugon ni Haru at kyle.
Agad na nagtungo sa laboratory sila Kyle at Aya, habang sila Xiella at Haru naman ay hinanda na ang mga bombang pasasabugin. Isang kalabit niya lang ng Button na hawak niya ay sasabog ito kaagad.
Handa na ang lahat, si Zarina na lang ang hindi pa.
"Kurt, sa likod mo!" babala ni Josh dahil may papasugod sa kaniya na may dala-dalang patalim.
ZARINA'S POV
"Tandaan mo hindi pa tayo tapos!" Hinihingal at nahihirapang magsalita na banta ni Roi na ngayon ay nakatayo na.
"At saan ka pupunta?" Natigilan si Roi na papatakbo na sana nang harangan siya ng mga life savior ko.
"Zai/queen, ayos ka lang ba?" Lintek na mga animal, sabi ko huwag akong tatawaging queen, eh.
"Huwag kang mag-alala, queen, hindi naman nila tayo kilala, remember lagi tayong nakamask pagpupunta sa UG?" bulong ni Shaiah.
Kahit na! Kukurutin ko 'to sa singit.
"A-Ayos ka lang?" Hayst, namiss ko 'tong kupal na Kurt na 'to.
"'Di pa ba obvious?" Sarcastic kong tanong.
"Tsk, obvious na obvious nga, eh," sagot niya na may halong pagtataray.
BINABASA MO ANG
The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Teen FictionZarina Hernaqui, the tough queen of the female gang, kept her real identity hidden with her friends Kiela Xienna Gozdella and Shaiah Yanazco to avoid being caught by their enemies in the underworld. Her ex-boyfriend wants to take her place as the Ga...