ZARINA'S POV
Agad ding bumukas ang gate at nagsiyuko ang mga bantay bilang pagbibigay galang sa amin pagkababa namin sa kotse.
"Whoa! Namiss ko dito!" masiglang ani ni Shaiah.
"Grabe, ang ganda dito..." mangha ni Kyle.
"Mas maganda pa 'to kaysa sa UG ng pinas," ani Haru na nakapameywang.
"Wag nga kayong gan'yan, para kayong mga taga bundok," suway ni Kurt.
Nilibot ko ang paningin ko. May ibang parte na nag-iba at lalong pinaganda. Yung iba naman ay ganoon parin.
Nang nadaanan namin ang ring ay nagbulungan ang lahat ng mga nandito at biglang tumahimik.
Umakyat si Minyo sa kinaroroonan ng emcee at kinuha ang mic.
"Good afternoon, everyone. Our PH Queen is only here for a while because we have something important to talk about. Later, I'll talk to you all." anunsiyo niya bago bumaba.
"Gerald, papuntahin mo lahat ng mga miyembro natin," utos ni Minyo sa tao niya.
"May laban nanaman 'to panigurado,"
"Excited na 'ko, tagal nang hindi nakakasapak 'tong kamao ko eh, lumalambot na,"
"Hahaha ako din, pare, pero sino naman kaya ang kakalabanin natin?"
"Mag-aanounce naman si Master Minyo,"
"Ang ga-gwapo ng mga nasa likuran nila,"
"Mga bf siguro nila 'yan."
"Mga shungak! 'di niyo ba sila nakilala? Sila ang Xiavarr—ang sikat na Gang sa pinas."
Bulungan ng ilan. Madami parin pala ditong taga pilipinas.
"Puntahan natin si Carina," ani Jona. Tumango kami at nagtungo na sa kotse. Nagpaiwan si Minyo dahil kakausapin pa niya ang lahat patungkol sa magaganap na bakbakan.
Napag-usapan na kasi namin habang papuntang UG, yung ipinunta namin dito. Agad din naman pumayag si Minyo. Matagal na niyang gustong mapatay ang mafia boss dahil sa alitan nila.
Humarurot ang kotse patungo sa practice room. Nando'n daw lagi si Carina laging nag-eensayo para mas lumakas siya pagdating sa labanan.
"We're here," ani Kiela at pinagkrus ang dalawang braso.
Nagtungo kami sa loob. Pagpasok namin ay sobrang nakamamangha, ang daming mga baril, may mga iilan ding nag-eensayo. Napangiwi na lang ako kay Shaiah dahil kumikinang na naman ang mga mata niya sa mga lalaking naglalakihan ang katawan.
Psh! The more na malaki ang katawan, iyon naman ang pagliit ng kanilang alaga.
"Carina!" puno ng enerhiyang tawag ni Jona.
Lumingon si Carina at lumawak ang pagkakangiti.
"Andito na pala kayo," sabi niya saka tinanggal ang gloves.
"'Musta?" nakangiting tanong ni Carina.
"Ito buhay parin naman," biro ni Kiela.
"Mga wala parin kayong pinagbago," aniya.
"Ikaw nga rin eh, parang lumiit ka lalo," asar ni Shaiah na pinasadahan pa ng tingin si Cari.
"Btw. Sila ba ang Xiavarr?" baling ni Cari kina Kurt.
"Yepp," sagot ni Shaiah.
"MY QUEEN!" biglang sigaw ng kung sino.
Akmang may yayakap sa 'kin nang pigilan siya ni Kurt.
I knew it. It was Tonio.
"Queen, ba't 'di ka nagsabi na pupunta ka pala, 'di sana nasundo manlang kita sa airport," ani Tonio na nakanguso pa, 'di alintana ang braso ni Kurt na nakaharang sa kanya.
Pinasadahan ko siya ng tingin. "Wala ka manlang pinagbago," umiiling sa saad ko.
"Hi, hehe," bati ni tonio kay Kurt at naglahad ng kamay ngunit tiningnan lang iyon ni Kurt at tinaasan ng kilay.
"Ay, same attitude mo pala 'to," bulong sa 'kin ni Tonio. Napailing na lang ako.
Tumunog ang telepono ni Jona, agad niya rin itong sinagot.
"Sino 'yon?" taas ang kilay na tanong ni Josh, tiningnan lang siya ni Jona at bumaling sa'min.
"Tapos na daw kumbinsihin ni Couch Minyo ang lahat. Lahat ay nakahanda na," anunsiyo ni Jona.
"Queen, sasama kami sa'yo ano man ang mangyari, ang laban mo ay laban narin namin, hindi kami papayag na mawala ang kaisa-isahang pinaka malakas na queen na nakilala namin, wala man sa hitsura pero nasa tindig." Pagda-drama ni Kyle.
"Sa'n ka natutong magdrama?" medyo natatawa kong tanong.
"Kay Kurt," sagot niya kaya nakatikim siya ng isang kaltok mula kay Kurt.
Kiela sighed. "Malaking tao ang kakaharapin natin, hindi birong laban 'to," aniya.
"'Yan ang problema. Pero kaya naman 'yang gawan ng paraan ni Coach" ani Shaiah.
Nagtipon-tipon kami upang pag-usapan ulit ang plano. Kahit na tinatamad ako ay pinilit kong makapagsalita.
...
BINABASA MO ANG
The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Teen FictionZarina Hernaqui, the tough queen of the female gang, kept her real identity hidden with her friends Kiela Xienna Gozdella and Shaiah Yanazco to avoid being caught by their enemies in the underworld. Her ex-boyfriend wants to take her place as the Ga...