KURT POV
"Pfft. HAHAHAHA!" Tawa ng mga mokong kong kaibigan. Tsk. Kaibigan ko ba talaga kayo?
"Makukuha din namin ang ranggo mo!" sigaw ni Keifer.
"Buhay ka pa pala?" tanong ni Zarina, 'di na pumalag si Keifer dahil wala na siyang tauhan kaya naman tumakbo siya palabas ng campus.
"Duwag ampota," rinig kong bulong ni Zarina.
Luminga-linga ako sa paligid, nakita ko ang lahat ng students na nakatulala pa rin, 'di makapaniwala na nandito ang Threzashkie.
"KYAAH! SALAMAT, THREZASHKIE!!" Sabay sabay na sigaw ng lahat. Napatakip kami ng tenga dahil sa lakas.
Tinaas ni Zarina ang kanang kamay niya at nagsitahimik ang lahat.
"Tapos na ang palabas. Bumalik na kayo sa klase niyo," Zarina said. Lahat sila ay nagsibalikan na sa kaniya-kaniya nilang room.
"Huwag mo na uulitin 'yon," aniya ko kay Zarina.
"Tsk!" Inirapan niya lang ako at tinalikuran. Pinanood lang namin silang makalayo.
"Grabe ang astig parin nila hanggang ngayon," aniya ni Kyle.
"Oo nga, eh. Akala ko lampa na si Zarina since nagmo-modela na siya, haha." Hindi ko alam bakit uminit ang dugo ko sa sinabi ni Josh, pero wala naman akong dahilan para magalit.
"Anong nakakatawa?" Tanong ko kay Kyle na hindi pa rin tumitigil sa katatawa.
"S-sorry Kurt, ah, kasi-HAHAHA!" Kumunot ang noo ko sa pagtawa nanaman niya.
Umiling na lang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room, sakto kasabay namin sa pagpasok si Ms. Eva.
"Good morning class, so today our lesson i-" 'di natuloy ni Ms. ang sasabihin niya nang may napansin siyang bakante na upuan.
"Sorry miss we're late," nagtaka kami sa biglaang pagsulpot nila sa pinto.
"Ilang beses ko ba sasabihin na ayaw na ayaw ko ang may ma-late sa klase ko?!" Pasigaw na tanong ni Ms. Eva.
"I'm sorry miss," paumanhin ni Xiella.
"Saan ba kayo galing?" tanong ni Ms.
"Nag-cr lang po kami," sagot ni Aya.
"This is your last warning. Sa susunod na ma-late pa kayo, 'wag na kayo magpapakita sa oras ko," Ms. Eva said. "Understood?"
"Yes, Ms. Eva," tugon nila.
Sabay-sabay silang umupo sa upuan nila.
"Mga pred 'di niyo ba napansin, nung nawala sila nerd, 'yon naman ang pagdating nila Zarina?" Tanong ni Kyle ng pabulong sa 'min.
BINABASA MO ANG
The Shadow Monarch [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Fiksi RemajaZarina Hernaqui, the tough queen of the female gang, kept her real identity hidden with her friends Kiela Xienna Gozdella and Shaiah Yanazco to avoid being caught by their enemies in the underworld. Her ex-boyfriend wants to take her place as the Ga...