Episode 3

106 10 0
                                    

Title: FOREVER LOVE
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 3

TUM

 

           Kinakabahan akong pumasok sa photography room kung saan gagawin ang photoshoot. Nakita kong marami na ang taong nasa loob nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at saka pumasok.

           “Nong!” tawag sa akin ni P’Pring nang mapansin ako nito.

           “Hello, P’.” agad ko namang bati sa kaniya.

           “Hi, Nong.”

           Tumungo kami sa isang bakanteng upuan kung saan naghihintay si P’Yang (isang lady boy), ang magsisilbing make up artist ko. Pagkuwa’y naupo ako at sinimulang ayusan ako nito.

           “Ang guwapo mo naman pala talaga, Nong.” sabi pa ni P’Yang habang nilalagyan nito ng kaunting foundation ang aking mukha.

           Bahagya lamang akong ngumiti sa kaniya.

           “Alam mo, malakas ang laban mo Nong. Sa tingin ko, isa lang ang mahigpit na makakalaban mo ngayon. Ang King ng Faculty of Engineering.”

           Bigla akong naintriga kung sino ang tinutukoy ni P’Yang. Narinig ko na nga minsan ang naging usapan ng mga estudyante sa kantina tungkol sa representative ng Faculty of Engineering.

           “Naku! Dumating na siya.” si P’Yang at sabay tingin sa pintuang bahagi. Ang nais nitong tukuyin ay ang King ng Faculty of Engineering.

           Awtomatiko naman akong lumingon at laking gulat ko nang makita ko si Tian.

           Si Tian? Siya ang representative ng Faculty of Engineering?

Napatulala ako bigla at napatingin sa kaniya samantalang napatigil naman siya nang makita ako. Ngayon ay nagkasalubungan ang aming mga mata.

           Pagkalipas ng ilang segundo ay bigla akong tumalikod at sabay napalunok. Hindi ko inaasahan ang pagtatagpong ito. Ngunit higit sa lahat, hindi ko inaasahan na siya ang makakalaban ko.

           Pero hindi ko puwedeng ipagkaila nang magkasalubungan ang aming mga paningin ay para bang tumigil bigla ang mundo ko. Nalilito tuloy ako sa totoong nararamdaman ko ngayon. Galit ako sa kaniya ngunit para bang bigla rin naman akong nakaramdam ng kakaiba lalo pa’t nakita ko muli ang mapupungay niyang mga mata.

           “Siya ang mahigpit mong makakalaban, Nong.” sabi ni P’Yang habang patuloy niya akong inaayusan.

           Kung ganoon, kailangan kong galingan at kailangang talunin ko siya. Patutunayan ko sa kaniya na kaya ko siyang lamangan.

           Kahit pa noong high school kami, aminado na akong mas magaling siya kumpara sa akin. Mapa academics or extra-curricular activities lagi siyang nangunguna, bagay na hinahangaan ng lahat sa kaniya. Kahit ako man din ay humanga noon sa angkin niyang galing.

           Ilang sandali lang ay tinawag ng photographer ang King and Queen ng Faculty of Fine Arts. Sunud-sunod na iyon hanggang dumating sa aming faculty. Unang tinawag ang aking partner, si Fai. Siya muna ang kinunan ng mga larawan. Napakaganda ni Fai at nakita kong malakas ang kaniyang laban.

           “Nong, ikaw na.” sabi ni P’Pring pagkatapos ng photoshoot ni Fai.

           Kinakabahan akong pumunta sa gitna dahil unang beses kong ma experience ito. Bago ako humarap sa kanila, ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga.

With You (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon