Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04EPISODE 4
TUM
“Daanan ka na lang namin mamaya, Tum.” sabi ni Kit pagkatapos nila akong ihatid sa rehearsal room.
“Okay.”
“Bye, Tum.” sabi ni Farm bago sila nagsimulang maglakad ni Kit.
Pag-alis ng dalawa kong kaibigan ay pumasok ako sa loob kung saan naghihintay sina P’Pring at P’Yang. Ngayong araw kasi ang insayo namin bilang paghahanda sa nalalapit na King and Queen 2020.
“Hello, P’Pring! Hello, P’Yang!” agad kong bati sa dalawang seniors paglapit ko.
“Hello, Nong!” bati rin sa akin ng mga ito.
“Hintayin muna natin si Fai.” ani P’Yang. Pagkatapos ay tumungo ito sa kaliwang sulok na bahagi ng silid kung saan naroon ang isang stereo na siyang gagamitin namin mamaya.
“Heto, Nong.” sabi ni P’Pring matapos nitong iabot sa akin ang isang papel. “Schedule ‘yan ng mga activities ninyo this week until nextweek before ang coronation day.” dagdag pa niya.
“Khrap.”
Pagkuwa’y kinuha ko ang papel na inabot nito at sabay tingin dito. Nakita kong bukod sa mga gagawin naming insayo ay mayroon pang outreach program na gagawin ang lahat ng mga kalahok.
“Nong, hindi lang ito basta pageant. Kundi one way din ito para mai-share ninyo sa iba ang mga bagay na mayroon kayo especially sa mga less fortunate children. This is the right time para makapagbigay kayo ng inspirasyon kahit sa simpleng paraan na puwede ninyong gawin.” paliwanag ni P’Pring.
Ngumiti ako dahil ngayon pa lang nakikita ko na ang sarili ko pagdating ng panahon. Kumuha ako ng medicine hindi lamang para magkaroon ng magandang trabaho at kumita ng malaki ngunit higit pa roon, gusto ko ring tumulong sa aking kapuwa.
Parehong doctors ang mga magulang ko. Mayroon din kaming hospital na pag-aari mismo ng aming pamilya. Bata pa lang ay namulat na ako sa mga charity works na ginagawa ng parents ko. Sabihin na nating, mapagkawanggawa ang mga magulang ko. Kaya gusto ko ring sundan ang kanilang yapak. And I think, this King and Queen 2020 is one step closer to my dreams.
Mayamaya ay dumating si Fai. Pagkatapos maibigay ni P’Pring sa kaniya ang kopya ng aming schedule of activities ay naghanda na kami pareho para simulan ang aming insayo. Unang tinuruan ni P’Yang si Fai sa tamang paglakad. Nakita kong naging madali lamang sa kaniya ang ginagawa nitong pagrampa.
“Almost perfect ka na, N’Fai.” nakangiting sabi si P’Yang sa kaniya pagkatapos.
Nakakaproud naman itong partner ko samantalang bigla naman akong kinabahan ng ako naman ang tinawag ni P’Yang.
“P’, first time ko kasi ito. Hindi ko alam kung paano maglakad at tamang posing.” nahihiyang pahayag ko bago kami magsisimula.
“Mai bpen rai, Nong. Tuturuan kita hanggang sa gumaling ka.” sabi ni P’Yang at sabay hawak sa aking balikat.
BINABASA MO ANG
With You (BL)
Teen FictionTitle: WITH YOU The Series Author: Jenryl de Jesus Genre: Friendship, youth, romance, drama Episode: 15 episodes Status: completed Synopsis: Tian and Tum are best friends. They promised never to separate. But by accident, their friendship was te...