Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04EPISODE 12
TUM
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko kay Tian. Sa kabilang dako, nararamdaman ko rin na nagkakaroon na rin ako ng puwang sa kaniyang puso. Kahit hindi man nito sinasabi ngunit ang kaniyang mga kilos ay sapat na para maramdaman ko iyon.
Madalas din kaming nagkikita at nagkakasama. Napakasaya ng bawat sandaling kapiling ko siya.
"Kumusta na kayo ni ñ, Tian?" minsang tanong sa akin ni Kit nang pumunta siya ng apartment ko.
"Okay lang naman kami." kaswal na sagot ko ngunit ang totoo ay ayaw ko lang ipahalata sa kaniya ang totoong damdamin na mayroon ako ngayon.
"Mukha atang nagkakamabutihan na kayo." sabi pa nito nang tumabi sa akin sa kama.
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko at kapagkuwan ay huminga ng malalim.
"Kit, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon." pagtatapat ko sa kaibigan.
"I know. Kahit hindi mo pa sabihin sa akin alam ko 'yon. Pero ang tanong, same din ba kayo nang nararamdaman ngayon?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Kit.
"I don't know. Sabi niya magsimula muna kami bilang magkaibigan."
"Sinabi niya 'yon?"
"Ummmm." sagot ko at sabay tango.
"So umaasa ka roon?"
Napatingin ako kay Kit.
"Sa tingin mo, Kit, dapat ba akong umasa?" pagkuwa'y tanong ko.
"Ahhmm.... Well, wala namang masama kung umasa ka lalo pa't sinabi niya 'yon. Pero ang tanong, paano kung hindi mangyayari 'yong inaasahan mo"
Napatigil ako ng saglit. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pagkatakot sa puntong ito.
"Hindi ko alam. Ayaw kong isipin 'yon." nais kong paniwalaan na mangyayari ang inaasahan ko.
Humiga rin si Kit sa tabi ko.
"Tum, minsan ang mga bagay na gusto nating mangyari ay hindi nakatakdang mangyari. Minsan ang mga bagay na pinaniniwalaan natin ay nasa pangarap lamang. May mga bagay na kahit anong pilit natin pag ito'y hindi nakalaan para sa atin kailanman hindi ito mapapasaatin. Alam kong masakit pero dapat nakahanda tayo lagi para doon." pagkuwa'y pahayag niya.
"Pero nararamdaman ko, Kit, mahal din niya ako."
"Magiging masaya ako pag nagkatotoo 'yon. Alam kong sa simula pa lang wala ka ng ibang minahal kundi siya. Pero Tum, puwede bang huwag kang masyadong umasa sa kaniya?"
"Pero Kit - ." nais ko sanang tutulan ang sinabi ng kaibigan ko ngunit bigla niya akong pinigil.
"Ayaw kong makitang nasasaktan ka at umiiyak. Tum, mahirap pero iyon ang dapat mong gawin, ang huwag umasa ng labis kay Tian."
Nalungkot na lamang ako dahil sa naging pahayag ni Kit. May punto rin naman siya ngunit pilit ko mang sundin ang sinabi niya, ang puso ko naman ay gustong umasa sa posibilidad na balang araw ay magiging kami ni Tian.
___________________________________________________
Papunta ako ngayon ng aming classroom nang makita ko sina Tian at Kat habang nag-uusap. Saglit akong napatigil at mula sa kalayuan ay pinagmamasdan ko dalawa. Mukhang masaya sila habang nagpapalitan ng salita, bagay na nagdulot sa akin ng kaunting kirot na di ko naman sinasadyang maramdaman.
BINABASA MO ANG
With You (BL)
أدب المراهقينTitle: WITH YOU The Series Author: Jenryl de Jesus Genre: Friendship, youth, romance, drama Episode: 15 episodes Status: completed Synopsis: Tian and Tum are best friends. They promised never to separate. But by accident, their friendship was te...