Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04EPISODE 14
TUM
Pagkatapos naming kumain ng pananghalian ay nagsimula na kami sa una naming activity. Inikot namin ang kabuuan ng camping site para mamulot ng mga basura. Magkasama kami ni Tian habang hawak namin pareho ang isang sako. Hanggang ngayon ay napakatahimik pa rin niya ngunit binalewala ko lamang iyon.
“Tum, tingnan mo ‘to.” tawag sa akin ni Kit. Kasama niya si Farm.
Agad kong binitawan ang sakong hawak ko at dali-dali akong lumapit sa kanila. Nagulat ako nang makita ko ang isang pugad ng ibon na nakapatong sa isang maliit na puno. Mayroon itong laman na tatlong maliliit na ibon.
“Ang ganda nilang tingnan.” pagkuwa’y sabi ko.
Kinuha ni Farm ang isa mula sa pugad at binigay ito sa akin.
“Oh!” sabi niya at sabay abot ng ibon.
Dahan-dahan ko naman itong kinuha mula sa kaniya.
“Ang cute-cute niya.” nakangiti kong wika habang hinihimas ko ang malambot niyang balahibo.
Mayamaya ay lumapit din sina Tian, Jump at Pond.
“Wow! Ang cute naman niyan.” si Jump at bahagya nitong hinimas ang ulo ng ibong hawak ko.
Pagkatapos ay binalik ko ito sa kaniyang pugad at nagpatuloy kami sa aming ginagawa. Hindi namin namalayan ay napunta kami ni Tian sa isang lugar na medyo malayo sa aming mga kasama.
“Tian.” sambit ko nang tumigil kami sa ilalim ng malaking puno.
Napatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. Inilapag niya ang hawak nitong sako at saka kinuha ang aking kamay. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil nito. Mayamaya ay hinawakan naman nito ang aking mukha.
“Hey! What’s wrong?” taka kong tanong sa kaniya. Kanina ko pa kasi napapansin ang kakaibang kilos niya.
Inilapit niya ang kaniyang mukha at nagtagpo ang aming mga noo. Sunud-sunod ang mga buntong hininga na kaniyang ginagawa.
“Tum….” mahinang sambit niya sa aking pangalan habang nakikita ko na ang pagnginid ng kaniyang mga mata.
Hinawakan ko ang gilid ng kaniyang labi. Ramdam kong napakalambot nito. Mayamaya ay hinalikan naman nito ang aking kamay.
“Tian….” masuyo kong sambit ulit sa kaniyang pangalan.
Nakatitig lamang siya sa akin habang ang kaniyang mga mata ay nangungusap.
“Can you be my boyfriend?” kahit puno ng takot ang aking puso ay naglakas loob akong itanong iyon sa kaniya.
Ngunit hindi siya sumagot at sa halip ay napayuko na siya. Bigla akong nakaramdam ng kirot dahil sa kaniyang naging reaction.
Ilang sandali lang ay dahan-dahan nitong itinuon sa akin ang kaniyang paningin. Nakita ko ang labis na kalungkutan na bumabalot sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
With You (BL)
Teen FictionTitle: WITH YOU The Series Author: Jenryl de Jesus Genre: Friendship, youth, romance, drama Episode: 15 episodes Status: completed Synopsis: Tian and Tum are best friends. They promised never to separate. But by accident, their friendship was te...