Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04EPISODE 7
TUM
“T-Tum?” nauutal na sambit ni Tian sa pangalan ko.
Halos hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. Alam kong hindi niya ito inaasahan.
Napatitig ako sa kaniya habang ramdam kong pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso. Matagal kaming nagkatitigan hanggang……..
“Bakit hindi ka pumasok kanina? Alam mo bang hinahanap ka nila? Malapit na ang kompetisyon. Gusto mo bang mapahiya ka?”
Hindi ko alam kung bakit sunud-sunod ang mga tanong ko sa kaniya. Ang tanging alam ko lang ay para akong natataranta ngayong kaharap ko siya.
Bigla niya akong niyakap na labis kong ikinagulat.
“Khaaw thot.” mahina nitong bulong.
Hindi rin naman ako makakilos na pakiwari ko ba’y naninigas ang aking katawan. May kung anong emosyong biglang bumalot sa akin sa mga sandaling ito.
“Puwede ba bitawan mo ako?” pagkuwa’y sabi ko at bahagya ko siyang naitulak palayo.
“I’m really sorry, Tum. Sobrang na-miss lang kita.” mangiyak-ngiyak niyang wika ngunit kita ko naman ang pagkagalak sa kaniyang mga mata.
Pumasok ako sa loob ng kaniyang kuwarto at dumiretso sa kaniyang kama. Napatingin ako sa paligid at nakita kong malaki ang pinagbago nito. Ngunit kailanman ay hindi nagbago ang pakiramdam kong komportable akong pumapasok dito.
“Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit hindi ka sumali sa rehearsal kanina? Alam mo bang mahalaga ‘yon para sa nalalapit na kompetisyon?” sa muli ay binato ko na naman siya ng mga katanungan.
“Di ba ayaw mo na akong makita? Kapag papasok ako, makikita mo ako at mas lalong magagalit ka sa akin. Hindi ko kayang isipin ‘yon, Tum.” malungkot nitong sagot.
Halos natigilan ako nang marinig ko iyon. Kung ganoon, ako nga ang dahilan ng hindi niya pagsipot kanina.
“Nahihibang ka na ba? Mapapahiya ka, Tian. Alam mo ba ‘yon?”
“Kung ‘yon lang ang paraan para mapatawad mo ako ay gagawin ko ‘yon.”
Naramdaman kong totoo siya sa kaniyang mga sinasabi kaya naman bigla rin akong nakaramdam nang pagkahabag.
“Gagawin mo ‘yon para mapatawad lang kita?” kumunot ang noo ko.
“Ummm.” maikling tugon niya at saka tumango. “Tum, ayaw kong nagagalit ka sa akin. Gusto kong bumalik tayo sa dati. Gusto kong maging magkaibigan tayo ulit gaya noon. Please, Tum, bigyan mo ulit ako ng second chance na patunayan sa'yo na nagsisisi na ako sa lahat ng mga ginawa ko sa'yo.”
“Sinaktan mo ako.” pagkakuwa’y panunumbat ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang aking kamay.
“P’Khaaw thot. I didn’t mean to do that to you. Believe me, Tum.” puno ng pagsusumamo ang kaniyang tinig.
I don’t know why but at this point, I also immediately forgave him for what he did.
BINABASA MO ANG
With You (BL)
Fiksi RemajaTitle: WITH YOU The Series Author: Jenryl de Jesus Genre: Friendship, youth, romance, drama Episode: 15 episodes Status: completed Synopsis: Tian and Tum are best friends. They promised never to separate. But by accident, their friendship was te...