Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04EPISODE 15 (FINALE)
TUM
Nandito kami ngayon ni Farm sa labas malapit lang din mismo sa aming tent. Nasa loob na si Kit habang nagpapahinga. Maliwanag ang buwan at marami ring mga ilaw ang nakapalibot sa buong camp site. Halos tahimik na rin ang buong paligid.
“Khaawp khun na.” minsang sabi ni Farm habang nakaupo kami sa mga damuhan at nakatingin sa langit.
“For what?” mahinang tanong ko sa kaniya.
“Sa chance na binigay mo sa akin.” nakangiting sagot nito.
Nakita kong nangingislap ang kaniyang mga mata. Batid ko ang saya sa kaniyang mga titig.
Binato ko siya ng isang ngiti bago muling nagsalita.
“Hindi ko alam kung paano ko susuklian ang pagmamahal mo. Pero susubukan ko.”
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Hindi mo dapat gawin 'yon, Tum. Kuntento ako sa kung anong mayroon tayo ngayon. Hindi na ako naghahangad ng labis pa.” pagkuwa’y wika nito.
“Pero - .”
“Tum, bago ako dumating sa buhay mo alam kung may nauna na sa akin. Hindi ko kailangang makipag-compete sa kaniya diyan sa puso mo dahil alam kong iba siya at iba ako. Masaya na ako na kasama kita ngayon. Huwag mong isipin na kailangan mong pantayan ang pagmamahal ko sa'yo. Ang bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka ay sapat na at kung hihingi pa ako ng higit pa roon ay kalabisan na iyon.”
Natigilan akong nakatitig kay Farm. Inaamin kong hanggang ngayon mahal ko pa rin si Tian ngunit naisip kong kailanman ay hindi na puwedeng maging kami. Kaya sa puntong ito, kahit hindi man hilingin sa akin ni Farm ay susubukan kong buksan ng buong-buo itong aking puso at ibigay sa kaniya ang nararapat na pagmamahal.
“Farm – “ mahinang sambit ko sa kaniyang pangalan. Para kasing babagsak ang aking mga luha.
Ngunit dahan-dahan nitong hinawakan ang gilid na bahagi ng aking labi. Bahagya niya itong hinimas saka ang palad nito ay nagtungo sa aking pisngi. Naramdaman ko ang mainit na palad niyang dumampi sa aking mukha.
“I love you, Tum.” pagkuwa’y lambing niyang wika.
Ito ang unang beses na narinig ko ang salitang iyon na noon ko pa pinapangarap na marinig mula kay Tian. Hindi ko alam kung paano tumugon kay Farm at ang tanging nagawa ko na lang ay napayakap na lamang ako sa kaniya.
Huminga ako ng malalim at sabay bigkas ng salitang…..
“I love you too.”
TIAN
Mula sa di kalayuan, nakita ko sina Tum at Farm habang nagyayakapan. Ang tagpong iyon ang nagpadaloy muli sa aking mga luha. Napakasakit tingnan na yakap ng iba ang taong pinakamamahal ko. Ako dapat ang kasama, kausap at higit sa lahat ang kayakap niya ngayon.
BINABASA MO ANG
With You (BL)
Teen FictionTitle: WITH YOU The Series Author: Jenryl de Jesus Genre: Friendship, youth, romance, drama Episode: 15 episodes Status: completed Synopsis: Tian and Tum are best friends. They promised never to separate. But by accident, their friendship was te...