Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04EPISODE 8
TUM
Isang oras na lang magsisimula na ang King and Queen 2020. Pagkatapos ayusan ni P’Yang si Fai ay ako naman ang inayusan nito.
“Good luck, Nong.” sabi ni P’Yang habang inaayos nito ang aking buhok.
“Thanks, P’.”
“Galingan mo mamaya.”
“Khrap.”
Tumagal ng halos dalawampung minuto ang pag-aayos niya sa akin.
“Ayan! Napakaguwapo mo na, Nong.” wika ni P’Yang pagkatapos habang tinitingnan ako nito sa mukha.
“Thanks, P’Yang.” nakangiti kong saad at pagkatapos ay humarap ako sa salamin.
“See? Napakalaki ng chance mong mananalo, Nong.”
Bahagya lamang akong ngumiti hanggang maalala ko ang sinabi ko kay Tian. Anyway, hindi na mahalaga sa akin kung hindi ako mananalo mamaya.
“Wala ngang duda kung bakit napaka-famous mo.” sabi ni Fai habang nakatingin sa akin sa salamin. Nakuha ko ang ibig nitong sabihin.
“Ikaw rin naman eh. Napakaganda mo ngayon, Fai.” puri ko rin sa kaniya.
Mas lalo kasing lumantad ang kaniyang kagandahan dahil sa make-up na nilagay sa kaniyang itsura. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa lahat ng mga babaeng kalahok.
“Oo na, maganda na ako.” natatawang wika nito. Mayamaya ay nag seryoso siya. “Anyway, good luck, Tum.” ani pa niya.
“Ummm…Good luck din sa'yo, Fai.”
Lumingon ako sa kanang bahagi ng silid na ito kung saan naroroon sina Tian at Kat habang inaayusan din. Nakita kong napakaguwapo ni Tian sa kaniyang ayos ngayon. Mga ilang segundo rin akong nakatingin sa kaniya hanggang……..
“Titig na titig tayo sa kabila huh. Sino kaya sa dalawa ang tinitingnan mo? Ang King o ang Queen ng Faculty of Engineering?” birong turan ni Kit na may kasamang ngisi pa. Hindi ko napansin ang pagdating niya kasama si Farm.
(Napatingin naman si Farm sa kinaroroonan nina Tian at Kat. Kapansin-pansin ang biglang pag-iba ng expression ng kaniyang mukha.)
Bahagya ko siyang siniko at inismirang tumingin sa salamin. Actually, hindi ko pa naikukuwento sa kaniya na nagkaayos na kami ni Tian.
“Good luck, Tum.” sabi ni Farm saka hinawakan nito ang aking balikat.
“Salamat.” tugon ko nang tumingin ako sa kaniya.
“Good luck.” si Kit at pagkuwa’y lumabas na silang dalawa ni Farm.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at pumunta sa labas para magpahangin. Medyo nakakaramdam ako ng kaba ngayon. Ngunit hindi ko alam na sinundan pala ako ni Tian.
BINABASA MO ANG
With You (BL)
Teen FictionTitle: WITH YOU The Series Author: Jenryl de Jesus Genre: Friendship, youth, romance, drama Episode: 15 episodes Status: completed Synopsis: Tian and Tum are best friends. They promised never to separate. But by accident, their friendship was te...