Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04EPISODE 5
TIAN
FLASHBACK
Papasok na kami ng gate nang biglang may bumangga kay Tum.
“Khaaw thot.” sabi ng lalaking bumangga kay Tum.
“Mai bpen rai.” saad ni Tum ngunit napansin ko ang paghawak nito sa kaniyang balikat.
“May masakit ba sa'yo?” tanong pa ng lalaki na hinawakan pa nito ang balikat ni Tum.
Saktong mag-aangat ng mata si Tum nang magkasalubungan ang kanilang mga paningin. Kapwa sila napatigil at nagkatitigan na halos magkadikit lang din ang kanilang mga mukha. Samantalang napakunot naman ang aking noo na pinagmamasdan silang dalawa. Halos ilang segundo rin silang nagkatitigan hanggang……
“I-I’m fine.” nauutal na sabi ni Tum at bahagyang inilayo nito ang kaniyang mukha.
Ngumiti ang lalaki sa kaniya.
“By the way, I’m Phuwin.” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili at sabay abot ng kaniyang kamay.
“I’m Tum.” si Tum at nakipagkamayan kay Phuwin.
“Yindee thedai ruujak khrap.” nakangiting sabi ni Phuwin.
“Khrap.”
Nakita kong halos ayaw bitawan ni Phuwin ang kamay ni Tum.
“I’m sorry ulit, Tum.” sabi pa nito pagkatapos bitawan ang kamay ni Tum.
“Mai bpen rai khrap.” si Tum at sabay iwas nang tingin. “Sige, alis na kami.” paalam naman nito pagkatapos.
Awtomatiko naman akong sumunod sa kaniya ngunit bago ko inihakbang ang aking mga paa ay napatingin pa ulit ako kay Phuwin. Nakita kong halos ayaw pakawalan ng mga mata nito si Tum.
Pagdating namin ng classroom, ay tahimik akong naupo sa aking upuan samantalang si Tum ay napapahawak pa rin sa kaniyang balikat. Alam kong medyo nasaktan siya sa banggaan nilang dalawa ni Phuwin kanina.
“Okay ka lang?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.
“Ummm.” maikling tugon niya.
Ilang sandali lang ay dumating naman sina Pond at Jump.
“Tum, tingnan mo ‘to.” sabi ni Jump paglapit sa amin. Ipinakita pa nito ang kaniyang cellphone. “Paano kayo nagkakilala ni Phuwin?” pagkakuwa’y nagtatakang tanong niya.
Nagulat si Tum nang makita nito ang mga uploaded photos nang banggaan na naganap kanina sa gate. Ako man ay nagulat din hanggang naalala ko na hawak ng kaibigan ni Phuwin ang cellphone nito kanina habang nakatutok ang camera nito sa kanilang dalawa ni Tum.
“Paano nangyari ‘to?” nagtatakang tanong ni Tum.
“Tingin ko, ang kaibigan niya kanina ang kumuha niyan.” biglang sagot ko. Napatingin naman silang tatlo sa akin.
BINABASA MO ANG
With You (BL)
Teen FictionTitle: WITH YOU The Series Author: Jenryl de Jesus Genre: Friendship, youth, romance, drama Episode: 15 episodes Status: completed Synopsis: Tian and Tum are best friends. They promised never to separate. But by accident, their friendship was te...