Episode 13

60 6 0
                                    

Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 13

TIAN

Nilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng silid ni Tum. Mahigit dalawang taon bago muli ako nakabalik dito. Yes! Dito ako matutulog ngayong gabi sa kanilang bahay. Nagpaalam na rin ako kay Mama kanina habang papunta kami rito.

"Nandito pa rin 'to?" tanong ko nang makita ko ang stuff toy sa ibabaw ng kaniyang drawer.

Bigay ko ito sa kaniya noong 16th birthday niya. Ang buong akala ko ay tinapon na niya ito.

"Ummm... Tinago ko 'yan."

Tinungo ko iyon at saka kinuha. Pinagmasdan ko ito at saka ngumiti.

"Akala ko tinapon mo na ito." pagkuwa'y sabi ko nang lumingon ako sa kaniya.

"Ba't ko naman gagawin 'yon? Yan nga lang ang mayroon ako sa'yo noon. Sa tuwing nakikita ko 'yan, lagi kitang naaalala. Umiiyak ako noon lalo na pag hawakan ko 'yan, pero never ko naisip na itapon 'yan."

Bahagya akong ngumiti.

"Sorry sa ginawa ko dati, Tum." wika ko. "Labis akong nalungkot noon nang malaman kong lumipat ka. Sinubukan kong habulin at kausapin ka ngunit alam kong ayaw mo akong makita noon. Pero nang malaman kong sa Sripatum University ka mag-aaral ay mas pinili kong mag withdraw sa Bangkok University at sa Sripatum mag enroll."

"Ang ibig mong sabihin, sa Bangkok University ka dapat mag-aaral?" nagulat siya.

"Oo, doon ako natanggap subalit mas pinili ko ang Sripatum University dahil sa'yo." paliwanag ko at saka ipinatong ko muli ang stuff toy sa ibabaw ng drawer. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinisil ito ng bahagya. "Tum, sinundan kita dahil gusto kong humingi ng sorry at muling mapalapit sa'yo. Ayaw kong mawala ka sa akin."

Bahagya ako nitong binato ng isang ngiti. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagpisil niya sa kamay ko.

"Salamat, Tian. Alam mo, napakasaya ko ngayong kasama na kita ulit."

"Ummm... Salamat din at binigyan mo ulit ako ng pagkakataon na makasama ka."

Niyakap namin ang isa't isa ng buong puso. Hindi ko alam kung nasa anong lebel na kami ng aming relasyon. Hindi ko masasabing opisyal na kami sapagkat may mga bagay pang bumabagabag sa akin hanggang ngayon. Gayunpaman, susubukan kong buksan ang puso ko para sa kaniya at suklian ang pagmamahal na mayroon siya para sa akin.

Pagkatapos naming ilagay ang aming mga gamit ay bumaba na kami para maghapunan. Manaka-naka ang aking mga hakbang papuntang kusina nang makita ko ang kaniyang mga magulang. Kahit pa madalas akong pumaparito rati ay madalang ko lang din sila nakikita noon dahil sa palaging busy ang mga ito.

"Good evening, Uncle. Good evening, Aunty." magalang na bati ko paglapit namin sa kanila.

"Good evening, Tian." nakangiti namang bati nila sa akin.

Magkatabi kami ni Tum sa upuan at sa ilalim ng mesa ay palihim niyang hinawakan ang aking kamay. Bahagya niya itong pinisil at sapat lamang para kumalma ako.

"Matagal-tagal ka rin naming hindi nakita. Musta ka na?" tanong ni Aunty pagkatapos.

"Okay lang ako, Aunty." kabado kong sagot ngunit hindi ko ito pinahalata.

With You (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon