Episode 1

177 10 1
                                    

Title: WITH YOU
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04

EPISODE 1

TUM

Dati akong mahiyain, tahimik or in short introvert type. Mayroon akong dating mga kaibigan, sina Jump, Pond at ang pinakamalapit sa akin, si Tian. Maaaring bias ako pagdating sa kanilang tatlo dahil bukod sa mas malapit ako kay Tian ay lihim ko rin siyang nagugustuhan.

Yes! For 3 years, lihim akong nagkagusto sa kaniya at ni isa'y walang nakakaalam niyon. Itinago ko sa lahat ang totoo at tanging ang Diary ko lamang ang may alam sa tunay kong nararamdaman. Hanggang isang araw, naiwan ko ito sa loob ng aming classroom at nabasa ng mga kaklase ko ang laman nito. Ang masakit ay nalaman ni Tian ang totoo. Ngunit imbes na maunawaan at tanggapin ako ay pinagtabuyan niya ako. Pinahiya niya rin ako sa harap ng aming mga kaklase. Iyon na ata ang pinakamasakit na parte ng aking buhay. Bukod sa matalik ko siyang kaibigan, siya rin ang unang taong aking nagustuhan.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na ako pumasok at sa halip ay lumipat ako ng ibang paaralan. Mabuti na lang sa paaralang aking nilipatan ay nakilala ko agad si Kittakorn Jutamat o mas kilala sa tawag na Kit. Naging malapit kami ni Kit sa isa't isa at sa kalaunan ay naging matalik na magkaibigan. Dahil sa kaniya, unti-unti akong nakalimot at binago ang aking sarili.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago bumaba ng sasakyan. Ngayon ang unang araw namin ni Kit sa Sripatum University.

"Nakahanda ka na?" tanong niya sa akin habang pinagmamasdan namin ang kabuuan ng unibersidad.

"Umm." maikli kong sagot ngunit ang totoo ay kinakabahan ako.

Medyo kasi naninibago ako ngayon. Malaking mundo na ito kumpara sa mundo ko noon. Alam kong hindi madali ang maging college student ngunit naniniwala ako na habang katabi at kasama ko si Kit ay magiging maayos ang lahat.

"Tara!" aya niya sa akin at sabay lakad.

Tahimik naman akong sumunod sa kaniya habang binabaybay namin pareho ang kahabaan ng hallway papuntang lobby. Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang makarating kami ng field kung saan gagawin ang orientation. Pagdating namin doon ay naupo kami sa likurang bahagi ng mga estudyanteng mas nauna pa sa amin.

"Hello, freshmen." nagagalak na sabi ng isang senior na nasa gitna. "Ako si Pring at ako ang presidente ng ating faculty. So itong mga katabi ko naman ay ang mga seniors ninyo. Habang nasa ilalim namin kayo, huwag kayong magdadalawang isip na lapitan kami just in case may mga problema kayo lalo na pagdating sa academics."

Nang marinig iyon ng lahat ay nakita kong natuwa sila sa sinabi ni P'Pring. Ako man din ay masaya rin dahil bilang freshman, alam kong hindi madali ang maging medicine student. Lalo pa't alam kong mahirap ang aming kurso.

"Siguro naman ang iba rito sa inyo ay aware na rin sa patakaran ng skul. Sa unang dalawang linggo ng pasukan, tradisyon na ng ating unibersidad na magkakaroon ng Freshy Day. Isa ito sa napaka-exciting na moment ninyo bilang college student. Kaya dapat i-enjoy ninyo ang oportunidad na ito. Hindi lang ito basta isang aktibidad na magpapasaya sa ating lahat. Bagkus magiging daan din ito para mas makikilala pa ninyo lalo ang inyong mga sarili. Freshy Day aims to promote camaraderie among students. Not only in our faculty but to the entire university. So ang bawat faculty ay maglalaban para sa mga activities na gagawin. But the main essence of the said competition is to promote sportsmanship, unity and solidarity. Alam kong marami dito ang excited na, tama?" wika ni P'Pring.

"Chai khrap/kha." sabay na sagot naming lahat at sabay palakpak.

"Pero, mas lalong ma-eexcite kayo sa magiging finale ng Freshy Day dahil magkakaroon tayo ng King and Queen 2020."

With You (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon